Pape's POV
"Anak?" I grab the attention of Earth who's busy on her cellphone.
Agad niya akong nilingon, "Po?"
"Wala pa bang message si Pating kung ano ng ginagawa niya? Papunta na kasi ang mga bisita natin eh. Nakapagbihis na ba siya? Nakaayos? Baka mamaya mauna pa ang mga bisita." Nag-aalala kong tanong.
Pinatawag ni Minji ang lahat dahil ipapakilala na namin sa kanila ang mga narecruit naming tatlo ni Lean. Nandito naman na lahat ng grupo ni Lean slash mga kaibigan ng anak ko. Pero may kanya-kanya parin silang mga mundo. Tingnan mo magsisigagresibo tong mga to pagnakita ang mga bisita. Pustahan pa bente.
Kaso kailangan mauna si Mafi. Hindi pwedeng late si Mafi tapos ang mga bisita eh nauna. Aba naman ang tindi. Bisita ang nag-adjust. At sa pagkakaalam ko rin eh... General assembly ngayon. Or sa mahabang paliwanag, plaplanuhin nila ang gagawing pagsugod. At nandito lang ako para? Para tumutol kung sakaling idadamay nila ang anak ko.
Paano ba naman kasi! Iyong punyemas na Mister Maksimillian na iyon! Eh maganda naman ang prinsipyo niya at pagtulong dahil sang-ayon siya kay Minji. Ang kaso! Itong Lean at Minji! Pinilit akong isama ang anak ko at maglead din para sa gagawin! Dahil susunod lang sila Mister Maksimillian sa anak ko! Aba?! Hindi na nakontento sa akin! Ako na nga hahandle kay Fer! Kaso teka... May naaamoy nga akong pagbabago. Parang hindi na si Fer ang iuunder sa akin. Itong Minji na ito, kasing bagsik ng utak ni Mafi.
Itong si Lean naman ang rason hindi namin pababayaan si Earth. Oo naman! Naintindihan kong napakarami na nilang napagdaanan kasama ang anak ko. Kasooooo! Hep hep hooray bigyan ng jacket iyan, aba hindi parin ako papayag! Maraming paano ang tumatakbo sa isip ko. At natatakot ako. Kaya kung kinakailangang ikulong ko ang anak ko?! Gagawin ko! Huwag lang siyang sumama sa kung anong mapag-uusapan. Itong si Minji pinatawag kahit si Earth, nakakaamoy tuloy ako ng kakaiba.
"Napagsabihan ko na po Pape. Tulog pa po iyon eh."
"TULOG PARIN!?" Natakpan ko ang bibig dahil sa lakas ng pagkakasabi ko, napaatras pa si Earth na nagulat. "Anak? Tulog? Alauna na ng hapon. Tulog parin? Anong trip ng batang iyon?"
"Aahahaha! Eh puyat po eh."
"Aba bakit napuyat? Anong ginawa? Nagexercise sa kwarto niya mag-isa?" Nagtataka kong tanong.
"Hindi po hahaha! Ito po ginawa oh," nakangiti niyang iniscroll back ang chat box nila. "Gumawa po siya ng messenger kagabi lang. Tapos po chinat niya ako hahahaha! Ayan po oh."
Nanlalaki ang mga mata kong kinuha ang cellphone niya. Tinitigan kong maigi ang mga mensahe. Mula alasgis ng gabi hanggang alaskuwatro ng madaling araw mayroon siyang mensahe sa anak ko! At ang malupet pa doon tatlong minuto ang pinakamaikling pagitan ng mga messages. Ang pinakamatagal ay mahigit kumulang trenta minutos. Tapos! Paulit-ulit na messages ang senesend. Siguro bente'ng gif na may nagha-hi, tapos bente ring gif na nagyayakap, tapos ilang stickers na nakangiti lang. Tapos may stickers ding nakakiss na ang hitsura! Tapos may gifs ulit at stickers. Na para bang napaglaruan ng bata ang account niya.
Kung hindi lang sa mga voicemails mula sa ganap na alauna ng madaling araw niya senend, ay siguro pagkakamalan kong robot nagchachat sa anak ko. Pinindot ko ang voice mail at hininaan ko ang volume ng cellphone niya. Nakangiti lang sa akin ang anak ko habang nakakunot noo ako at nakanguso'ng inaantay ang boses. Itinapat ko ito sa tainga ko. Sandali pa ay may nagsalita na,
[I want to be with you. I want to be with you. I want to be with you.]
"Heheheh!" Tinawanan ako ng anak ko ng ilayo ko ang cellphone niya sa tainga ko. Inis kong pinatay ang voicemail. "Ganyan lang po lahat ng voicemail, Pape. Pinakinggan ko nga po lahat akala ko may Ay lab yu Clumsy na. Eh wala pala hahaha!" Natatawa niyang sabi saka akmang kukunin ang cellphone sa kamay ko.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...