Meg's POV
Napagtripan kong iblower ang buhok ko kanina ng biglang mamatay ang kuryente. Kahit pala dito sa Greece nagkakashortage sa kuryente. Uso lang iyon sa probinsiya namin sa Pilipinas. Kaya nabigla ako at napaisip kung anong dahilan ng biglaang pagkamatay ng kuryente. Kaso sa loob ng sandaling mga iyon bigla kaming nakarinig ni Padrone ng mga palitan ng putok ng baril mula sa labas ng kwarto namin at naalerto kami.
May announcement din kanina sa speaker si Padrone Uno at bigla rin iyong naputol. Lahat kami ay clueless sa kung ano ang nangyari. But after small walks outside our room, nakita namin ang mga Bratvas at Mungis na nakikipagsalitan ng bala sa mga Fiavazas at kapwa namin Austeres sa floor na ito ng gusali ni Padrone Uno ng bahagya naming buksan ang pinto.
Nandito kami sa Greece mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan mula ng ipatawag kami. Nauna ang mga magagaling at mahuhusay na Austeres kasabay ang six Aust na dumating dito. Inihanda kami ng mga Fiavazas... Kung paano lumaban sa lebel nila. Kung paano lumaban sa lebel ni Em. Hindi na lang ako basta Austeres. Dahil sa mga nagdaang pangyayari ay pinag-igihan kong mas maging malakas. Mula sa mga natutunan ko kay Padrone Fpj hanggang sa mga natutunan ko sa mga Fiavaza na nakasama namin.
Mula noon hanggang ngayon... Hindi ko parin makalimutan ang ginawa ni Em sa mga kaibigan ko. Napakarami kong gustong itanong sa kanya. Napakarami kong gustong iklaro sa kanya. At kapag hindi niya ako masagot ng maayos at hindi ako masatisfied sa sagot niya... Papatayin ko siya.
Oo. Kaya ko siyang patayin. Paulit-ulit na pinapaalala ni Padrone Fpj sa akin kung bakit niya ako pinili bilang right hand niya. Mula sa pagiging amateur hanggang sa pagiging pangalawa sa ranggo ng organisasyon namin. At napakalaking bagay nito, bagay na hinding-hindi ko dapat binabalewa. Madali lang naman makamit ang dulo ng lahat. Basta hindi ko susukuan ang proseso patungo rito. Dahil ang dulo ang gusto ko. Ang dulo ang inaasam-asam ko.
"Pareeeee! Cheeerrrss!"
"Aray! Bakit mo ako binatukan!" Reklamo ni Gem kay Gam. Natawa lang ako sa kanilang dalawa dahil halatang mga lasing na sila.
"Lasing ka na tanga!" Saway ni Gem rito.
"Hindi phaah bhobhu!"
Sabay kaming napailing ni Gem ng ngumuso si Gam. Mula high school magkakaibigan kaming tatlo. Magkakasama kami sa mga kalokohan. Magtatambay kami hanggang gabi. Gagala at magcucutting sa klase. Sabay-sabay naming binabagsak ang bawat subject na mapagtripan namin. Wala kaming pake sa mga babae at si Gam ang mahilig maglaro sa mga iyon. Pero ang pinakasentro ng buhay naming tatlo ay ang pagkakaibigan namin.
Pero hindi pala doon nagtatapos ang buhay. Dumating ang araw na nagkakaroon kami ng matured na pag-iisip at mabibigat na responsibilidad. Nakakatamad pala. Kung noong highschool papasok lang kami sa school at magsasaya lang. Gagawin namin ang gusto namin at bahala na silang lahat na nasa paligid namin kung makikiadopt ba sila o lalayo sa amin. Noon akala namin nasa amin ang sentro ng buhay. Hanggang sa malaman namin ang totoong takbo ng buhay. Madaya.
Pare-parehong may kaya ang mga pamilya namin. At pare-pareho ring walang pakialam sa amin. Puwera na lang kay Gem. Mayroon kasing Kuya si Gem na siyang nag-aasikaso sa kanya. Pinagmamalaki niya sa amin na pulis ang kurso na kinukuha nito at balang-araw ay magiging katulad niya ang kuya niya. Si Gam naman walang pake sa kolehiyo at gusto lang niyang sumunod sa daloy ng buhay. Ako naman ang laging walang ideya sa paligid namin. Walang pake kung baga. Si Gem ang may pangarap, si Gam ang bahala na, at ako ang 'ano nga ba?'.
Kaya ng magkokolehiyo na kaming tatlo, nahihirapan kami. Wala namang tutulong sa amin. Ang mama ko labandera. Wala na ang papa ko at ang mga kapatid ko mga bata pa lang. Si Gam naman lasenggero ang Tatay. Ang Nanay naman ay manikurista. Isa lang ang kapatid niyang lalaki na panganay at may pamilya na sa murang edad. Si Gem naman may tatay na construction worker. Ang nanay niya ay nasa bahay lang at ang kuya niya ay malapit ng matapos sa kolehiyo. Malapit na sana...
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...