Action 118: First Day First Cry

60 4 0
                                    


Clumsy's POV

Umalis sila Pape ng hindi man lang nagpapaalam. Napanguso ako habang nakatingin sa tatlong lalaking nagliligpit ng mga ginamit namin. Sinabi na ni Pating sa akin ang mga pangalan ng tatlong yon. Si Paejundog, si Hyunjidog, at si Haejadog.

May hagdanan pa bago ang pinakapinto ng mansyon, at dito ako nakaupo habang nakatingin doon sa tatlo. Si Pating tumulong na rin at nasa kusina para maglapag ng mga dala niya.

Gusto kong tanungin iyong tatlo kaso nahihirapan akong mag-english eh. Kaunti palang naman ang alam ko kahit tinuturuan ako ni Pating noon. Iyong turo na biglaan lang. Kapag ka nagtanong ako o di kaya ay kapag gusto niyang magpaliwanag. At sanaaaa! Sana hindi na lumalala pa 'yon. Baka magkanosebleed na talaga ako. Mahirap na.

"Ate."

"Ahy pumuputok na sipon!"

"Ahihihihi!" Tinuturo ako ni Sandwich habang tumatawa. Nasa likuran ko siya at hinawakan niya ang balikat ko kaya nagulat ako. Pinanlisikan ko siya ng mga mata pero tumawa pa siya lalo.

"Bakit gising ka pa haaa!" Nangigigil kong sabi at niyakap ko siya saka nilagay sa kandungan ko. Aaaayyyy ang sarap talaga ng batang 'to. Ang lusog-lusog sarap kainin. Rrrrghh! Kakagigil!

Tumatawa siya habang kinikiliti ko. Napansin kong nasa kamay niya ang maliit na blue na bear na binili ko para sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod at tinuro ko ang hawak niya, "May pangalan na ba 'yan?"

Tinapat niya sa mukha ko ang hawak, "Pangalan Beyrbeyr!"

"Aah Beyrbeyr, ang panget naman no'n Sandwich parang tunog ng putok ng baril eh. Beyr! Beyr!" Bumaril ako sa harap namin at tinawanan niya ako saka ginaya.

"Ahihihi! Ah! Ah! Panget pangalan, ate. Panget!" sigaw niya sa mukha ko. Masasaktan na sana ako pero tinuro niya agad ang hawak kaya naintindihan ko siya.

"Huwag Panget! Ayoko. Aaaaah! Alam ko na! Ice cream!" Tumatango kong sabi.

Tumatawang pumalakpak si Sandwich at niyakap ako. Natatawa ko rin siyang niyakap at ng magbitaw, "Ice crim!" sigaw niya habang nangigigil sa hawak niya.

"Hahahah! Aahy Sandwich bakit pala hindi ka pa natutulog ha?" tanong ko na parang nanay.

"Laro pa ko. Hanap kita. Takbo ako habol ako mama. Hehehe!"

"Hahahahahahahah! Apir!" Nakipag-apir siya sa akin at niyakap ko siya.

Dumaan sa tabi namin sila Kuya Paejundog at nginitian nila kami. Si Sandwich naman hinampas ng stuff toy ang mga malalaking binti nila habang dumadaan.

"Baby bad!" sabi ko habang tumatawa at pinipigilan ang maliit at malambot na kamay ni Sandwich.

Paglagpas nila kuya Paejundog sa amin biglang sumulpot si Pating. Pero imbes na umupo sa tabi namin para siyang nanigas sa kinatatayuan niya habang nakayuko sa amin.

"Ya Ating!" sigaw ni Sandwich at binuka ang mga kamay kay Pating. Umatras si Pating at nalungkot si Sandwich.

"Why did that boy isn't in bed yet? He should be sleeping soundly and peeing at bed! Bakit siya nandyan?!" Gulat na natatakot na naiinis na sabi ni Pating.

"Pating! Huwag kang sumigaw," saway ko habang nakatingin sa nakasimangot na si Sandwich.

"Ate galit Kaya Ating?" Nakangusong tanong ni Sandwich na paiyak na.

"A-ahy baby, hindi! Hindi galit si Pating." Mabilis kong tiningnan si Pating at senenyasang umupo. Naguluhan siya at umatras pero hinawakan ko ang binti niya at pinauupo siya.

"Yah! Let go of me, Clumsy! Bitaw. Bitawan mo nga ko," utos ni Pating habang ginagalaw ang binti.

"Upo ka rito. Upo!" utos ko pabalik. "Sige hahabulin ka namin ni Sandwich."

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now