Reminder: This chapter contains sensitive information that was for this fictional story only. Scenes, descriptions and explanations are purely based on the writer's imagination and way of expression. There's no intention of harm, misleading and offending others. This is PURELY a work of fiction. THIS IS A WORK OF FICTION.
Action 171: Interlude: World news
PHILIPPINES
[Television]
~Nahuli ang isang buntis at ang tatlo pang kalalakihan sa isang liblib na lugar sa Quezon City na siyang mga suspek na nagbebenta ng di umano ay ipinagbabawal na gamot. Mahigit isang milyong halaga ng shabu ang nakuha sa lugar at inaresto rin ang mga suspek na mariing tinanggi ang akusa.
~Nanlaban ang dalawang lalaki sa mga pulis na nagsagawa ng raid sa lugar ng Muntinlupa City. Patay ang dalawa sa limang kalalakihan, nahuli naman ang tatlo sa kanila. Nakuha ang mahigit kumulang kalahating milyong piso'ng halaga ng hinihinalang shabu at iba pang paraphernalia na ginamit ng mga suspek.
~Sa Negros Occidental, patay ang ama ng isang pamilya na tinuturing miyembro ng isang organisasyong nagsasagawa ng mga pagnanakaw, matapos pagbabarilin sa loob ng isang apartment ilang metro ang layo sa mismong tahanan niya. Ayon sa imbestigasyon, ang ama ng tahanan ay madalas umalis ng kanilang bahay kahit pa wala itong nabanggit na trabaho. At sa tuwing umuuwi ito ay nagdadala lagi ng mga mamahaling kagamitan. Nagnegatibo sa droga ang biktima. At ayon sa autopsy report, tatlong tama ng bala sa ulo nito ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
~Nanghold-up ang anim na lalaki sa isang grocery story sa General Santos City. Nakita sa CCTV camera ng grocery store ang naturang pangloloob ng mga kriminal. Hindi matukoy ng pulis ang pagkakakilanlan ng mga nanloob dahil nakasuot ang mga ito ng jacket at itim na bonnet. Mahigit kumulang isang daang piso ang natanggay ng mga kriminal. Patuloy ang mga pulis sa pag-iimbestiga sa kinaroroonan ng mga magnanakaw.
~Sa isang liblib na lugar sa Cebu City natagpuan ang isang bangkay ng isang lalaking wala ng saplot at tadtad ng saksak ang katawan. Hinihinalang miyembro ng isang grupo ng masasama loob ang lalaki dahil sa tattoo nito sa dibdib. Patuloy ang mga pulis sa pag-iimbestiga.
~Isa pang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Tondo, Manila na pinagtatadtad ng saksak. Ayon sa imbestigasyon, miyembro rin ang lalaki ng grupo ng masasamang loob na kumakalat sa bansa. Hindi matukoy ang motibo ng pagpatay. Patuloy ang mga pulis sa pagkalap ng impormasyon.
~Nagsalita na si PNP chief Josh Pino tungkol sa di umanong organisasyon na lumalaganap sa bansa. Hindi raw ito isang terorismo. Kung hindi isang grupo lamang ng mga kriminal na patuloy nilang tinutugis. Hindi kinompirma ng PNP chief ang hinihinalang tattoo ng organisasyon at mariing isinawalang bahala. "The situation is under our control. Those are mere criminals who wanted money to live in. And the PNP police can handle them. Regarding the cross tattoo of the criminals, I disagree to the involvement of such peculiar thing. Dahil lang may tattoo sa dibdib kriminal na? It's just happened that the criminals had the same tattoes. Kahit ho haludgurin ninyo ang mga kulungan sa buong bansa, hindi ho lahat mayroong kaparehang tattoo. I am not shielding those criminals, I am protecting the Filipino people against false information." Said the PNP chief.
[Radio]
~Nagsalita na nga ang kasalukuyang PNP chief ng bansa ukol sa kumakalat na organisasyon ng mga masasamang loob. Mariing itinanggi ng PNP chief na ang simbolo ng organisasyon ay ang cross sa kanilang dibdib. At ang naglipanang impormasyon ay walang katuturan.
~["Dj Jejemo! Ano namang masasabi mo sa nangyayaring ito sa ating bansa hm?"
"Naku! Dj Jajamo! Mag-ingat ang lahat dahil hindi natin alam ang totoong nangyayari. Ako eh hindi naman against sa sinabi ng kagagalang-galang na PNP chief pero maraming netizens ngayon ang nagtataka sa statements niya."
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...