Action 176: rn Wolmido Island

44 2 0
                                    

Pating's POV

"Pating, smile ka naman."

"Itago mo nga 'yan. I-airplane mode mo."

"Isa lang oh. Mamaya na ioff hindi pa naman sasakay eh."

"Itago mo na."

"Isang selfie lang eh." Nakanguso niyang pakiusap. "Dali na. Ngiti ka na." She raise her phone again infront of us. Pero umiwas ako ng makita ang filter na ginamit niya.

"What's that? Nagpicture ka pa eh tinatakpan mo lang din ang mukha mo ng kung ano man yan."

"Hahahahah! Ano ka ba! Baby face na filter to! Cute nga eh. Dali naaaa! Lumiliit yung mukha natin ang cuteee oh! Waahhehehe--ach!" She winced when I push her forehead using my index finger. Mas humaba ang nguso niya dahil inieenjoy niya pa ang baby face sa filter ng itulak ko ang noo niya at hablutin ang cellphone niya.

I exit the app she's using. And I choose the phone's camera. Inangat ko ang cellphone at lumapit ako sa kanya. Nakangiti na siya ng tingnan ko kaya bumalik ako agad sa camera at ngumiti para kumuha ng litrato. But as I click the capture circle she immediately wave her hand in front of her face in disagreement, "Teka-tekaa! Ang laki ng ulo ko!"

"Hayst." Tinatamad kong tiningnan ang nakuha ko. I stop my laugh when I saw her face in the image. Nagblur ang kamay niya sa bandang baba niya. Nakabuka ang bunganga at nakapikit.

"Wooooooyy! Ang panget! Isa paaa."

Umiwas ako ng tingin at binalik ang cellphone niya sa kanya. "Itago mo na yan."

"Ano kaya yon? Thsss." Nang lingunin ko siya nakasimangot siyang nakatingin sa image na nakuha. "Panget na nga, panget pa sa picture. Grabeng kagandahan naman to sagad."

"Hahahah!" I laugh at her sad and irritated tone. Nakatitig ako sa kanya habang tumatawa. Nang tingnan niya ako naghalo ang tawa at simangot sa mukha niya.

"Tawa-tawa ka jan. Porket ikaw photogeny."

"Photogenic yon." Nagpipigil sa tawa kong pagpuna.

"Edi photogenic ka na."

"Malungkot ka?" Nang-aasar ko pang tanong.

"Hindi. Masaya ako para sayo!" Inis niyang sagot.

"Hahahaha!" Napahawak ako sa tiyan habang sinusubukang hinaan ang pagtawa. Tinulak niya ako habang pinipigilan din ang pagtawa.

"Ang saya mo kapag ang lungkot ko nuh!"

"Bakit ka malungkot? You said you're happy."

"Hindi na ako happy. Hahanap ako ng panget para pareho kaming maghahanap ng filter." Pagtataray niya habang lumalaki ang butas ng ilong at kinikirat ang isang mata. Hindi ko mapigilang tumawa.

"Ang panget mo hahahah!" Nagpatuloy siya sa pagpapapangit ng mukha at ako naman sa kakatawa. "How did you do that last time you stretch your face annoyingly like--." I tried to figure out the face she did last time. Excited siyang humarap sa akin ng maintindihan ang gusto kong gawin.

'Hahanap ka ng panget? Okay. Ako na.'

"Aaah ganito yon! Hahahah! Lagay mo yung mga hinliliit mo sa gilid ng bibig mo ganehte," Hindi na umayos ang pananalita niya ng hilain niya ang bibig niya. I tried not to laugh and imitate her.

"Thers?"

"Ahyern. Thepers--wait hahaha! Lunok ka muna laway tutulo yan hahahah!" Natatawa siyang lumunok at ngumiti.

"What the! Hahaha!" Natatawa ko siyang ginaya.

"Oh game na. Gayahin mo ko ha." Hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya. Nginitian ako ng pilya. I just nod and smile. "Game."

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now