Action 127: Ang alamat

48 2 0
                                    


Clumsy's POV

"Urgh! Ha ha ha..."

Hindi na ata matatapos ang pagbuntong hininga ko habang si Pating tawang-tawa matapos akong alalayan bumaba sa likod ng bike.

Aaaaarrrghhhh! Jusmeyooo alimango at kalamasag! Hinding-hindi na ako sasakay sa bike! Hindi naaaaaaaa! Wala akong sakit sa puso pero mukhang magkakaroon na ata! Aarghhh! Nakakagigil na nakakainis na nakakatakot na nakakaiyak! Baka kung may halimaw ang lawa rito sa may pinagbibike-an namin ay bigla na itong umahon dahil naririndi na sa pagsigaw ko. Eh ang epal nitong si Pating! Nakakagigil! Kung pwede ko lang siyang kagatin! Kinagat ko na siya!

Hindi ko alam kung inaasar ako ng tawa niya o natatawa talaga siya sa akin. Masaya akong natatawa siya dahil sa akin pero nararamdaman ko rin kasing inaasar niya ako eh. Tapos ang malupet sa lahat!? Ay jusmeyo. Mababaliw ako sa tanong niya kung masarap ba ang halik niya!

'Syempre masarap. Gusto ko pa nga isa eh. Ah. Aaaargh! Earth! Kalmaaaa!'

Gustuhin ko mang mag-act normal? Anak ng balyena! Hindi ko kayaaaaaa! Iniwasan ko na nga siya. Naglakad ako palayo tapos biglang humabol at tinatawanan nanaman ako. Tipaklong na brown naman talaga!

Napaangkas pa ako sa kanya dahil nanakot siya. At jusko po. Hindi ako artista sa mga teleserye na pwedeng halikan sa kahit saan, at sa shooting 'yon! Pero ito hindi ito shooting. Totoong buhay 'to at sobrang nakakahiya. Ano na lang din ang sasabihin sa akin ni Ulan kung nakikita niya akong may kahalikan? At ang kahalikan ko pa eh hindi ko karelasyon! Sila ni Paping nakikita kong nagkikiss kasi magjowa sila. Eh ako? Aaayy!  Nakakagigil ka Pating! Pasuntok nga isa.

Nakangisi niya akong tiningnan matapos ibalik ang bike kay Manong Jeno yung nagbabantay. Nagpakilala siya sa akin kanina at may anak din siya na kasing tangkad ko pero twenty three na ang edad. Sabi ko cute size tawag sa amin ayon tinawanan ako kanina. Ehp! Balik kay Pating.

"Pating pwede pasapak?" Naiinis kong tanong habang hawak ko ang puso ko dahil pahupa palang ang kaba ko at hingal.

Nakangisi niyang tinapat ang malaking braso, "Sige."

Mabilis ko siyang hinarap at agad na kinurot ang pisnge niya, "ARAAAAAAAAAY! AAAA! ARA-ARAA-ARAAAY! ARAY! ARAAY!"

Kumukumpas sa hangin ang mga kamay niya at ng bitawan ko siya napahawak siya sa pisnge niya at kunot noo akong tiningnan. Nabawasan na ang inis ko kahit papaano. Masama ang tingin niya sa akin at kagat-kagat niya ang ibabang labi. Malambot 'yon.

'Ano naman kung malambot 'yon,  Earth?'

Nagtititigan parin kami ni Pating ng biglang may dalawang babae ang lumapit sa amin.

"Hi po," sabi ng kasing tangkad ko na may hawak na cellphone.

"Ahy Hello!" bati ko sabay ngiti sa kanila. Pero nginitian lang nila ako sabay tingin kay Pating.

"Earth!" Narinig kong sumigaw si Adrian at nilingon ko siya. Pero malapit na siya sa amin ng may  tatlong babae ang biglang lumapit din sa kanya. Anong nangyayari?

"Kuya nagtatagalog po kayo?" Narinig kong tanong nitong isang babae kay Pating. Hinihimas pa ni Pating ang pisnge niya bago sumagot.

"Why?" Walang ganang sagot niya.

"A-ah hm, p-pwede po kaming magpapicture?" Nagpapacute na sabi nung isa. Pareho silang kinikilig kay Pating.

Napakunot noo ako. Nilingon ni Pating si Adrian at pati ako napalingon, ayon siya! May mga babaeng kapikturan. Kilala ba ni Iangot 'yon?

Napatingin ako sa mga babae na nasa gilid ni Pating. At ngayon hindi na lang sila dalawa. One, two, three, apat, lima, anim, seven. Seven na!

"Pwede pong magpapiktur?"

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now