Action 199: The Final War

65 2 0
                                    

Pating's POV

Destiny is playing on us.

Pag-akyat ko sa plapag ng mga Austeres, sa malawak na hallway na may mga iilang bangkay, itim na kulay ng pader na simbolo ng gang nila at tanging dalawang kwarto... sakto namang pababa rin ang taong hinahanap ko.

Alerto. Nakayuko. Nakatutok ang baril sa lapag at lumilinga-linga. Ako lang ang nakatayo sa gitna ng malawak na espasyo. Sa kanan at kaliwa ko ay ang magkabilang kwarto. Sa likuran ko ay ang glass wall na naglalarawan sa kagandahan ng lugar ng Athens. At sa harapan ko ay ang hagdanang dahan-dahang binabababaan ni Uno. Alerto, nakaangat na ang ulo at nakatingin sa akin, nakatutok ang baril sa akin, sa akin lang... Nakatingin. Ngumiti.

"Destiny, isn't it?"

Umiingay sa tahimik na paligid ang mamahalin niyang mga sapatos na akala niyang makakatulong sa kanya para hindi mainitan sa impyerno. Dahan-dahan siyang bumaba at tuluyang humarap sa akin.

Suot niya ang mamahalin niyang business suit. Mas malaki ang katawan niya sa akin at sa hitsura niyang edad 30 pataas hindi na ako nagulat sa mga guhit sa mukha niya. Pero kahit ano pang isuot niya, hindi matatakpan ang totoo niyang pagkatao... gamit ang mga mata ko.

'Stupid weak crying baby...'

Tumigil siya ilang dipa ang layo mula sa akin. Hindi nawala ang pagkakatutok ng baril. At ang malademonyong ngiti.

"Yes. Destiny it is... Destiny wants you die, too."

Imbes na matakot ay ngumiti siya. Ngiting kahit sandali ko palang makita ay kasawa-sawa na. May mga beses ng minsang nagkasalubungan ang landas namin. At gustong-gusto ko na siyang patayin. Pero para bang hindi pa tamang oras. But now that I am standing infront of him, in his dungeon, in his country, in his territory and property... I feel like dying in here just to kill him. At hinding-hindi ako aalis dito... Hangga't hindi ko siya makitang maubusan ng hininga.

Hindi man siya ang ulo ng lahat, mayroon parin siyang atraso sa pamilya ko at sa akin. Sa mga nagdaang taon siya ang boses ng mga utos para ipapatay ako. Ang boses na nagpapahirap sa akin, sa mga kaibigan ko, sa girlfriend ko.

Kung sa umpisa may alibi siya, puwes pila-pila pa ang rason para ituloy ko ang balak na pagpatay sa kanya. Hindi rin naman ako titigil na hanapin at patayin ang mama niyang si Marina. Sa ngayon... uunahin ko muna ang may pangalang una.

"No... Hmhahaha! Destiny wants you to suffer in my presence! And that's great! Suffering, Em... Suffering is much worst at dying. Dying is for seconds. Suffering is can be for years. Hahahah! Correct me if I am wrong. Hahahahahah!" Puno ng pang-aasar niyang sambit.

Nanatili akong walang pake.

"I wouldn't want to correct you. But I do suggest that you should thank me in advance. Because I will give you the not-so-worst one. Instead of suffering, I will kill you instantly. I am getting kinder as time passed by... Master... One."

"And that kindness of yours making you look weak in my eyes." Nanggigil niyang sabi habang masama ang tingin sa akin.

"Even your gun doesn't care," I said with a smirk.

Bakas ang galit sa mukha niya na hindi ko na pinansin. I calmy untie my vest, remove my holsters and throw away my weapons. Making a one step forward. Eyes on him.

"AAAARRRGHH!" Nangigigil niyang binato ang baril na hawak at agad akong sinugod. This is how I know this man. Alam ko ang galaw ng bituka niya. Alam ko ang takbo ng utak niya. Alam ko kung paano kalabitin ang gatilyo ng kayabangan niya.

He swing his huge fist towards on my face, I bent my body to escape from that. Nang mag-aayos na ako ng tayo ay agad siyang nagbitaw ng sipa na mabilis kong inilagan. He move fastly as I move backward to make some distance. Sumugod siya at sumuntok habang sumisigaw pero iniilagan ko ang mga suntok niya. His punch looks hard, but none of it landed on any part of my body.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now