Action 125: Kuya 'nifasyo!

40 2 0
                                    


Ian's POV

Spell masaya?! A.D.R.I.A.N!

Pakiramdam ko nalilibot ko na ang buong Pilipinas dahil sa kagagala! Kahapon sa mall! Ngayon sa--lawa ata 'to? Basta yamang tubig!

"ANNNNGG GAAAANDAAAA!" Sabay naming sigaw ni Earth pagbaba namin sa pinakaastig na tricycle.

Tumakbo kami pareho at dumungaw sa mahabang balkonahe kung saan tanaw ang napaaaaakalawak na lake!

"Mama monster!" Narinig naming sigaw ni Sandwich sa isang nakatayong statue malapit sa amin.

"Baby no. That's not a monster. That is a super hero!" Masayang pagpapakilala ni Ate Sandra sa kung sino man ang rebultong iyon. Nagngitian kami ni Earth saka nagpaunahang tumakbo palapit kay Ate Sandra na kinukwentuhan na si Sandwich. Samantalang sila Em at ang tatlo raw na aso na sila Paejun ay nagbababa ng gamit namin mula sa tricycle na nirentahan. Kaya na nila yon. Lalaki sila eh. Ako gwapo lang.

"... Isa siya sa magiting na bayani noon anak. Nakipaglaban siya sa mga gustong manakop ng bansa natin. Ang makisig at matatag niyang pangangatawan ang lakas niya. Yang hawak niya ang flag ng Pilipinas. Tanda yan na nanalo tayo sa laban at naibalik natin ang bayan sa ating pagmamay-ari. Hindi sila tumigil hanggang sa nakuha nila ito. Kasi anak, mahal na mahal nila ang bansang Pilipinas." Nakangiting kwento ni Ate Sandra habang pinapantayan ang tangkad ni Sandwich. Si Earth naman ay umupo rin na parang bata at natatae saka nakinig kay Ate Sandra at Sandwich.

"Lumaban siya mama? Ganito! Tsug! Tsuuu!!" Sumusuntok si Sandwich sa hangin habang nagkwekwento. Mahina kaming natawa at pinatigil ni Ate Sandra ang napakacute na bata. Dahil matatamaan na niya si Earth, isa ring napakacute na bata.

"Baby Sandy hindi lang ganyan. May hawak din siyang espada! Pero baby, lumalaban sila para sa kalayaan. Hindi lang sila basta-bastang sumusuntok. Kaya gayahin mo sila ha! Kailangan lalaban ka, para sa tama. Lalaban ikaw paglaki mo. Lagi mong ipaglaban ang mabuti. Gayahin mo sila, siya. Si Andres Bonifacio." Nakakamanghang tingnan si Ate Sandra at ang hindi masira niyang pagngiti habang nakatingin siya kay Sandwich na nakikinig ng maigi at tumatango. Ginulo ko ang buhok ni Sandwich pero hindi niya ako pinansin at halatang napapaisip ang bata.

Tumango si Sandwich, "Opo mama! Kuya 'nifasyo!" sigaw niya at humarap sa rebulto.

"Atapang atao!" Sigaw ni Earth at nagtawanan kami. "Hindi atakbo! Para sa bayan 'di atakot aso! Lahat ng kalaban apugot ulo! Sila alis! Tayo analo!" Hindi pa siya natigil at tumatalon-talon na tinataas ang kamay.

Nagtatawanan kami lalo dahil sinasadya niyang gayahin siya ni Sandwich at tumatalon din habang sumisigaw, "Aho! Ho! Ho! Ho! Hihihi!"

Hindi namin mapigilan ang malakas na pagtawa. Eh may kasama kaming mga bata. Isang bata ang edad at isang bata ang isip. San ka pa? Sa Laguna na! At sa lake--Ay teka ano rin nga bang lake 'to?!

"Hey!" Napalingon kami kay Em na nasa di kalayuan. May dala siyang mga bag at mukhang pababa siya ng hagdan. Senenyasan na niya kaming sumunod.

"Tara na Sandwich!" sigaw ni Earth at humawak ang bata sa kamay niya saka sila sumunod kay Em.

Sumunod ako kay Ate Sandra habang namamangha parin sa nakikita. Malamig ang paligid kahit mainit ang sikat ng araw dahil mag-aalauna palang. May mga malalaking puno at may iilang mga tao na mukhang taga rito at ang ilan ay halatang turista.

"Ate Sandra anong lake po ulit to?" Tanong ko habang pababa kami ng hagdan at palapit kami ng palapit sa malawak na yamang dagat. Fuck! This is Philippines and it is wow.

"Sampaloc lake." Masayang pakilala ni Ate Sandra sa tanawin sabay liyad ng kamay niya. Napatango ako.

"One, two, three, four, lima, anim, pito, walo, nine, ten..." Bilang ni Earth sa mga hakbang nila ni Sandwich. Natatawang napailing si Ate Sandra sa dalawa. Napangiti naman ako. Minsan talaga hindi mo kailangang maging magaling at matalino. Kung ano lang ang kaya ng utak mo, dapat maging masaya ka. No stress! Just smile and... Enjoy.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now