Clumsy's POV
Pagkatapos namin magsigkainan naglaro kami kasama si Sandwich at nagkwentuhan. Kalaro rin ni Sandwich si Gelo kasi andito si Maam Glen. Ang saya-sayaaaaaa! Parang ayoko ng magkinabukasan! Andito silaaaaang lahat at kasama ko! Kakwentuhan ko pa nga eh!
Tulad ni Jai, Ate Maecy at Ate Kurd. Yeaaaaah girls talk! Oh my nobita! Pororo malaki na ako! Pakiramdam ko kasing edad ko na si ate Kurd at kasing hot ko si Ate Maecy at kasing astig ko si Jai. Sinasapian ako ng kanilang mga kaluluwa. Ay joke lang pala.
"HAHAHAHAHA! Tapos 'yong isang baliw nagtanong! Sabi niya dun sa dalawa pa, 'Oh eh yung kulay ng chlorine alam niyo?' Hahahahah sabi nung dalawa hindi eh! Sabi nung baliw, 'Ako rin eh!' Tapos nagtawanan silang tatlo HAHAHAHAH!"
"HAHAHAHAHA!" Napapahampas pa sa mesa si Ate Kurd. Si Ate Maecy naman ako ang hinahampas. Si Jai umiiling sa kakatawa at naluluha na. Hindi ko na kinakaya at napapahawak ako sa tiyan ko. Ang sakit na eh! Hahahahah!
"Time freeze hahahah! Awat muna!" Pagpapatigil ni Ate Kurd sa amin habang pinupunasan ang luha niya. Hinahabol palang namin ang mga hininga namin tiningnan na nila ako. Nagtawanan na naman kami!
"HAHAHAHAHAH!" Nagtago ako sa ilalim ng mesa habang tumatawa parin. Napatayo na si ate Kurd at napatalikod. Napayuko si Ate Maecy at nagtago. Si Jai napatakip sa mukha. Bakit ba kami natawa. HAHAHAHA! Pare-parehong namumula na ang mga mukha namin eh hindi parin kami natitigil.
"Seryoso na! Awat muna!" Natatawang saway ni Jai. Humuhupa na ang tawanan. Nasa ilalim parin ako ng mesa. Baka kasi tumawa ulit sila eh.
"Okay na. Whew! Time freeze na. Lumabas ka na Earth," tawag ni Ate Maecy.
"Okay na ha! Tapos na muna." Nakangiti kong sabi habang tumatayo at palabas sa ilalim ng mesa.
"Fine na. Okay." Pagpapakalma ni Ate Kurd sa aming lahat. Bumuntong hininga sila habang nakangiti. Pag-upo ko dahan-dahan nanamang naghihikgikan silang tatlo.
"Tama na! Tama na muna. Iba na nga pag-usapan natin." Ako na ang umawat. Tumango sila.
"Okay na! Whew!" sigaw ulit ni Ate Maecy at tuluyan na kaming kumalma. Ang lakas ko talaga sa ispirito ng pagtawa eh. Napasaniban ko silang tatlo. Hahaha char! Walang ganun!
"Change topic," sabi ni Jai sabay tingin sa akin. Nagtaas nanaman ako ng kamay.
"Earth! Hindi na joke mo!" Pinandilatan ako ng mga mata ni Ate Kurd.
"Hindi na po hahaha! Kwekwento ko lang kasi si Pating." Natigilan sila ng magsalita ako. Tiningnan nila akong tatlo.
"What's with him?" tanong ni Ate Kurd, seryoso.
"Huwag mo sabihing kayo na?" Nagtatakang tanong ni Jai. Inaantay ni Ate Maecy ang sasabihin ko.
Ngumisi muna ako. "Bodyguard ko pala siya. Tapos... Tapos ang totoo kong papa ang nagpapasahod sa kanya. Kilala niya ang papa ko at buhay ang papa ko!"
"Aaah!" Sabay na sabi ni Ate Kurd at Maecy. Nginitian ako ni Jai.
"Mabuti at sinabi niya sayo. Atleast ngayon alam na natin kung bakit siya laging nasa tabi mo. Di gaya noon na nasisigawan at natatarayan pa namin siya nila maam Glen."
"Kaya nga. Tama ka Jai. Saka masaya akong malaman na buhay ang papa ko. Hindi ko naman laging hinihiling yon pero ngayon binigay ni Papa God. Gusto ko rin siyang makilala."
"Hindi ba sinabi ni Em kung pwede na kayong magkita?" tanong ni Ate Maecy.
"Hindi pa daw po eh. Busy daw kasi si Papa. Siya na lang daw ang tatawag sabi ni Pating. Maghihintay na lang ako." Matapos ngumuso ay ngumiti ako.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...