Maecy's POV
Pagpasok namin sa loob ng mansyon tumambad sa amin ang napakakintab na sahig na may bahid na ng dugo mula sa mga taong inaasahan naming kakalabanin kami. Minji signalled us not to move. Napahinto kami sa maingat na paglalakad.
Alerto kahit pa nasa harapan na namin ang panganib. Pero ito na nga ba iyon? O may mas mapanganib pang naghihintay sa amin.
I'd been here in this place once. Ang malaking pintuan, ang mga eleganteng pasilyo, ang malawak na harapan, mga mamahaling kagamitan, halaman at aparato, mga kumikinang na bagay, kumikinang sa kintab na mga pasilyo at daanan. Para bang palasyo kung titingnan. Pero mula ng malaman ko ang mga bagay sa likod nito... Nawala ang pagkamangha na naramdaman ko. It's like a shining star when I look around it, but after knowing the things behind these it is now a falling star, cold on the ground.
At natuto akong huwag magpasilaw. Dahil kung nagpaakit ako rito at nagpasilaw, siguradong dadamputin ko malamig na bagay sa lapag. Bagay na walang saysay.
Nagkatinginan si Tito Frieg at ma'am Minji. Pareho silang napailing ng sabay. Hindi ko naintindihan sa una ang ibigsabihin ng signalan nilang dalawa pero kalaunan ay unti-unti kong naintindihan. Sabayan pa ng sabay nilang pagkasa ng kani-kanilang baril habang tinututok ang paningin sa unahan nila. Senyales na kailangang maging alerto.
Nasa unahan si Ma'am Minji at Tito Frieg, kasunod si Kliany at and lalaking pangalawa sa ranggo ng mga magagaling sa organisasyon nila. Sumunod sa kanila ay kami ni Daniel. Nakapalibot sa amin ang mahigit pitumpu't na kalalakihan na kinikilala bilang Mafias at Nines. Mayroon pang mga nasa labas.
Itinaas ni Tito Frieg ang kamay at sumenyas sa mga tauhang Nines na pumalibot. May ilan na umakyat at may ilan na maingat na naglakad papasok pa sa loob. Hindi kailangan ng pangalawang permiso mula kay Kliany. Nanumpa na sila ng katapatan kaya pasasaan pa. Ngayon naiintindihan ko na kung gaano kahalaga kay Ma'am Minji ang tiwala at katapatan. Sa mga oras na ganito wala rapat minutong nasasayang at utos na hindi nasusunod. Bawat kumpas ng kamay ay may pagsagawa. Ganoon iyon kahalaga.
Tahimik at alerto kaming naglakad papasok. Sinusundan namin si Ma'am Minji at Tito Frieg. Pero nahuhulaan ko na kung anong sinusundan nila. Ang dugo at mga bangkay. Nakasuot ng normal na uniporme ng katulong. Katulong ng mga mayayaman sa bansang ito. Kulay itim at puti ang uniporme. May mga naka-itim din at kung tatansiyahin ko hindi lalagpas sa bente ang mga bangkay na nakikita ko. Depende kung hindi pa madadagdagan habang naglalakad kami.
Natigil si Tito Frieg sa tapat ng isang pintuan. Maingat niya iyong binuksan dahil mayroong dugo sa lapag na ang pinagmumulan ay nasa likod ng pinto. The door creaks open.
Bumungad ang makitid na hagdan paibaba. Sa bawat hagdan mayroong dugo. Dahan-dahang dinala ng dugo ang mga mata ko sa dulo ng hagdan. Kung nasaan ang isa pang bangkay. Sa lahat ng nakita kong bangkay, siya lang ang nakauniporme ng Chief. Mukha siyang professional at napapansin ko iyon habang palapit kami ng palapit sa bangkay. We slowly walk down the stair, one by one.
Pagdating ko sa tapat ng bangkay buo ang loob kong tiningnan ang kabuoan niya. Sinubukan ko ang sarili kung masusuka ako. Pero wala akong naramdamamg kahit ano kung hindi galit. Galit dahil nakita ko ang tattoo sa gilid ng tainga niya at galit sa taong brutal na pumatay sa kanya. His name tag on the upper right of his uniform is now painted with his blood. Kunot noo ko siyang tinititigan ng biglang may sumagi sa braso ko.
"Hey. Okay ka lang?" Dani caught my attention. Nag-aalala ang hitsura niya habang alertong nakatutok sa lapag ang baril. Iwas na iwas sa bangkay na nasa harapan namin.
"Yes. T-tara na. Pasensiya na," I said while turning my back on the corpse. He nod and walk first with me. Iwas na iwas siya sa mga bangkay na nakikita namin mula kanina. Hindi naman siya sanay sa ganitong bagay. He is into foods, not in here. Pero nandito siya ngayon at kasama ako. I appreciate Daniel so much.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...