Action 170: Minions on wedding dresses!

46 2 0
                                    

Sandra's POV

While the girls are having an awkward dinner with Lolo Le, Golib, Astin, Ashton and Judea, kami naman ni Sandwich inaantay na magising si Earth dito sa kwarto. Sandwich is playing with his cars while I am beside Earth... Checking the images of her and Em last night.

'Ang swerte ko sa mga nakuha kong litrato! Kinikilig ako sa kanilang dalawa! Mukha namang hindi nagalit si Sir Erin kasi hindi na siya nagreply sa senend ko. Mukha rin namang tanggap na niya ang relasyon nila Earth at Em! Haaayst! Ang sweeeeet!'

"Hrrrkk.. Hrrrkk."

I smile at the snoring Earth. Hays Iha, ang swerte mo sa gwapo mong boylet. Hindi man ganoon kafriendly eh mukha namang nasa loob ang kabaitan. I wish you to stay strong!

"Mama san Ya Ash?"

"Ah. Ah baby kumain sila kasama sila Lolo Le."

"Unta tayo kira Ya Ash!"

"Later na baby. Kumain ka na eh. Antayin nating magising si Ate Earth okay?"

"Iiiih gising na atin!" Nilapitan ni Sandwich si Earth at akmang susuntukin pero pinigilan ko.

"Baby no. Iiyak si Ate! Huwag ganyan."

"Iiiiihh! Mama!"

"Baby huwag papaluin si Ate ha. Dito ka lang." Tumango si Sandwich saka ko tinungo ang pintuan. When I open the door, I didn't shock at whom I see. "Goodmorning, Em!"

"She's not in that group breakfast."

"Ah yes! Kasi tulog pa siya heheh!"

"Ya Ating! Ya Ating! Agising mo Ate pala punta na tayo Ya Ash! Rararu kami eh!" Tumakbo si Sandwich kay Em at napaatras si Em pero hinila parin ni Sandwich ang pantalon niya.

"A-ah." Em look at me. "It's fine. I'll look for her." Senenyasan niya akong pumunta na sa labas.

"Mama! Rabas na!" Ako naman ang hinila ni Sandwich. Wala akong nagawa kung hindi buhatin si Sandwich at ngitian si Em bago tuluyang lumabas ng kwarto. Em close the door.

"Hayst! Sandwich naman eh."

"Mama. Raro kami Ya Ash."

"Opo opo ito na pupuntahan na natin sila Kuya Ash."

"Yeeey!"

Tinahak namin ang daan pababa sa restaurant ng resort. Pero wala pa kami sa mismong restaurant natanaw ko na sa isa sa mg bench si Maecy at Ares na nag-uusap. They saw me and just smile. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

Sa sumunod na bench naman si Art at Kurd ang nadatnan ko. Sandwich wave at them and we both smile to each other. Mukha ring seryoso ang pinag-uusapan nila.

Sa sumunod na dalawang bench nakaupo ng magkahiwalay si Jai at Adrian. Lumapit si Sandwich kay Adrian ng bitawan ko. Saka rin biglang tumakbo si Ashton mula sa kung saan at lumapit sa kanila. Sabay-sabay silang tatlo na pumunta sa garden ng resort.

Hinanap ko ang pinagmulan ni Ashton at nakita ko ang parents ni Jai na palapit sa kanya. Jai's eyes seems not fine. Dumeretso ako sa bench na iniwan ni Adrian at doon umupo. Nilibot ko ang paningin ko. At mula sa glass wall ng restaurant sa di kalayuan natanaw ko si Lolo Le, Judea, Golib, Pindus at Daniel na kumakain ng dessert. Samantalang sila Paejun naman nasa katabing mesa at nagsisimula palang na kumain. Paejun saw me and smile. Senenyasan niya pa akong sumalo sa kanila. Umiling ako habang nakangiti.

Inilibot kong muli ang paningin. Jai is talking to her parents while making a smile. Art and Kurd is already laughing. Art hug her. Maecy and Ares are already hugging each other.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now