Action 183: hEr enDEARMent

49 2 0
                                    

Clumsy's POV

"Get inside the car, Earth!" sigaw ni Tito Golib habang nakikipagbarilan sila sa mga lalaking sumunod sa amin ng tumakas kami sa loob ng building. Kasama niya si Lolo Le at Ate Kurd na nakikipagpalitan ng putok ng baril.

"GET INSIDE!" Galit na galit na sigaw ng Lola ni Pating na nakaupo na sa loob ng van. Nagdadalawang isip akong sumama dahil wala si Pating. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at akmang hihilain na ako papasok ng Lola ni Pating ay agad akong tumakbo palayo.

"EARTH!"

"ANAK!"

"EARTHLING!"

"DAMN THAT YOUNG WOMAN! STAY THERE!" Galit na galit na sigaw ng boses ng Lola ni Pating. Natatakot ako sa kanya.

Mabilis akong tumakbo palayo. Naririnig kong may sumusunod sa akin pero hindi ako lumingon. Nasa gilid kami ng napakalaking gusali na pinasukan namin kanina. Nakikita ko na ang kanto kung saan makakarating ako sa bukana ng gusali. Kailangan kong balikan si Pating. Kailangan niya ako!

'Pating... Wait lang! Kaunti na lang!'

Binilisan ko ang pagtakbo at nakaliko na ako. Mabilis kong hinanap ang malaking glass main door ng building kung saan kam pumasok kanina. Nadatnan ko ang dalawang guwardiya na nakahandusay sa lapag. Mabilis akong lumapit sa kanila pero agad akong napatigil ng makita ko mula sa glass door ang nangyayari sa loob.

May tatlong lalaking nakatayo... Nasa harapan nila ang isang lalaking nakaluhod.

"Young woman! You stupid brat--." Natigil ang boses ng Lola ni Pating at naramdaman ko siyang nasa tabi ko na. Bigla niyang hinawakan ang braso ko. Mahigpit na mahigpit... Hindi ko alam kung kumukuha ng lakas o dahil ayaw na niya akong lumayo?

Ramdam kong pareho kaming natigilan. Napapikit ako ng biglang sapakin ng dalawang beses si Pating ng lalaking tumatawa sa harap niya. Sobrang daming dugo ang nasa mukha niya. Sobrang daming pawis at laway... Luha... Umiiyak siya.

'Pating...'

Umiiyak akong umiling at sinubukan kong tumakbo at sumigaw pero mabilis akong pinigilan ng kasama ko. Naririnig ko ang hikbi niya na malapit sa taenga ko. Pero mahigpit niya akong hawak sa braso at tinatakpan ang bibig ko. Kahit siya ramdam kong may gustong gawin... Pero bakit... Bakit niya ako pinipigilan? Tama ba si Pating? Hindi ko ba dapat siya pagkatiwalaan?

"Pphhaaaammmmmttnnnggggg!! Thhaamammammmma!" Pilit akong sumisigaw at nagpupumiglas. Hindi ko alam kung nakikita niya kami. Pero walang ginagawa si Pating. Para bang napagod siya. Ilang beses pa siyang pinagsusuntok ng mga lalaking nasa paligid niya pero hindi siya tumutumba. Tinatawanan siya ng mga ito pero siya... tahimik na nagpapabugbog.

Hinihila ako ng Lola niya palayo pero pilit akong nagpupumiglas.

'Hindi! HINDIIIII! ILILIGTAS KO SIYA! ILILIGTAS KO SIYA! PATING TUMAYO KA! TUMAYO KA JAN! MALAKAS KA DIBA!? MALAKAS KA DIBAAAAAA!!! BAKIT NAKALUHOD KA JAN!? TUMAYO KA! PATINGGGGG!'

"WAAAHAHAHA KYAAAH!"

'PATINGGGGGG!!!'

Dahan-dahan siyang tumumba ng malakas siyang sipain ng lalaking tumatawa. Buong lakas akong hinila ng Lola ni Pating palayo. Umiiling ako at nagpupumiglas pero parang wala na akong lakas... Ayon yung lakas ko... Nakahandusay sa sahig...

'BUMANGOOOOOON KAAAAAA!! PATINGGGGG! ANO BAAAAAA!! BUMANGON KAAAAA!! BUMANGOOOON KAAAA! BUMANGOOOOON KA!!!! BUMANGOOOOON KAAAAA! PATING! PARANG AWA MO NAAAAAA!! BUMANGOOOOON KA!!!!'

"MINJI! EARTH! SAKAY NA!" Narinig ko ang boses ni Kuya Art habang buong lakas parin akong hila-hila ng Lola ni Pating... Palayo sa kanya.

Nasa harap na kami ng sasakyan ng bitawan niya ang bibig ko at kumawala ang malakas kong hagulgol. Padabog niya akong tinulak papasok at pumasok din siya kasabay ng malakas na pagsara ng pinto. Sinalubong ako ni Pape at niyakap.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now