Clumsy's POV
Malalakas na pagkatok ang gumising sa akin. Napapakamot ako sa ulo at sa pisnge habang pilit na tumatayo. Nagising din si Chuchu at biglang tumahol. Agad kong binuksan ang pinto. Bumungad si Ate Sandra. Papikit-pikit akong ngumiti.
"Morning Ate Sandra. Si Sandwich?" Inaantok kong sabi.
"Earth tulog pa si Sandwich. Pero si Em... Tinatawag kita kanina pa."
Napadilat ako ng mga mata at napanguso. "Anyari kay Pating? Haaaahh!" Humikab ako matapos magtanong.
"Inaapoy siya ng lagnat, Earth." Pagdidiinan ni Ate Sandra. Sakto namang lumabas si Iangot sa kabilang kwarto.
"Hey what?"
"Aanooo?! N-nasaan si Pating?!"
Natataranta akong bumaba. Sumunod si Iangot at Ate Sandra. Nadatnan ko si Pating na nanginginig. "AY JUICE MARIE'NG BISCUIT! PATING!"
Mabilis ko siyang nilapitan. Paghawak ko pa lang sa kanya tinanggal ko agad ang kamay ko. Sobrang init niya. Wala ng thermometer-thermometer!
"Kukuha ako ng tubig at towel. Ian, bumili ka naman ng gamot sa labas oh." Nagmamadaling sabi ni Ate Sandra.
"O-okay. Sige!" Nagmamadali ring umalis si Ian. Napapakamot ako sa ulo habang pilit ginigising si Pating. Pero kalahating parte ng mga mata niya lang ang dilat.
"A-anong nangyayari kay Em!?" Natatarantang tumakbo si Kuya Judeya palapit sa amin.
"Inaapoy ng lagnat kuya." Nag-aalala kong sagot.
"Ares! Pindus!" Natatarantang tawag ni Kuya Judeya sa mga kaibigan. Paglabas nila Ateng nataranta rin silang nilapitan si Pating. Sakto namang nandyan na si Ate Sandra. Mabilis niyang pinunasan ang noo ni Pating.
"What's happening?" sigaw ni Ateng.
"He is sick literally, giant! This is what I told you about that fighting-fighting thingy! Look! Dagdagan pang nagpaulan siya kahapon. Kailangan niyang mainitan para bumaba ang lagnat niya." Nag-aalalang sabi ni Kuya Judeya.
"Kukuha ako ng kumot." Suhestiyon ni Ate Sandra. "Earth punasan mo siya nito." Inabot niya sa akin ang hawak niya. Pero pinigilan ko siya.
"Ate. Ate Sandra sa kwarto ko po maraming makapal na kumot. D-dalhin na lang natin siya doon."
"Ohsiya siya! Gora na! Pindus let's bring Em at Earth's room." Sang-ayon agad ni Kuya Judeya.
"Wait where?" Takang tanong ni Ateng.
"At Earth's room. Come on!" sigaw ni Kuya Judeya. Napanguso ako dahil parang hindi sang-ayon si Ateng. Pero pinagtulungan parin nilang gisingin si Pating at alalalayan.
Sandali lang ay nasa kwarto na kami. Kasunod agad si Iangot na may dalang gamot. At nang humupa ang panginginig ni Pating ay kumalma na ako, kaming lahat. Pinasa ni Ate Sandra sa akin ang pagpupunas sa noo ni Pating dahil bumaba siya kasama si Iangot at Kuya Judeya para gumawa ng pagkain. Lumabas din si Kuya Jacob ilang saglit pa. Naiwan kami ni Ateng. Nakaupo ako sa kama sa tabi ng nakahiga'ng si Pating samantalang nakatayo naman si Ateng sa harap ko.
Nalipat sa sofa si Ulan at doon kumakahol. Nakaharap siya sa amin ni Pating. Nagugutom na ata tong chuchu ko. Nilingon ko si Ateng. Nakatitig lang siya kay Pating na tulog. Dahan-dahan kong inabot sa kanya ang basang towel.
"What?" Taka niyang tanong.
"You punas-punas him." Inaction ko kung paano ang gagawin. Agad naman siyang tumango at kinuha sa akin ang towel. "I w-will be back. Pa-eat this Chuchu." Tinuro ko si Ulan saka ko siya kinuha sa sofa.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...