Maecy's POVMadilim na ang langit at lahat nakahanda na para salubungin ang bagong taon. Hindi ko na masyadong makita ang mga bituin dahil sa usok ng mga paputok. Maya-maya lang mas dadami pa ang mga fireworks sa langit.
"Iyong hotdog iihaw na. Main!" sigaw ni Mama kay Ate.
"Anak ihanda mo na ang uling," utos ni Tita Melisa kay Dani.
Dito namin sa bahay sasalubongin ang new year. Tutal dalawa lang sila ni Dani at ng mama niya sa kanila, kaya pumayag si Tita. Uuwi rin naman sila agad. Saka isa pa ang mama ko pa ang personal na nag-aya kanila Tita Melisa. Nakakatuwang magkasundo sila kahit pa halatang iba ang ugali.
Ang mama ko maingay na mataray. Samantalang si Tita naman malambing na tahimik. Pero pagdating sa amin ni Dani nagkakasundo sila. Kinukompara pa ni Mama si Dani sa boyfriend ni Ate. Kahit hindi ko naman boyfriend si Dani. Or hindi pa? No, ayokong mag-assume.
Sa tapat kami ng bahay naglabas ng mesa at nandoon lahat ng pagkain. Ang ingay nila sa labas. Nasa kwarto ako at nakasilip sa bintana. Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili. Simpleng fitted jeans at yellow na loose blouse na may red polka dots. Just a normal new year's OOTD. Kailangan may polka dots. Nakasandals ako na may three inches na takong. Bigay ni Tita Melisa sa akin to kaya sinuot ko. Nakatirintas ang buhok ko at may nahuhulog pang iilang buhok. Inaasar akong Elsa sa Frozen ni Ate Main. Kasalanan ko bang may mga hindi nasama sa pagtali ko. Nakakatamad na ayusin kaya hinyaan ko na lang, maganda naman tingnan eh. Kaya ito nagmuni-muni na ako.
Kinuha ko ang sketch pad at lapis sa side table ng kama at bumalik sa tabi ng bintana. Natutuwa lang ako sa langit kaya naisipan kong iguhit. Mamaya na ako lalabas. Tapos naman na kaming magluto ng maraming pagkain at iilan na lang ang hindi pa naluluto. Kaya hindi na ako kailangan sa labas.
Nagsimula akong magstroke sa sketch pad. From light to dark na contrast para sa langit. Then ang moon. Ang iilang stars na visible. It takes a minutes bago ko tuluyang matapos ang sketch. Nilagyan ko ng date sa ibaba ng moon at pinirmahan ko.
Muli akong tumingin sa langit. Tiningnan ko ulit ang sketched ko. Napailing ako ng makita ang isang bituin na hindi ko nalagay. Habang nakalapat ang lapis sa pad narinig kong bumukas ang doorknob. Napalingon ako rito.
Napangiti ako ng sumilip si Dani, "Hi?" Nahihiya niyang bati.
"Hahahah! Hello?" Ginaya ko siya at nagtawanan kami pareho.
"Pwede pumasok?" ganong niya habang nilalakihan ang pagbukas ng pinto. Nakangiti akong tumango.
Pagpasok niya natawa ako sa hawak niyang pagkain. Sumabay din siya sa tawa ko habang palapit sa akin.
"Hahahah! Why? Bakit ka natatawa ha Maecy?" tanong niya habang kinukuha ang upuan sa harap ng table set ko ng mga pampaganda. Actually sa amin ni ate.
Umupo siya sa upuan at dahil kahoy yon at sofa ang inuupuan ko, mas matangkad siya sa akin kahit nakaupo lang kami pareho.
Time is so fast. Sa loob ng mahigit dalawang buwan, naramdaman ko lahat ng nagbago sa akin. Parang kahapon lang nasa hotel ako at nagtratrabaho. Pero ngayon, halos hindi ko na kayang ikwento ang lahat ng mga nagbago.
It is a bittersweet memories. A past that I learned so much. Lagi kong nakikita si Daniel, halos araw-araw. He reminds me of what had happened. Pero tuwing kakausapin niya ako, he reminds me of how strong I am that I had transcend everything.
Dani is an amazing and lovable guy. Walang-wala siya kay Em. They are really different. Naalala ko kung paano ako nabaliw kay Em at sa kagwapuhan niya. Em is like a supermodel. The hotness is overflowing. Nagiging wild ako actually. Kung dalhin siguro siya sa gitna ng mga kababaihan, ay ewan ko na. Para siyang superstar na kinababaliwan ng mga babae. And I am one of those girls.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...