Epilogue

128 3 5
                                    


The hopeless romantic, The romantic unknown





   
TEN YEARS LATER

Earth's POV

A bright smile for a bright day!

"Goodmorning, ma'am Earth!"

"Goodmorning, Stacey!"

"Goodmorning, ma'am Earth! Everyday gorgeous!"

"Halaa siya hahaha! Goodmorning din, Trina. Huwag ka papatalo!" Pinaningkitan ko ng mga mata si Trina na ikinatawa niya lang.

"Gooooooodmorning, Madam Earth!"

"Erase the letter D, Thaniel!" Pabiro kong bulyaw na ikinatawa niya. Lumabas ang dimples niyang pwede ng gawing mangkok para sa paghahalo ng ingredients ng dough.

"Madam is a cute french word!"

"And we are not french!" Pangangatwiran ko sabay ngiti.

"But--."

"Sige, Earth na lang para walang ayaw!" Singit ko agad at bigla siyang tumawa.

"Hahahaha! You look cute, madam!" Sinundan niya pa ako habang papasok ako sa loob ng kusina.

"Cheee! Aga-aga eh!"

"GOODMORNING, MA'AM EARTH!" Sabay-sabay na bati ng tatlong bakers at tatlong coffee makers sa loob ng kusina. Hindi sila yumuko gaya ng bilin ko. Pero nakangiti sila gaya ng payo ko!

"GOOOOOODMORNING R.E. STAFFS!" May pag-angat ng dalawang kamay kong sigaw. Kinikilig silang nagsikuhan at nagpalakpakan. Wala namang ganap! Hahaha! Talagang ganito lang kahype at kasaya ang mga tao sa Coffee shop ko.

"Let's start the day!" Pumalakpak si Sir Gigs at nagsimula na silang lahat. I smile and point him out proudly. Siya ang kasalukuyang manager ng shop. Nilapitan ko siya at niyakap. "Have a good day, Earth!"

"Have a good day, Sir Gigs!"

"Oh diba ikaw pa nag Sir ako hindi nag-maam hahaha!"

"Sus! Ako lang to hahaha! Kung saan tayo comfortable, sir Gigs!" I assured.

"I know. I know. Oh siya siya! Saturday ngayon at maraming magchichill sa shop natin. Back to work na ako!"

"Okidukie po! Salamaaat!" Ginulo niya ang buhok ko at bumalik na sa trabaho. Everyone inside is busy and I just smile.

Naglakad ako papunta sa locker room. Inayos ko ang gamit ko at inilabas ko ang apron ko. Nagdalawang isip pa ako kung magsusuot na ako o hindi muna. Pero napagdesisyunan kong isuot na, in case of emergency. Saka ko hinugot ang laptop at nakangiting lumabas ng locker room.

"Hwaighting!" Nakangiti kong sigaw sa kusina at nakangiti nila akong tinanguan at ginaya. Paglabas ko sa counter may mga nakapila ng costumer hindi na ako makasigaw ng Hwaighting! Hahahah! Kaya binulong ko na lang ng malingunan ako ni Stacey at Trina.

Natanaw ko si Thaniel na nagseserve na. Nilibot ko ang paningin sa buong coffee shop. Padagsa na ang mga tao na gustong painitin ang kanilang umaga. May mga dalaga, binata, matanda at tomboy pati bakla! Some booklovers immediately walk up on the coffee shop's second floor.

Nakakataba ng puso.

Coffee is a nice past time. Pero mas masaya magkape kapag may libro o may ginagawa. That is why our Coffee shop has books! Hindi ako nagpagawa ng opisina dahil mas gusto kong makihalubilo sa mga tao at obserbahan sila. Gusto kong tingnan ang mga kilos nila at magmuni! Depende kung wala akong ginagawa hahaha!

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now