Action 128: Holy crap a trap

38 2 0
                                    


Lolo Le's POV

4:30 pm Manila International Container Terminal

"Ang sabi ni Earth sa message andito sila ni Adrian at nabaril si Em!" Nagpapanick na sigaw ni Kurd.

"'Yan din ang message niya sa akin! Fuck!" Nag-aalalang sigaw naman ni Golib.

"Nasaan si Earth!?" sigaw ni Art habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Lahat ba tayo tenext niya?" tanong ni Maecy habang nagtataka at nag-iisip.

"Nagmessage rin siya sa akin kaya napapunta ako rito mula headquarter namin," Frieg informed us.

"Number ni Earth 'yon at sigurado ako!" Si Jai ang nagkompirma habang puno rin ng pag-aalala, "Nirepyalan niyo ba siya?"

"No. Nagmamadali na kaming pumunta rito ni Padrone at Kurd," sinusubukang kumalma ni Golib.

"Nagmessage rin pala siya sa akin," inangat ni Daniel ang cellphone niya matapos itong kulikutin. Napatingin kami sa kanya.

"Pero hindi nagmessage sa akin si Earth," pagtatapat ko. At lahat naman sila napatingin sa akin. Pero mas naagaw ang atensyon ko ng mga tingin ni Jai. Si Maecy at Daniel naman nagkatinginan.

Around two o'clock ng hapon ng makarecieve ng message si Golib at Kurd. They informed me about Earth and Adrian's situation. But what got me panicked is about Em. Sabi nila nabaril ang apo ko kaya pumunta kami agad sa binigay na lokasyon ni Earth sa message niya. But in our shock, andito rin si Jai na kasabay ni Art, dahil narecieve rin daw nila ang message. As well as Frieg. Maecy and Daniel, too. In short, andito kaming lahat. Pero hindi namin nakikita sila Earth.

This is odd. Sinasabi ko na nga ba may mali. Kung kasama nila si Adrian, he should contact us bago pa may mangyaring masama sa apo ko. But I receive nothing. Kaya lahat din kami nagpanick. Lahat kami napasugod dito.

I feel something wrong. And if I am correct, kailangang bilisan nila Michel.

"What do you mean, Lolo Le?" tanong ni Maecy na nagpabalik sa akin ng atensyon sa kanila.

"Walang message si Earth. Napasugod ako rito kasama sila Golib kasi ang sabi ni Earth nabaril si Em and that means one thing. Kailangan tayo ni Earth. At ikaw na ang nagsabi Jai, si
Earth nga ang nagtext. Doubtfully, that is not normal... Bakit ako hindi niya tinext."

"Tinext ko si Adrian at Earth pero hindi nagreply si Earth. Nagreply si Adrian sa akin kanina. Tinanong niya ako kung anong nangyayari," nakatingin si Jai sa akin habang nagsasalita. "Ano 'to?"

"Anong ano 'to? Jai bakit para kang nagdududa kay Mister Gestoso?" Si Kurd ang nagtanong.

'Is this Jai's reaction I am waiting for?'

"Bakit wala ka pong message? Baka ikaw ang nagmessage sa amin?" pagdududa ni Maecy. Hinawakan ni Daniel ang babae na nagsisimula ng magbago rin ang reaksyon.

Humakbang si Golib sa gitna namin, "Guys. Hindi ito ang tamang oras para magdudahan tayo."

"Bakit naman gagawin to ni Mister Gestoso?" Si Kurd ang nagtanong. Bakit nga ba, 'di ba.

"Kasi magkakasabwat kayo," pabalang na sagot ni Jai.

"Magkasabwat?" tanong ni Frieg.

"You know something you didn't tell us," matalim na rin ang tingin ni Daniel habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Maecy.

"Magpapaliwanag ako. Pero huwag ngayon," kalmado at maawtoridad kong sabi. I tried to sounds no guilty but I made a mistake saying those. They may be misinterpret it.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now