Action 153: Claw Machine ;>

41 2 0
                                    

Clumsy's POV

Nang makarating na kami sa SM kahit ako napatalon ng tumalon si Sandwich matapos lumagpas sa guwardiya. Ang kulit-kulit niya tapos ang dami niyang tinuturo. Halos nakalimutan ko ng may kasama kami ni Sandwich. Minsan binibitawan niya ang kamay namin ni Ate Sandra dahil gusto niyang tumakbo o magtalon-talon. Si Ate Sandra sinasaway siya. Ako ginagaya ko siya!

Una kaming tumigil syempre kay Jabii. Eh si Sandwich eh alam niya yung daan papunta kay Jabii. Namalayan na lang namin nakaturo na siya sa matabang bubuyog.

Maraming tao sa loob. Pero pumasok parin kami at nauna kami ni Sandwich. Basta sumusunod sila sa amin. Nakahanap kami ni Sandwich ng mesa. Nang hanapin ko sila Pating nakapila na sila ni Kuya Paejundog. Si Ate Sandra naman kasama na namin ni Sandwich sa mesa.

"Ate si Iangot po?" Nakangiti lang si Ate Sandra at hindi agad ako sinagot. "Ate?!"

"Ah. Ha?"

"Si Iangot po? Hindi ata kasama ni Pating oh." Nginuso ko si Pating.

"Ah nanjan lang yon." Nakangiting sagot ni Ate Sandra.

Tumango na ako. At si Sandwich na ang kinausap ko. Sandali lang kaming naghintay kasi dumating agad sila Pating at Kuya Paejun. Habang nakain kami, kami lang ni Sandwich ang maingay. Nililingon ko ang paligid pero wala akong makitang Iangot. Saan na kaya yon?

"Just finish your food." Sabi bigla sa akin ni Pating. Tumango ako. Sabay silip ulit sa paligid malay mo anjan na si Iangot. Hayst! Nag-aalala tuloy ako.

Dinaan ko na lang sa paghigop ng gravy ang pag-iisip. Kahit yung kay Pating at kuya Paejundog hiningi ko. Hehehe! Sarap eh.

Sabay parin kami ni Sandwich na lumabas ng jabii! Naglakad-lakad kami habang nasa likod namin si Kuya Paejundog at Pating. Nag-uusap sila minsan pero sa pangalien na lengguwahe. English nga nosebleed na ako iintindihin ko pa ba yang lengguwahe nila. Jusmeyo!

Nakita ko na ang hinahanap namin ni Sandwich. Ang TOM'S WORLD! Yung maraming gaming machines! Nagpaunahan kami ni Sandwich papasok. Pero nauna siya. Sunod-sunod si Ate Sandra.

Naghahanap kami ng pwedeng laruan. Nang hindi man lang naiisip ang barya. Oh 'di ba galeng.

"Mama! Ayaw gana!"

"Baby wait lang natin Kuya Pae ha. May key siya," sagot ni Ate Sandra. May barya kamo si Kuya Paejundog. Siya ang nagpapalit ng pera para maging tokens.

Si Pating naman nasa tabi ko. Parang ewan lang na nakatayo. Lowbat ata tong robot na to eh.

"Pating laro ka jan kahit ano." aya ko pa sabay turo sa mga machines. Marami ring tao. Baka ayaw ni Pating kasi maraming tao.

"Ayoko."

Ah ayaw nga.

Dumating na ang barya at puno ang kamay ko! Meron din si Ate Sandra at Sandwich tapos si Kuya Paejundog. At ayaw talaga ni Pating! Binibigyan ko na nga.

"Pating oh. Kahit isa lang. Di ka naman nag-eenjoy eh."

"Ayoko nga sabi."

"Dali na. Kahit yung basketball doon oh. Laban tayo!"

"Ayoko."

"Dali na kasi."

"Sabi ng--." Naputol ang pagsasalita ni Pating ng may humablot sa mga baryang hawak ko.

"Arte eh. Tara Earthling! Basketball tayo!" Sinamaan ni Iangot ng tingin si Pating sabay aya sa akin. Napangiti ako.

"Iangot! Tara! Tara! Saan ka ba galing!?" Hinila ko na si Iangot papunta sa basketball machine. Sila Sandwich busy doon sa machine na may mga baryang mahuhulog.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now