Action 111: Lets talk.

69 2 0
                                    


Pating's POV

"PATING! Kausapin mo 'koooo!"

"Sabi ng mamaya na! Umalis ka muna!" I shouted and pushes her shoulder. Hindi ko napansin ang hawakan ng refrigerator na malapit sa likuran niya. Napangiwi siya nang tumama ang likod niya doon.

My eyes widens and I immediately pulls her towards me, worriedly said, "Sorry."

I tried to meet her eyes but she's wincing in am exaggerated way while rubbing her back to ease the pain.

"A-ah ayos lang, Pating. Hindi naman masa—."

"S-sorry... Sigawan mo. Saktan mo rin ako. Gumanti ka." Nag-aalala kong sabi at hinawakan ko ang likod niya pero kamay niya ang nahawakan ko. Damn it! Hindi ko 'yon sinasadya.

Pinanliitan niya lang ako ng mga mata at tinanggal ang kamay namin pareho sa likod niya, "Gusto mo ng sapak?"

"Y-yeah. Sige na... Sapakin mo 'ko." Tinitigan ko ang mga mata niya na kanina nakikiusap at ngayon nagtataka. Ilang ulit na niya akong kinukulit para kausapin pero tinatanggihan ko siya.

Again, Mister Delvalde, commanded me to cook everything for later's new years eve. Great! With full of sarcasm, this is great. Kasi ako lang mag-isa ang magluluto sa lahat ng putahe na nilista niya. Hindi ko nga halos alam ang iba at kinailangan ko pang basahin ang recipe book na inabot niya. Nakakaubos ng oras. At ngayon hindi ako magkandaugaga sa kusina, dadagdagan pa ng pasulpot-sulpot na si Clumsy at nangungulit.

Nag-aalala akong nakatingin sa kanya at binalewala ko ang gagawin niyang pagsuntok. Pero tinitigan niya lang ulit ako saka ngumisi at, "UHMMMMM!"

"AAAAARAAAAAYYY! FUCK! FUCK! AAAACH! SHIT! AAAACHHH!" I shouted with irritation as I sway my both hands in the air stopping it to hurt Clumsy back. Dahil heto siya at tawang-tawang pisil-pisil ang magkabila kong pisnge, "T-tamaaa naaaaa! Aaaaach! Shit! Fuck!"

"HAHAHAHAH!" Tumatawa niyang binitawan ang pisnge ko.

'That is a fucking SECONDS! But that damn hurts! Damn it! Err!'

Namilog ang bibig niya ng tingnan ako at saka tumawa ulit, "HAHAHAHAH namula HAHAHAH!"

Hindi ako natutuwa sa ginawa niya. Pero nakakaasar dahil natutuwa ako sa pagtawa niya. Hindi ko pinansin ang kumikirot na pisnge.

Pinatalikod ko siya saka tinulak palabas ng kusina habang hindi natigil kakatawa, "Lumayo ka na sa akin. At huwag na huwag mo kong kakausapin." Nangigigil kong sabi.

Pero ngiti lang ang tugon niya sa akin, "Pwedeng... May itatanong lang ako?"

Napatitig ako sa mga nakangiti niyang labi, "Pating?"

"W-what? Ano nanaman ba? Sabi ko umalis ka na!"

"Hahahahaha! Bakit hindi ka nakikinig sa akin? Sige na nga. Ayon kwarto ko," tinuro niya ang kwarto na nasa itaas na palapag. "Punta ka doon kapag gusto mo na ako kausapin. Doon lang ako. Magpapaalam ako sayo kapag ka aalis ako ng kwarto. Ha! Antayin kitaaaa! Ay nga pala..." Kinapa niya ang bulsa saka nilabas ang cellphone ko.

Inis ko siyang tiningnan at akmang kukunin ko ang hawak niya ng iilag niya iyon, "Kausapin mo muna ko. Kapag nasagot mo mga tanong ko, babalik ko sa'yo 'to. Ah may aaminin pala ako! Heh-heh! Magnenew year na kaya ayokong mag-dala ng sekreto sa new year."

"Ano bang kalokohan ang ginawa mo?"

"Medyo kalokohan nga hehehe! Inisahan ka namin noon ni Lolo Le. Noong nakuha namin number mo—"

"Naamin mo na 'yan."

"At nilagay ko 'yong picture ko sa wallet mo noong araw na 'yon hehehe! Pinakialaman ko wallet mo at 'yong mga gamit mo... At... Ngayon binuksan ko rin ang cellphone mo." Nakangiti niyang pag-amin. Ngumisi pa siya lalo saka tumatalon habang naglalakad palayo at winawagayway ang cellphone ko.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now