Action 132: Five Lives

38 2 0
                                    


Clumsy's POV

Madidiin ang pindot ko sa cellphone ni Ateng habang nangigigil ako sa mga candies ng candy crush. Hinayupak!

Pang apat ko ng buhay to! Isa na lang! Pero HINDI PA AKO NAKAKAALIS SA LEVEL 1,123! Hindi ako ang nagpalevel nito syempre si Ateng. Tapos nakihiram ako pero ito mauubos na lang ang buhay bokya parin. Mapapakanta ka na lang ng gulong ng palad, flat nga lang yung gulong kasi hindi ka na umaandar. Ayaw umangat.

"Aaargghh! Ubos na agad 'yong moves!" Badtrip kong sigaw.

Narinig kong tumawa si Ateng kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakaupo na kami ngayon at nakasandal kami pareho. Nakailaw parin ang flashlight. Walang masyadong laman ang kinaroroonan namin, kami lang at iilang sako at karton. Akala ko nga andito yung humahabol sa akin eh. Wala naman pala. Nasaan na kaya yon si kuya'ng taya? Baka nga nainis kasi burot siya.

Medyo binukas na din ni Ateng ang pinto at paminsan-minsan may mga naririnig kaming tumatakbo parin mula doon sa labas. Pero sa candy crush nakatutok ang atensyon ko. Nalagpasan ko na 'yong level 50 sa cellphone ko kaya may lakas ako ng loob sa isang to. Nang makita ko tong candy crush ni Ateng tinuro ko to sa kanya at nagtaglish ako habang nanghihiram. Nakangiti niyang pinahiram to sa akin at nagulantang ako ng makita ang level. Kaya sinubukan ko. Pero syempre, ako pa ba. Magaling akong mang-ubos ng five lives.

"Ateng pwede isa pa? Ah ibig kong sabihin one more try?" Pagtratranslate ko sa tagalog ko.

Hindi ko alam kasi kung anong klaseng nilalang to si Ateng eh. Puro ngiti lang ang sagot niya sa akin. Tapos bigla na lang tumawa ngayon. Kaya nag-english ako. Baka kasi Englishira siya eh.

Bigla siyang tumango, "Yeah go ahead." Nakangiti siyang sumagot ng tipid. Ang ganda niya!

"Ate nagtatagalog ka ba?" tanong ko at inioff screen na muna ang cellphone niya. Baka kasi may lihim na inis na siya sa akin, puro ako laro sa cellphone niya at hindi ko siya kinakausap.

"Sorry, I can't speak your language, Miss Delvalde." Napanganga ako sa kanya. Nakasmile siya habang nagsasalita. Umiling siya at pumikit pa. Nakakalaglag ng panga ang ganda niya. 'Di ba babae ako? Babae ako eh!

Pero mas maganda siyang babae kaysa sa akin. 'Yong buhok niya rin kulay violet! Napansin ko lang ngayon, nakatali ito ng isahan at may lumalaylay ng kaunti. Tapos may necklace siya na black na nakapalibot maigi sa leeg niya at may pendant iyon na baril na silver. Tapos may hikaw siya sa kanang taenga at 'yong isa niya pang hikaw? Nasa ilong na niya. Ang banges 'di ba!? Para sa akin mabanges siya! Sa TV ko lang nakikita ang mga hitsura niya eh. At ang pinakaamazing sa lahat? Ang letter F niyang tattoo sa ilalim ng tainga niya. Ang ganda ng design pero hindi ko na masyadong maaninagan. Ang angas niyang tingnan at ang ganda niya pa! Ako? Maganda lang sorry. Okay? Sorry!

"A-ahy ah okay. Hehehe! Sabi na. Halatang englishera ka. Ahm wait how speak it. Eh! Ateng, honest-ah honestly, I no English." Nag-aalinlangan at nahihiya kong pagtatapat, sabay turo ko sa sarili.

Tumango ulit siya at nagthumbs up. Nakita ko yung kamay niya na may brown na gloves, pero nakalabas ang mga daliri. Parang ang bigat ng gloves niya. Hindi ko yon naramdaman kanina no'ng hinila at hinawakan niya ako ah.

"That's okay. You will go in just a minutes. If everything outside is safe already, okay?"

Inintindi ko pa ang sinabi niya bago ako makasagot, "Ah okay! Outside safe? I go out!"

Tumango siya, "Very good."

"Ayyt kabog hahah! Ang saya ko sa very good hahaha! Ah ateng what's your name? Ahh kanina you tawag-tawag me Miss Delvalde. H-how? You know my n-name?"

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now