Action 182: Regained Trust

61 2 0
                                    

Clumsy's POV

"Come on! Faster! Ang bagal mo!"

"Opo! Opo! Binibilisan na nga eh! Ang bilis-bilis mo kasi tumakbo! Dahan-dahan ka lang kasi! Kalma lang!" Hinihingal kong sigaw kay Pating habang hila-hila niya ako paakyat sa tore ng Seoul. Jusme! Tangke nga ng tubig sa subdivision namin hiningal na akong akyatin para lang katok-katokin eh ito pa kayang tore na to! Ewan ko kay Pating may hahanapin daw siya eh.

Kontento na ako sa view sa paligid! Wala na akong hahanapin pa!

Binitawan ako ni Pating ng makarating kami sa hindi ko alam kung ilang floor na to. Basta may mga padlocks sa paligid namin na nakasabit sa pasimano ng kinaroroonan naming balkonahe, balkonahe ng tore! Mula sa ibaba ng tore marami rin akong nakita'ng padlocks na may mga pangalan. Nakikita ko to sa mga magazines at kdrama pero nakalimutan ko kung saan to. Basta maganda! Malamig! At wala akong anggolo na pinalagpas! Lahaaaaaat! Kinuhaan ko!

"Pating ang angas dito! Astig! Ang gandaaaaaa! Tingnan mo halos nakikita natin lahat mula rito! Tingnan mo yon oh ano bang tawag sa sasakyang dumadaan sa lubid na yon!? Kable? Kab--cable! Cable car! Cable car nga yon Pating!" sigaw ko habang iniikot ko ang cellphone na nakavideo. Pinipiksyuran ko ang halos lahat kasi magaganda! Gusto kong isave lahat ng memories, tanawin at kami ni Pating! "Pating? Pating?" Nilibot ko ang paningin ng mapansing wala si Pating sa tabi ko pero hindi ko agad siya nakita.

Ang dami ring tao sa paligid at halos lahat mukhang magjowa. Kaunti lang ang naglalakad na single. At ako mukhang single na rin. "Pating?"

Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko makita si Pating. Dahan-dahan na akong kinakabahan ng bigla kong mahagip ang pigura ni Pating na nasa sulok ng kinaroroonan namin. Nasa malawak kaming balkonahe at sa paligid namin may mga padlocks, at nasa sulok nito si Pating na nakatingin sa isa sa mga padlocks. Nawala ang kaba ko at napatitig ako sa kanya.

'Mafi....'

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Hindi ako magaling pumili ng mga salita kahit pa may gusto akong ipaliwanag at basta na lang ako nagsasalita ng kung ano-ano. Basta ngayon sobrang saya ko... Ibang-iba sa saya na mga naramdaman ko noon. Nag-aaway kami ni Pating kanina at nagtatampuhan na parang mga ewan. Pero kanya-kanya ring suyuan. Hindi ko maimagine ang sarili ko ngayong araw kung wala si Pating. Aah mali! Naimagine ko na! Nasa school ako nakatunganga.

Biglang umangat ang tingin ni Pating sa paligid niya matapos titigan ang padlock na hawak. Para siyang kinabahan habang may hinahanap. Pero ng bigla siyang napatingin sa akin ay halos rinig ko na ang malalim niyang buntong hininga dahil sa pagtaas ng dibdib niya. At ang pagbagsak ng mga balikat niya. Tinitigan niya ako. At... May ekspresyon siya! Masaya na malungkot. Senenyasan niya akong lumapit sa kanya at tumakbo ako palapit.

Kusang yumakap ang mga braso ko sa kanya at niyakap niya rin ako. Ang lamig nga siguro talaga, kasi nasasarapan ako sa init ng yakap niya. "I thought you're gone somewhere."

"Somewhere done the roaaad~" Kanta ko na mahina niyang ikinatawa. "Binitawan mo kasi ako eh."

"I know. Sorry. Come here." Hinawakan niya ang kamay ko at pinalapit ako sa tinitingnan niya kanina. Hinawakan niya ang isang kulay red na padlock na halos nangangalawang na. "Clumsy... Meet... My parents." Malungkot ang tono ng boses niya pero nakangiti siya ng lingunin niya ako.

Bumuntong hininga muna siya ng lingunin niya ulit ang padlock st hawakan ito, saka siya tumingin sa napakagandang view sa paligid. At nagpatuloy magsalita, "I am sorry for being weird. I... I just miss them."

Tiningnan ko ang pangalan na nasa padlock na hinawakan niya.

'Mouz love Vantrin. Pero bakit parang sulat bata ang salitang Mouz...'

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now