Action 137: Let's start the fire

56 2 0
                                    



Clumsy's POV


"Now, use 'will going' in a sentence."


"Krrrkk. Krrrkk. Krrrrk."

"Clumsy."


"Krrrkk. Krrk."


"ARAAAY!" O.A. kong sigaw ng pitikin nanaman ni Pating ang noo ko. Nakita ng natutulog yung tao eh. Sinimangutan ko siya. Pero tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay tanda na nagtatanong siya.

 
"Use. Will going. In. A sentence." Nang-uutos niyang sabi. Napakamot ako sa ulo gamit ang isang kamay ko na hindi sumasakit kapag ginagalaw. Kinagat ko ang loob ng pisnge ko habang nag-iisip.

 
"Aha! I will going to sleep! Krrrk. Krrrk." Pumikit ulit ako. Nagkukunyari lang naman akong tulog. Pero hindi na ako sinaway ni Pating. Umabot na ata ng ilang minuto hindi niya parin ako sinasaway. Sinilip ko siya gamit ang isa kong mata. Nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya pumikit ako agad.


Teka? Parang nakangiti si Pating ah. Sabay kong minulat ang mga mata ko pero bigla siyang yumuko sa libro niyang kasing sama niya ang ugali. Ay hindi pala mas masama ang ugali ng librong iyon! Mas takot ako sa libro kaysa kay Pating.

 
"Ngiti-ngiti ka jan. Panes ka nanaman sa English ko nuh?" Minsan lang ako magyabang kaya pinagbibigyan na niya ako.

 
"Much better. Now let's proceed. Use 'have been' in a sentence."


May better-better pa siyang nalalaman jan! Eh dapat best na! Pag ito nanaman natulala sa akin. Naku talaga! Kakagatin ko ilong nito. Natulala na nga sa English ko at lahat-lahat eh better parin ang tinawag sa akin? Better lang?! Aarrgh!

 
"Krrrk. Krrrrk. Krrrk." Natulog ulit ako sa tanong niya. Kunyari lang naman eh. Ayoko na kasing sumagot nakakailang tanong na yan. Pft!

 
"Clumsy."

"Oh--este krrk. Krrrk. Krrrrrrk."


"Hindi ko na uulitin yung tanong."


"Hay salamat! Akala ko uuli--."


"Sagutin mo na."


Nagmulat ako ng mga mata at napanguso. Napalobo ang mga butas ng ilong at mga pisnge. Hindi talaga natigil tong Pating na to. Naiinis na ako! Kaunti na lang talaga kakagatin ko na ilong nito.

 
"Ano ba yung tanong?" Inis kong tanong.

 
"Have been." Sagot niya na parang alam ko na kung anong gagawin ko sa 'have been'. Ay alam ko nga. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. Ehehehe! Saka ngumiti sa kanya.

 

"Ang have been ay punooooo ng mga bulaklak na iba't-iba ang ku-- araaaaaaaay!" Napahawak ako sa ilong kong kinurot niya.

 
Nangungurot na rin si Pating ngayon! Kasi nung isang araw sabi niya gusto niya akong saktan kasi nga ako yung nabaril dapat siya. Tapos sabi niya huwag na lang pala kasi nakahiga ako rito at may sugat. Kaya sabi ko kurutin mo na lang ako. Kaya ayon ilong ko yung kinurot niya! At tuwing nagkakamali ako ng sagot sa tanong niya kung hindi pitik sa noo ay kurot sa ilong ang abot ko. Naintindihan ko naman siya. Gusto niyang patangusin ilong ko gaya ng sa kanya. Eh idol ko to si Pating kaya sige papatangos din ako! Masakit nga lang talaga.

 
"Ayusin mo."



"Ano ba yung have been?" Nakanguso at hinihimas ko ang ilong ko habang nagsasalita.

 
"Have been are past participle---."


"Pwede bang have na lang? I have two hands! The left and the right! Hol--."

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now