Action 152: Kumindat talaga 'yon.

41 2 0
                                    


Clumsy's POV

Binilisan ko talagang magising ngayong araw! Kasi magaling na si Pating at kailangan na niyang tuparin ang SM namin. Kasama syempre si Sandwich at Ate Sandra. Naaalala ko parin iyong pag-uusap namin tungkol sa magjowang naghahalikan. Pero hayaan ko na muna 'yon! Marami pang araw para isipin ang jowa. Kailangan mag-enjoy muna! Enjoy the life! Oh my English 'yon!

Nakangiti kong hinahalo ang kape na ginawa ko. Tinabi ko ang platito ng mga biscuits na galing sa isang malaking lalagyanan. Para talaga kay Sandwich ang mga biscuits na to pero dahil walang tinapay ito na lang din kay Pating.

At sa akin na rin kasi tumutunog na ang tiyan ko. Mabilis akong dumampot ng isa at kumain. Heheh!

Bakit ba nagugutom ako agad eh naggatas at biscuit na rin naman ako eh. Oh diba akala mo kung sinong nagising ng maaga wala namang ginawa. HAHAHAHAH! Biscuits at kape lang ang naihanda! Nakakahiya. Gisingin ko na nga si Pating para magluto. Ay mali-mali! Para turuan akong magluto! Gano'n dapat... Gano'n sana.

Lalabas palang ako ng kusina ng makasalubong ko na si Pating. "Ahehehe. Goodmorning."

Napabuntong hininga siya. "You never told me you will wake up early. Akala ko kung nasaan ka na."

"Ang OA nito. Aga-aga eh. Kape. Saka biscuits. Para sa'yo." Nginitian ko siya. Hindi siya gumalaw at tiningnan lang ang tinuro ko sa mesa. Kaya hinila ko na siya papunta roon. Pinaupo ko siya at nginitian. "Kain ka mabuti."

"Why are you doing this?"

"W-why? Aaah. Eh... Kasi... S-sabi mo... Hindi kasi diba magii-SM tayo? Hehe."

"Aahh."

Kinapa ko ang noo niya. At napakunot noo siya. Mabilis ko iyong tinanggal bago pa niya mahampas. "Wala ka ng lagnat! Yeeeeeey! Magaling na siya!" Niyakap ko si Pating pero dinakot niya lang ang mukha ko at inilayo ako sa kanya.

"Masyado kang halata. Tumigil ka nga. Ganyan ka lang kasi may kailangan ka."

Napanguso ako. "Ay. Sorry. Baka kasi... Baka kasi umayaw ka."

Tiningnan niya ako. Sabay iling.

"Sorry na Pating. Gusto ko lang talaga igala si Sandwich eh. Pramis hindi ko na ulit gagawin 'to."

"That's not what I mean!" Mabilis niyang sabi.

"Not... Not mean? Ha ano? Ano bang ibigmong sabihin?" Napakunot noo ako. Ang gulo niya. Kanina nagtatampo siya.

"Wala. Salamat sa kape..."

'Sana lagi.'

"Sana lagi ang alin Pating?"

"W-wala. Lumabas ka na. Doon ka sa sala."

Napaisip din ako. Anong lagi? Napakamot ako sa ulo habang lumalabas. Pero bumalik din ako agad sabay kuha ng mga biscuits sa lalagyanan. Tiningnan ako ni Pating. "Para kay Ulan. Hehehe!"

Tumakbo na ako palabas. At dahil tinatali talaga ni Iangot si Ulan sa may hagdan, doon siya natutulog. Nilagyan din ni Iangot ng tshirt niya ang lapag para may higaan si Ulan. Medyo sweet. Medyo lang talaga.

Gumagalaw ang buntot ni Ulan paglabas ko. Nilapag ko ang mga biscuits at nagmamadali siyang kumain. Mabilis akong tumakbo para kumuha ng tubig pero hindi pa ako nakakapasok sa bahay sinalubong ako ng pader.

"Aaach!" Napaatras ako at napahimas sa noo. Pumikit ako sa sakit. Pero dahan-dahan ding nawala. Nilingon ko si Ulan. Nakain siya. Whew! Akala ko nakita niya.

Nagderederetso na ako sa kusina. Pagdating ko doon nagsisimula na si Pating na maglabas ng lulutuin mula sa ref. Kumuha ako ng plastic na tupperware at nilagyan iyon ng tubig. Aalis na sana ako ng mapansin kong nakatingin sa akin si Pating. Tapos nagbilang gamit ang daliri. Simula sa hinlalaki, sa hintuturo at sa gitnang daliri. Lah. 'Di ba dapat 'yong hinliliit ang nauna?

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now