Clumsy's POV
"Clumsy, pwede bang manligaw?"
"M-manliligaw ka, Pating? T-tapos sasagutin kita tapos magiging jowa na kita!?"
"Aha."
"Ay oo sige sige! Ligawan mo na ako!"
"Wait... Gustong-gusto mo ng magkajowa ha."
"Syempre naman! Masarap sa pakiramdam ang may nagmamahal. Araw-araw kang may kasama at kakulitan. Tulad nila Ulan at Paping noon. Namiss ko tuloy si Ulan. Wala ng tumatawag sa akin ng 'Mundo!'"
"I know that she miss you, too. Huwag ka ng malungkot. Kahit hindi ko naman sabihin alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang mundo ko."
"Waaaaaahhhhhhhaayyyyiiiieee teka naiihi ako ih!"
"Hahahahah! Clumsy... Clumsy wake up. Hey. Clumsy. Wake up."
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. May yumuyogyug sa akin. Kung makayugyog akala mo naman ang laki-laki ko. Ang laki? Hala.
"M-may malaking mamâ sa labas!" Napasigaw ako saka napaupo sa kama. Napatingin ako kay Pating na napabuntong hininga habang tinatabihan ako. Hindi siya sa akin nakatingin at napayuko pa siya na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Pa-pating ayos ka lang?" Hindi niya ako sinagot. At para siyang nagpipigil ng galit.
"What are you doing outside?" tanong niya.
"O-outside? Anong outside?"
"May tumawag sa'yo kanina. You told me that that was the girl who came from Greece. Gusto nilang makipagkita at kasama ako. Pero bakit bigla kang lumabas ng walang paalam?"
"Pating galit ka—"
"Hindi. Just answer me."
Napakamot ako sa ulo.
"Si Paping kasi 'yong unang tumawag. Sabi niya gusto niya akong makita. Tapos naputol 'yong tawag namin. Tapos sila Ateng na ang sunod na tumawag. Tapos no'ng dumating ka naputol 'yong tawag namin ni Ateng. Tapos nabasa ko text ni Paping nasa tapat na siya ng gate. Kaya—."
"How did he know this place?"
"Eh? Ahh ang alam ko nabanggit ko sa kanya eh."
"Specifically? The address? The street? Block number? You told him specifically?"
"Oh oh hinay-hinay." Napakamot nanaman ako sa ulo. "Hindi ko matandaan kung nabanggit ko ba specifically eh pero basta nasabi ko."
'Oh my gash nakuha ko yung specifically niyaaa aaayywwwii!'
Tiningnan ako ni Pating. Nginitian ko siya. Hehe.
"Bakit ka nawalan ng malay?" Imbes ata na are you okay eh ayan ang tanong niya. Ewan ko sa gwapong 'to.
"M-may ano kasi. M-may napakalaking lalaki akong nakita t-tapos palapit siya sa akin. Grabeng laki! Parang higante. Mas malaki nga sa'yo! Balikat ka lang ata no'n! Tapos ako halos sa ilalim lang ng dibdib no'n. Grabeng laki. Katakot! Napatakbo nga ako eh. Kaso 'di ko na matandaan saan ako pumunta? Andito na lang ako bigla. Marami na akong nakitang malalaking tao Pating, pero 'yon nakakatakot sa malapitan!"
"You just saw one among of many."
"Ha?"
"Nasa sala sila."
"A-ah? 'Y-yong malaking lala-laki n-nasa sal-sala? W-wee? P-paano nakapasok!?"
"Old man."
"S-si Lolo Le? Aaah! K-kasi kaibigan mo si Lolo Le kaya kaibigan na rin nila 'yon? Tekaaa! Kaibigan mo 'yong mga 'yon?! Pati si Kuya Judeya?! Oh my..."
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...