Clumsy's POV
"Pating!" sigaw ko pagbukas ni Pating ng kwarto at sinalubong ko siya ng yakap. Hindi siya gumalaw at inangat lang ang isang kamay at nilagay sa ulo ko. 'Yong kung paano siya yumakap, naka-isang kamay.
Kanina ko pa siya inaantay at ang tagal niyang dumating. Gabi na at ngayon lang siya nagpakita. Hindi ko alam kanina kung saan siya pumunta. Pagkagising ko kaninang mga two ng hapon wala siya kaya tinawagan ko siya. Nalaman kong kasama niya si Iangot at baka binisita niya. Hindi ako sinama diba. Gusto ko panamang makita ang bahay namin, sana sinama niya ako.
Bumitaw ako sa kanya at tiningnan ko siya, "Si Adrian? Pumunta ka ba sa bahay? Dapat sinama mo ko. Nasaan si Adrian? Gusto kong malaman kung kamusta siya at ano talagang nangyari?" Nag-aalala kong tanong.
Tinitigan niya ako. Tipid siyang ngumiti. Ang kalmado ng ngiti niya at para bang binibigyan niya rin ako ng kalmadong pakiramdam. Pero teka... Niloloko ata ako nito eh. Baka hindi niya sinama si Adrian kaya ganyan ang ngiti niya. Hmm...
Magsasalita na sana ako para punain ang ngiti niya pero nauna na siya, "Gusto mong pumunta sa bahay niyo, hindi ba? O-oo, galing ako doon at... It's in mess Clumsy... H-halos walang natirang mga gamit. Inayos na nila Jai at Ian ang nangyari at sila ang kumausap sa mga pulis at bombero. Ayos lang kahit huwag mo ng puntahan..." Habang nagsasalita si Pating parang biglang may tumutusok sa puso ko. Naiisip ko palang yung bahay namin at ang sitwasyon nun pakiramdam ko hindi ako makahinga. Nandoon ang mga gamit ko at iilan pang gamit ni Ulan. Iyong mga gamit na pinaghirapan ni Ulan na mabili. Iyong pinag-ipunan niya. Nakita ko kung gaano siya kasaya kapag may mga gamit siyang nabibili. Nakita ko kung paano siya nagsikap na mabili iyon at maiayos yung bahay. Kahit lagi akong nakakabasag ng gamit niya hindi siya nagsasawang bumili kasi gusto niya yon.
Para sa akin wala lang yung mga gamit eh, pero kasi yung ala-ala na meron yon. Yung bawat sulok ng lugar na yon... Yung mga halaman... Yung mga pictures... Yung mga mahahalagang papeles na para kay Ulan mahalaga kahit hindi ko maintindihan kung bakit mahalaga. Yung dress sa aparador, at yung mga iba pang gamit namin sa aparador na kahit hindi na ginagamit ay mahalaga parin.
"Pating wala na ba talagang natira? Puntahan naman natin oh." Sa biglaang pagsalita ko nalaman kong umiiyak na pala ako. Sumasabit pa kasi ang laway ko habang nagsasalita. Pinunasan ko ang luha ko habang tinitingala si Pating. Kinagat niya ang ibabang labi niya, at kahit gwapo siya sa mga segundong iyon, at gusto kong kiligin. Hindi ko magawa kasi nalulungkot ako.
"B-bukas. Okay?" Inangat niya ang kamay at pinunasan ang mga luha ko gamit ang daliri niya, "Bukas susunduin natin si Ian tapos pupunta tayo sa bahay niyo. Please, huwag ka ng umiyak."
Tumango ako, "Sabi na hindi mo kasama si Iangot e! Saan mo siya iniwan ha? Ang sama mo." Tinalikuran ko siya at umupo ako sa kama.
Napakamot siya sa ulo niya saka pumunta sa bag ko na nasa ibaba ng kama. May kinuha siya roon at lumapit sa akin saka inabot ito, "Huwag ka ng magalit. Ito, incase hindi mo nakita sa loob ng bag mo. I am the one who put these in your bag, unintentionally." Nahihiya niyang sabi.
Napanganga ako habang nakatingin sa tatlong picture frame na iniaabot ni Pating. Ito iyong nasa may TV namin nakalagay. Mabilis kong kinuha ang mga pictures. Andito sila Tita Gen at ang asawa niya. Si Ulan at si Paping... At... Ako at si Ulan.
Hindi ko mapigilan ang luha na tumulo kaya hindi ko nalang ito pinansin. Tinititigan ko ang mga pictures na hawak. Napapikit ako habang hinahalikan ang larawan namin ni Ulan. Saka ko niyakap ang mga larawan.
Hindi ko alam ang dahilan ng mga nangyayari. Nakakatamad mag-isip sa totoo lang. Hindi ako matalino at mabilis makaintindi. Mahina ang utak ko at tanggap ko yon. At kahit ang mga nangyayari hindi ko gaanong naiintindihan. Kung may pinakamadaling paliwanag para sa mga pag-iyak kong to, hahanapin ko yon! Kahit magkanda-ligaw ligaw ako. Gusto ko ring maintindihan ang mga nangyayari. Pero nahihirapan ako.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...