Action 112: Ay sa ama umamin

52 2 0
                                    


Mister Delvalde's POV

"What did you don—?!"

"Ikaw ang dapat na tanungin ko niyan!" sigaw ni Em matapos akong bigyan ng suntok na tumama sa panga ko. Napangiwi ako habang hawak ang panga. Ang bigat talaga ng kamao ng taong 'to.

"Bakit hindi mo man lang siya tiningnan? Hindi mo man lang kinausap?! Hindi mo siya pinansin! Ano bang ginagawa mo?! Ang sabi mo magpapakita ka kapag ka handa ka na! Then why the fuck are you here ngayong hindi ka pa pala handa? Look. Ayoko sanang mangealam. Pero umiiyak si Clumsy. Nakita niyang nasa contact ko ang pangalan mo. Pero hindi ka sumasagot ng subukan niyang tumawag. Tinanong niya ako kung kilala ko ba ang taong nasa contact ko. And I don't know how to say it! Dahil ayaw kitang pakialaman sa mga desisyon mo. But old man open your fucking eyes and look at how in pain she is!"

"I know! I know, Em! Stop it! Alam ko lahat ng pagkukulang ko! Tama lang na hindi mo sinabi..." Tumigil ako sa pagsasalita at pinag-iisipan kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang gusto kong mangyari.

"Tama lang na hindi ko sinabi? It's like you said that it's okay to hurt her. And yes, I hurt her! Dahil lang hindi ko sinabi ang totoo nasaktan ko siya! Umaasa siya, Old man. Umaasa na isang beses lilitaw 'yong ama niya. But little did she doesn't know, nasa harap na niya. Why? You have everything old man! You know me. You know the world where I came from. You know who the real enemy is! Pero imbes na tanungin kita kung paano mo nalaman 'yon at ano pang alam mo? Instead, I will fucking ask you why you keep on pretending infront of your daughter?!"

"Huwag mo akong sigawan."

"THE FUCKING HELL I CARE!"

"Stop shouting." Mabilis ko siyang sinuntok at dinuro. Tiim bagang akong lumayo sa kanya. Napahilamos ako sa mukha. "AAAARGHH!" I shouted in frustration.

Sinipa ko ang kahoy na upuan sa gilid ng balkonahe kung nasaan kami. Dito rin kami huling nag-usap. Nasa gilid ito ng mansyon sa tabi ng kwarto ko. Medyo malayo sa kwarto ng anak ko. Isa pa nagbabantay sila Paejun sa 'di kalayuan. At inutusan ko silang sabihin kung biglang lumabas ang anak ko sa kwarto.

Pumikit ako at bumuntong hininga. Inantay ko siyang magsalita. At dahil bastos siya, nauna parin siyang magsalita kaysa sa akin.

"At your age, your punch should knock me down." Mayabang niyang ani. Pero wala akong pakealam.

"Hindi ako nakikipaglaban gaya mo. Hindi ako pumapatay. Hindi ako nakikipagbasag ulo. At hindi ako nag-eensayo para pumatay, Mafi."

"My name is Em, Erin Delvalde."

And as if that is my awaited cue. I took a deep breath and face him, "My name is Book Du Joon."

Napalunok ako ng laway sa pag-amin. Siya ang magiging pangalawang tao na pagsasabihan ko. At sana... Sana hindi ako magkakamali sa desisyon kong 'to.

"What are you talking about?!" Nakikita ko ang galit sa kanya. Pero alam ko sa loob niyang ang galit na iyon ay kaakibat ang pag-aalala sa anak ko. Hindi niya ako sasapakin kung wala lang. Hindi siya mananatili rito kahit pahirapan ko kung wala lang. Hindi niya aalagaan ang anak ko kung wala lang. At hindi niya titignan ng ganoon ang anak ko... Kung wala lang ang lahat para sa kanya.

Pero ako muna ang magtatake ng risk, at aamin. Bago ko rin siya paaaminin. Kapag humindi siya sa hinala ko. Ako mismo ang papatay sa kanya.

"Sobrang daming nangyari sa loob ng mahigit dalawang dekada. At hindi ko pwedeng ikukuwento sa:yo ang lahat. Tutal alam mong ako si Erin, hanggang doon ka nalang muna. Pero magpapakilala ako bilang si Book Du, Em..."

Umupo ako sa upuan at napahilamos ng mukha, "Wala akong pruweba na ako si Erin Delvalde. Dahil wala na si Erin Delvalde. Pinatay ko na siya... Hindi ko 'yon gustong gawin." Naramdaman ko ang mga luha dahil sa mga bumabalik na ala-ala.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now