Action 198: Earth Vs. Marina

37 2 0
                                    

Earth's POV

"Pating... Pating... Pating, nasaan ka na ba kasi? Pating? Pating..." Nanginginig ang nakakuyom kong mga kamao na nasa laylayan ng damit ko. Kinakabahan ako habang paulit-ulit na pinupunasan ang mga luha ko. Lumilinga ako sa paligid pero wala akong makitang ibang tao na mas lalong nagpalala ng kaba ko at takot.

Ilang beses ko mang isigaw ang pangalan ni Pating wala paring sumasagot sa akin pabalik. Hindi ko narin alam kung nasaan ako. Maghubad kaya ako at baliktarin ang damit ko? Mukhang naliligaw na ako! Anong klaseng engkanto kaya ang nakikipaglaro sa akin sa gusali na ito.

Napapadyak ako sa sahig at napapakamot sa ulo. Nahihilo na ako kakalakad. Hindi ko na din mahanap ang pabalik kanila Pape! Hindi ko na alam kung nasaan na ako! Kung anong palapag na ito! Ang dami ko ng nalikuan na mga pader na may mga iba't ibang kulay. Nakakalito ang paligid! Para akong nasa isang malaking snake and ladder! Puro nga lang ladder, at ang mga snake na iniiwasan ko ay mga malalaking mamâ na may baril.

"This way! Come on!"

Nagulat ako ng biglang may dalawang lalaking sumulpot mula sa hallway na nilalakaran ko. Napayuko ako agad at pinangharang ko ang palad. Ilang beses akong suminghot at pinahid ko agad ang mga luha ko. Naramdaman kong palapit sila sa akin dahil magkakasalubungan kami. Maliliit ang hakbang ko at gumigilid ako.

"Who's that?"

"An employee?"

"Fiavaza?"

"Excuse me, Miss."

Nag-uusap sila at natigil sa gilid ko. Pilit nila akong tinitingnan at umiiwas naman ako. Hindi ko alam kung bakit din ako nagtatago pero sabi ni Pape may mga kalaban kami rito. Hindi ko nga maintindihan. Basta kailangan ligtas ako. "Miss, excuse me! Who are you? Are you Cosa Nostra like us? Or a Fiavaza?"

"F-fiavaza?" Nag-aalinlangan kong sagot. May 'or' siyang sinabi eh kaya sumagot ako.

"Fiavaza!? We are so sorry, ma'am!" Bigla silang yumuko at sinilip ko sila sa pagitan ng mga daliri ko. Ang lalaking tao nila at agaw atensyon ang violet nilang tshirt. "We will get going!" sigaw nila ng sabay saka nakayukong umatras at tumakbo.

Kunot noo akong napatitig sa pader na nasa tabi ko. Kasingkulay ng damit nila ang pader. Ano kaya ang ibigsabihin nun? Fiavaza? Parang narinig ko na iyon ah?

"Wait. Dude, that girl is a Fiavaza? Have you seen her tattoo if there's any?"

Naistatwa ako ng marinig ko sila na hindi pa pala nakakalayo. Dahan-dahan na akong humakbang palayo sa kanila.

"No, I haven't seen any but..."

Tumakbo na ako ng maramdaman kong binalikan nila ako ng tingin. Lumiko na ako at tumakbo ng mabilis! Hindi ako tumigil at umakyat ako ng umakyat. Iba't-ibang mga kulay ng pader nanaman ang mga nakikita ko at hindi ako tumigil. Hindi ko na nabilang kung ilang hagdan ang inakyat ko bago ako hinihingal na tumigil. Nilingon ko ang pinanggalingan ko pero wala akong nakitang ibang tao.

"Ha. Ha. Ha. Ha..." Hinihingal akong nagpadulas sa pader at humawak sa dibdib ko. "F-fiavaza? B-baka lider nila iyon? Hay! Buti na lang nakaligtas parin ako! Waaaargh! Pape! Huhuhu! Nasaan na ba kasi ako huhu!"

Napapakamot ako sa ulo habang tumatayo ulit. Nanghihina ako sa kakatakbo. Ang bilis ng tibok ng puso ko kahit wala rito si Pating! Jusmeyo naman! Kalma lang, Earth! Mahahanap mo rin si Pating. Nandito lang siya. Nandito lang siya...

Pinilit kong humakbang at hinihingal akong naglakad kahit hindi ko alam kung saan ako papunta. Walang ibang nasa isip ko kung hindi ang mahanap si Pating! Kailangan ko siyang makita! Hindi dapat ako mahuli ng mga kalaban! Gusto kong makita si Pating! Kahit hind niya sinabi kung saan siya papunta! Haayst! Kanina pa ako tanong ng tanong kay Pape kung nasaan si Pating at kung sa kanya ba kami papunta pero malabo ang sagot ni Pape. Kaya ako na ang naghanap. Pero mali ata ang desisyon ko. Dahil ngayon wala akong kasama alin man sa kanila.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now