Action 101: Siya si Mafi?

586 9 0
                                    


Mister Delvalde's POV

Gumawa ng matinis na ingay ang takure na tanda ng pagkakulo ng tubig sa loob nito.

Agad kong pinatay ang kalan saka binuhat ang takure papunta sa baso ng kape ko. Matapos lagyan dinala ko ang baso sa sala habang binubuksan ang cellphone ko.

'Ji Kim...  Hinihintay ko ang tawag mo.'

Kagabi ko pa inaantay ang tawag ni Ji Kim mula Korea. Nang sabihin ni Em na kasama niya ang anak ko nabalot ako ng kaba.  Kaya hindi ako nagdalawang isip na ipahalukay kay Ji Kim ang background ni Em.

Hindi ko gustong makakilala ng kahit sinong tao sa gang. Noong mga panahong naghahanap ako ng mga pwedeng maging bodyguard ng anak ko, alam kong malabong makahanap ng magaling lalo na at mga gang members ang kalaban. Pero umasa parin ako na sana, hindi gang member ang maging bodyguard ng anak ko. 

Hanggang sa nakita ni Ji Kim si Em sa bansang China.  Noong una ay nagdalawang isip siya na kunin ito dahil nga gang member ang bata.  Pero yun din ang naging dahilan niya kaya niya sinama ang bata. Sa mura nitong edad, nakita ni Ji Kim kung paano pumatay si Em. Kaya naman napagdesisyunan niyang isali ito sa mga pinageensayong makipaglaban.

Pinaintindi ni Ji Kim sa mga kalahok na kailangan nilang maging malakas,  dahil hindi lang basta ordinaryong mga tao ang humahabol sa kailangan nilang bantayan at protektahan. At dahil malaking pera ang bayad ang lahat ay nagpursigi.

Hindi ko gustong pumatay o may mamatay. Pero wala akong magagawa.  Dahil sa mundong hindi ko naman sinasadyang mapasok, kailangan mong pumatay o ikaw ang mamamatay.

Lahat ng kalalakihang sumubok na maging malakas para sa trabahong iyon ay inimbestagahan ko. Pero hindi si Em na noon ay may tattoo ng Fiavaza, at ang isa pang Mafia na napatay ni Em. Hindi ko sila pinaimbestigahan sa kadahilanang ayoko ng makisali pa sa kung anong meron ang gang. Impormasyon. Isa ito sa napakahalagang bagay sa mundong iyon. At kapag may nalaman ako ni isa sa mga miyembro ng gang na nakakasalamuha ko... Panibagong gulo nanaman.  At ayoko ng ulitin ang nakaraan.

Kaya hanggang sa napagdesisyunan ko na, na si Em ang piliin. Siya na lang ang sa tingin kong natitirang malakas at kayang pumatay. Sa mga kalalakihang nag-eensayo noon, siya na lang ang naiwan sa paningin ko na handang pumatay at kayang pumatay ng mga gang. At kahit natatakot at nagdadalawang isip ako ay tinuloy ko ang desisyon. 

Pero maingat kong minamanmanan si Em. Lahat ng nangyayari inaalam ko. Ang hindi ko lang nalaman ay ang pagtira niya sa iisang bahay kasama ang anak ko. Naprapraning na ako kakaisip sa kung anong nangyayari sa kanila. Eh wala naman sa kontrata namin ang ginawa niya! Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon!

Kaya nawala ang pagdadalawang isip ko at pinahanap ko ang impormasyon ni Em. Bahala na kung ano ang malaman ko. Bahala na. Tutal pinaghahanap din naman nila ako eh. Bahala na kung mas lalo nila akong hagilapin dahil sa kung ano man ang malalaman ko tungkol sa Em na yon. Basta gusto kong malaman. Kung safe pa ba ang anak ko sa lalaking yon.

Kapag positibo ang malaman ko tungkol sa Em na 'yon, mabuti. Pero kapag negatibo ang malaman ko... Kakabahan ako lalo.

Sumisimsim ako ng kape ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nagkanda tapon-tapon pa ang kape ng mabilis kong ilapag iyon at sagutin ang tumatawag sa akin.

"Ji Kim-ssi! Mweo?!(What?!)" sigaw ko habang natataranta.

Hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya.

"Ji Kim-ssi!!" sigaw ko ulit.  Bumuntong hininga siya.

[Boss. We had skipped a very very important information since a year ago.]

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now