Pating's POVTinitigan ko ng masama si Ian, "May I excuse my Clumsy for a while."
"She's all yours dude," mapang-asar ang pagngisi niya habang nagsasalita.
"Pating utot ka ba?"
Napatingin ako kay Clumsy ng masama. Talaga naman 'tong babaeng to.
"Ahihihi utot!" Napalingon ako kay Sandwich na tinuturo ako habang tumatawa. Pareho na sila ni Ian na tumatawa ngayon at inaasar ako.
Hindi ko na sila inintindi. Kinuha ko ang kamay ni Clumsy at hinila siya palayo kanila Ian.
"Pating, teka lang! Ang bilis naman nito maglakad eh," reklamo niya kaya binagalan ko ang paglalakad ko. Binitawan ko siya at nauna akong bumaba ng hagdan. Sumunod naman siya, "Pating utot ka ba?" Ulit niya nanaman sa tanong niya.
Agad siyang nakapantay sa akin habang bumababa kami sa hagdan.
I am fucking pissed off, actually. Kanina pa sa tricycle si Ian ang gustong katabi ni Clumsy. Kaya si Sandwich at Sandra ang kasama ko sa loob ng tricycle. Kinaya kong itago ang takot sa bata na 'yon dahil sobrang lapit niya sa akin. And that's shit! Pakiramdam ko masasaktan ko ang batang 'yon at may magawa akong hindi maganda na hindi ko sinasadya. Fuck this fear!
Pagdating pa namin laging si Sandwich ang kasama ni Clumsy, kumain na kami at lahat pero sila parin ang magkasama. Tapos kanina dinagdagan pa ni Ian. Dalawa silang kanina pa inaagaw ang atensyon ni Clumsy. Gusto ko silang sapakin. Lalo na si Ian. Asar.
"Prooot! Pating utot ka ba!?" Inagaw ni Clumsy ang atensyon ko. Nakatigil kami pareho sa pagbaba at mukha na siyang naiinis sa kakatanong. Pinigilan ko ang pagtawa ng lingunin ko siya. I can't find myself being pissed off anymore. She is really powerful that she can swift any of my negative feelings away. Just by looking at her.
"Sa gwapo kong 'to tatanungin mo 'ko kung utot ako? Obvious bang hindi?" Pabalang kong sagot. Ngumuso siya agad at hindi na kinaya ang inis.
"Sabihin mo 'bakit'! Alam kong gwapo ka eh joke joke lang naman 'to kaya dapat 'Bakit' ang isagot mo!" paliwanag niya habang pumipikit-pikit pa sa inis.
"Okay. So why did you ask that I am a fucking fart?"
Dahan-dahang nawala ang inis niya ng marinig ang salitang 'why' na sinabi ko. Paniguradong 'yon lang ang inintindi niya sa sentence na sinabi ko. Dapat kasi tinuturuan ko na siya ngayon. Kung hindi lang nagkasunog at hindi lang namin nakita ang Yakuza na 'yon. Ah forget it!
"Eh kasi Pating..." Sandali siyang natigil at dahan-dahan kong nakita ang pagkapula ng mukha niya habang mukha siyang may narerealize.
"Why?" Pag-uulit ko.
"Ah hehehe! U-utot. 'Di ba utot? Kasi kapag utot ka, tapos ano. Tapos uutot ka eh nasa paligid ka ng maraming tao. Eh 'di ba ang utot. Kapag uutot ka sa maraming tao eh yung utot mo diba—."
"Ayaw mong pakawalan. Kasi ayaw mo kong pakawalan." I just get the logic sa paulit-ulit niyang pagsasalita at hindi niya maayos na maipaliwanag. Hindi ko maitago ang ngiti. Kaso,
"Joke joke lang 'yan ha. Banat tawag do'n," sabi niya habang mukhang may narerealize parin.
"Ang mga ganoong bagay dapat hindi ginagawang biro."
"Eh, ano ka ba naman Pating eh. Alam mo naman na—."
"I don't know and I don't want to know," sa iba ako nakatingin habang nagsasalita. Natigilan siya at agad kong kinuha ang kamay niya. Mahigpit ko itong hinawakan habang ang mga daliri namin ay nasa pagitan ng isa't-isa. "Panindigan mo 'yong joke mo... Huwag mo kong pakawalan."
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...