Action 151: Cropped

43 2 0
                                    





Iangot's POV

"Hi..." Napatago ako sa likod ng pinto ng makita ko si Judea na nilapitan si Jai na nakaupo sa hagdan sa labas. Nagpapahinga. May piece towel sa balikat at bottled water sa tabi. Umupo si Judea sa tabi ni Jai at umurong si Jai para dumistansiya. "Ahm... This is awkward but I wanted to talk to... You."

Napakunot-noo ako. Ako dapat ang kakausap sa kanya. Gusto kong magsorry sa hindi ko paglock ng pinto kanina. Napakamot ako sa ulo. Naunahan ako nitong si Judea.

"About what?" Mataray na sagot ni Jai.

"Ahm to say... Sorry. Heheh."

Nagtataka akong mas lumapit pa. Anong ginagawa ng Judea na to. Nakalimutan niya ata na ang kausap niya ay... Ay k-kaibigan ng inaway nila kanina ni Ares.

'Oh! Iangot ligawan mo na si Jai ha! Naku yari ka talaga kapag hindi mo siya napasagot pero hinalikan mo na! Dapat malakas ang loob! Manligaw ka na! Ligaw nga dapat muna bago halik eh!'

On some view, Earth has a point. A kiss is a big deal. Pero kasi hindi ko naman iyon nakasanayan. I'd kiss a lot of girls actually, hindi si Jai ang una. Pero...

'... Basta dapat manligaw ka Iangot. Akong bahala tutulungan kitang mapasagot si Jai!'

Pero kung gusto ko talaga si Jai... Dapat nga namang mapasagot ko siya, regardless of Earth's own belief.

'... Dapat ang lalaki at babaeng naghahalikan magjowa na!'

Napailing ako. May part sa akin na nagsasabing tama si Earth. I should kiss someone I want a commitment too. Pero kung gusto kong maglaro... Maybe Jai isn't the right girl to play with. Kung masaktan ko siya... I will lose a lot of people not just her.

'... Nasa modernong panahon na tayo. Hindi porque hinalikan ka dapat magjowa na...'

Pero bakit niya sinabi yon? Does she doesn't mean the kiss? If she doesn't... That's sad. Pero wala akong magagawa. Kung simpleng halik lang yon at hindi big deal sa kanya... Malulungkot ako pero hindi ako magpapaapekto. Marami namang ibang babae jan... As I'd said I am still in an exam. Hindi ko naman intensyong maglaro ng feelings... Isa pa. Wala namang feelings involved, Jai doesn't mean the kiss, right?

'... Dapat kapag hinalikan ka ng lalaki eh jowa mo na! Kaya ikaw Iangot manligaw ka... '

But if she does... Tama si Earth... Liligawan ko siya.

"Sorry?" Jai asked trying to be oblivious.

"Aha. Alam ko galit ka sa amin... Kaya gusto kong magsorry," Judea replied.

"And why are you telling me that? Ngayong ako na lang ang naiwan at nagsig-uwian na sila. Don't worry uuwi na rin ako si Lolo Le lang ang inaantay ko na nasa kusina." Jai sound sarcastic.

Napabuntong hininga si Judea. "You're hard to talk to. But yeah. I need to say this. We are very sorry. I am doing it one at a time. Since ikaw ang unang available ikaw na ang nilapitan ko. Sorry for our attitudes hindi namin sinasadya. Alam naming nag-iingat lang kayo and we are just insulted pero ngayon naiintindihan naman namin kayo."

Jai nod and look at him. "Sincerely?"

"Yeah! Hindi ba halata? Hindi ako plastic Miss Jai. Halata naman yon sa bunganga ko eh. Kaya kapag may gusto akong punain. Sasabihin ko talaga!"

"Okay..."

"Was that apology accepted?"

"One question."

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now