Action 159: Huwag kang matulog...

53 3 0
                                    

Clumsy's POV

Nakanguso ako habang lumilinga-linga sa paligid. Napakamot ako sa ulo.

'Hindi ko nakita si Iangot buong araw ah... Nasaan kaya 'yon? Saan 'yon nagumagahan at tanghalian? Nasaan ba yon!?'

Kumamot ako sa pisnge. Nakakainis. Pipilitin ko sana siyang pasalihin ako sa panliligaw niya kay Jai. Ayoko namang kay Jai ako lumapit. Nginingitian ko lang si Jai kanina sa loob ng bahay pero wala akong sinasabi sa kanya. Pramis!

Hayst.

Nakaupo ako sa hagdan sa labas. Hapon palang pero hindi na nagtraining sila Ate Maecy. Kaninang umaga kulang sila, wala si Iangot, wala sila Lolo Le, Ate Kurd at Tito Golib, kaya saglit lang silang nagtraining. Tapos ngayong hapon naman naambon-ambon, saka kulang parin sila. Nagluluto ng meryenda si Pating at Ate Sandra kaya hindi pa umaalis sila Jai, Ate Maecy, Kuya Daniel at Kuya Art. Nandoon sila lahat sa loob. Si Iangot hinanap ko na sa buong bahay eh. Wala naman akong makalaro kasi si Sandwich tulog, malamig kasi dahil sa pag-ulan.

Niyakap ko ang tuhod ko. Saka ko pinatong ang baba ko. Nakatingin lang ako sa gate. May mga paa akong nakikita doon sa labas ng gate na naglalakad. Kulay black ang sapatos nila na kumikinang. Nakikita ko rin ang payong na gray nila. Tatlong payong ang nakikita ko. Pero marami akong paa na nakikita. May ilang nakatayo lang. Meron ding naglalakad-lakad.

Napakunot noo ako at nilingon ko ang bahay. Nakita ko sa bintana sila Kuya Paejun, Haeja at Hyunji. Nakanguso kong nilingon ulit ang gate. 'Sino kaya yung mga yon?'

"Iangoooot!" Napatayo ako ng makita si Iangot na galing sa bahay nila Kuya Paejun sa gilid ng gate.

Para siyang inis. Kumaway siya sa akin habang palapit siya. "Woooy andoon ka lang pala!?"

"Yeah." Matamlay niyang sagot habang sinasara ang payong niya. "Nagugutom na ako. May pagkain kaya sa loob, Earthling?"

"Ha? Oo naman meron. Bakit ka ba nandoon ha? Kagabi pa kita hinahanap."

"Pinatago ako ni Em mula sayo. Kukulitin mo kasi ako. Pinakain niya naman ako pero nagugutom na ako ulit eh. Ang tagal niyang dumating. Sige. Kain muna ako ha."

"G-ginutom ka niya dahil ayaw ka niyang ipakita sa kin?"

"H-hindi naman sa ganoon... Parang."

"Nasaan si Pating." Inis kong sabi habang papasok ako.

Mabilis niya akong pinigilan. "Wooy. Ayos lang. Ano ka ba. Hindi ko nga dapat sabihin sayo to eh. Pero naisip kong wala namang masama. Sama ka? Haranahin ko si Jai." Kinindatan niya ako.

Dahan-dahan akong napangiti at tumango ng maraming beses. "Yes! Yes! Yes! Yeeeey!" Niyakap ko si Iangot.

"Ooh! Okay na. Okay na, ang higpit ng yakap mo," sabi niya habang humihiwalay.

"Hinahanap kasi talaga kita eh para tanungin. Tara na pasok na tayo kain ka na. Sorry ha, inaway ka pa ni Pating."

"Ayos lang. Nagpractice din ako eh heheheh!"

"Talaga? Heheheh! Ayyyiiie anong kakantahin mo?!"

Hindi na nakasagot si Iangot dahil pagpasok namin nakasalubong namin si Pating na may dalang tray ng pagkain. Nagulat siya ng makita kami ni Iangot. Sinamaan ko siya ng tingin. Masama rin ang tingin niya kay Iangot. Hinablot ko ang dala niyang tray at inabot ko kay Iangot. "Kain ka na Iangot."

"Salamat, Earthling." Nakangiti niyang sabi.

Nagpameywang ako kay Pating.

"W-what?" Nauutal niyang tanong.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now