Action 148: Kun'di man...

49 2 0
                                    

Pating's POV

Kaninang tanghali ginising ako ni Clumsy para mananghalian at uminom ng gamot. Sabi niya hindi siya natulog at kinakabahan habang tinitingnan akong tulog. Natakot siya na mag-aaral nanaman kami pero ginising niya parin ako. Pero dahil masakit parin ang ulo ko hindi na muna kami nag-aral. Pinababa ko siya para mananghalian at sinabi kong aantayin ko siya pero nakatulog na ako sa sobrang sama ng pakiramdam.


Ginising niya ako ulit ng hapon. Pinakain ng biscuit at pinainom ng gamot. I am not sure if how did she knows these things, kung tinuturuan man siya ni Sandra well thanks. Pero tuwing ginagawa niya ang pag-aalaga sa akin ng kami lang, it feels like it's her nature. Muli ko siyang pinababa para kumain o magmeryenda.

Sumusunod naman siya agad dahil ayaw niya paring mag-aral. Siguro pinagdadasal niyang pag-akyat niya tulog na ako. Dahil sa pangalawang beses hindi ko nanaman siya naantay at nakatulog nga ako.

But this time, wala na siyang kawala.
7:16 pm. I am staring at her while she is sleeping. Ako naman ang naunang nagising. Nabawasan na ang sakit ng ulo ko kaya narerecognize ko na ang nakakainis niyang paghilik. Kaya rin siguro ako nagising. Pero imbes na mainis, nakangiti ako.

Siguro nga dala lang to ng sakit ko. Hindi naman ako ganito. At hindi ko naisip na magkakaganito ako. Dahil lang malapit siya... Dahil lang nandito siya kasama ko. Dahil lang sa isiping inaalagaan niya ako? This is crazy, really.

Sumagi sa isip ko na may mabuting nagagawa ang pagkakasakit ko. But at the same time I wish I haven't, pero dapat ganito parin siya kalapit. Iyong bigla akong yayakapin... From the day Ares and I fought hindi niya pa ako niyakap. Kanina lang. Pero kahit pa gaano katagal, sa isang yakap lang na iyon... It feels calm. That everything's fine. Masaya ako... Sobrang saya ko. No exact explanations just that description.

Okay na kami ni Ares. Magaling na rin siya. Kailangan ko na lang ipakilala si Pindus sa babaeng humihilik na to. Isa na lang, okay na kami. Although hindi ko naman nakalimutan na nadagdagan ang tampuhan namin ng nagdaang gabi ng sigawan niya ako. Pero ngayon, para sa akin mga salita na lang iyon. Nagsorry siya kahit may kasalanan din ako. Hindi naman siya magkakaganun kung hindi dahil sa akin. Even though I didn't want that thing nabitawan na ni Ares. Walang kaso sa akin iyon, pero iba si Clumsy. At naiintindihan ko siya. Kung ako rin makarinig ng ganun sa tamang pagbigkas ng 'too',  magseselos din ako.

Somehow, I am happy to know that she was jealous. That means she cares. Wala raw pake... Sus.

Napahilamos ako sa mukha gamit ang dalawang kamay at napatingala sa kisame. Nilingon ko si Clumsy. Napangiti nanaman ako. Umiwas ako ng tingin. Pero nilingon ko rin siya ulit. Tuluyan na akong tumagilid para maharap siya ulit.

'Okay na tayo ha... Kinantahan mo na ako...'

"Ronan Keating huh..." Tumango ako. "I say it best... When I say nothing at all? Hmm... "

Nag-iwas ako ng tingin. Inaalala ang mga liriko ng kanta. Tiningnan ko siya. "No one can define or explains this, Clumsy. Kahit ako hindi ko kayang ipaliwanag. Let's just remain it like this. That I can light up the dark, I can drawn out the crowd... I will do more for you..."

"Hrrk. Krk. Hmm. Uhm. Ha."

Napakamot ako sa ulo ng kung ano-anong tunog ang ginawa ng bibig niya. I am getting crazier. Napapailing akong tinapik siya sa pisnge. "Clumsy."

"Hrrk. Ohm."

"Hey. Wake up, sleepyhead."

"Ohm. Hmhm."

"Clumsy gabi na."

"Oo nga." Nakapikit niyang sagot. Niyugyug ko na ang balikat niya.

"Oo kaya gising na."

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now