Clumsy's POV
Pagkatapos ipaliwanag ni Ate Kurd ang mga gagawin at ang lugar na pupuntahan namin ay naghanda na kami. Gabi na ng makarating ako sa abandonadong mansyon sa hindi ko eksaktong alam na lugar. Basta ang alam ko nasa bansang Colombia kami.
Summer din ang panahon dito pero dahil gabi na nakakaramdam ako ng lamig. Pagbaba ko ng taxi na sinakyan ko nakita ko agad ang dalawang lalaki na nakatayo sa gilid ng gate. Nagmamatyag sila at may hawak na litrato iyong isa.
Bumuntong hininga ako.
'Ito na, Earth. Kalma lang. Gayahin mo si Pating. Laging kalmado. Hindi ka papatay, okay? Pero dapat hindi ka rin mamamatay. Tandaan ang bilin ni Ate Kurd, hindi nila ako papatayin agad hangga't hindi nila ako nakakausap. Pero sabi ni Tito Golib magkakasakitan kami. Basta sabi ni Kuya Art galingan ang pag-ilag. Sabi ni Iangot may baril ako sa hita, sa gilid ng beywang at sa braso. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko.
Medyo mahaba ang suot kong tshirt, ah tshirt to ni Pating. May damit naman ako pero trip ko to para matakpan ang baril sa hita ko. Suggestion ni Jai iyon! Tapos nakaitim akong leggings at flowery na flat shoes. Kulay gray ang t-shirt ni Pating na suot ko. Tapos may suot akong bulletproof vest. At naka pusod ang buhok ko. Walang make-up, sisigawan ako ni Pating na panget ako.
"Hey!"
"Ay hey!" Nagulat ako ng sigawan ako ng lalaking may hawak na picture. Bigla silang naglakad palapit sa akin, pareho silang malaking tao at mga siga habang naglalakad. Agad akong nanginig sa takot ng maaninagan ang pagiging maskulado nila.
'Earth! Kalma! Kaya mo yan!'
"Woy! Hello! Hi! People? Yes, people! How a-are you!?" Nakangiti kong tanong ng makalapit sila sa akin. Napaatras ako pero humakbang sila. Agad nilang tinabi sa akin ang litratong hawak. Sinilip ko ang litrato at ginaya ko ang ngiti ko roon. "Eeeiiiii!" Ngumisi ako gaya ng pagngisi ko sa larawang hawak niya. Saan kaya nila nakuha ang grade eleven I.D. picture ko?
Agad senenyasan ng lalaking may hawak na picture ang kasama niya at bigl akong hinila ng lalaking senenyasan niya. May hinila naman si Kuyang-may-hawak-ng-picture na bagay sa leeg niya tapos nagsalita siya roon, "The girl is here. Confirmed."
Bigla nila akong hinila sa tapat ng gate. Napangiwi ako sa sakit ng hawak nila sa akin. Napalingon ako sa malaki nilang kamay sa magkabila kong braso, nakita ko ang letter G na tattoo sa gilid ng kanang hinlalaki ng isa sa kanila. Taray iyong ibaba na parte ng G eh hugis baril.
Bigla rin kaming tumigil. Nagtitigan silang dalawa at nginitian ko sila. Tapos bigla nila akong kinapkapan. "WOOY! HALA! HOY! MANYAK! MANYAK! HOY! HAHAHA! KILI-KILI KO YAN HAHAHAH! WOOY! MAY MAHAWAKAN KA JAN! WAAAH! PATING OH!"
Nagpumiglas ako at nilakasan ko ang pagsigaw ko. Wala kasi akong earpiece o iyon bang nilalagay sa taenga para makontak sila Pape. Pero nanjan sila sa paligid, kanina pa bago ako dumating. Pinaririnig ko lang sa kanila ang ginagawa sa akin, bilin yon ni Pape!
"Wooooy! Baril ko 'yan!" Sinubukan kong hablutin ang baril ko sa hita, beywang at braso na kinuha nila. Cheneck nila iyon tapos biglang binato ng pagalit. Umingay ang baril na plastik sa lapag.
"This is crazy! Her guns are fakes!" sigaw ni Kuyang-may-picture-ko. "Remove your vest!" Bigla niyang utos kaya napayakap ako sa suot ko. Umiling ako at sinamaan siya ng tingin.
"You remove this I will pinch your nose! No to remove this! Someone inside will be bang bang me! I don't want to die! Time freeze!"
Nakanganga silang napailing sa akin. Biglang inangat nanaman ni Kuyang-may-picture-ko ang bagay sa leeg niya. Para bang may nag-uutos sa kanya gamit iyon. Saka siya sumenyas na pumasok na kami. Baka ang utos eh huwag na nilang tanggalin ang vest ko.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...