Action 107: Bonding

78 3 0
                                    

Clumsy's POV

"Waaaaah! Andito na tayo!" sigaw ko habang pumapalakpak. Ohyeaohyea! Nasa mall kami!

Lumabas na si Pape ng sasakyan at binuksan ko na rin ang pinto para makalabas. Sinigurado kong nakayuko ako para hindi ako mauntog pero natagalan ang pagyuko ko at habang lumalabas sa pinto naman ako nauntog.

"Ach." Napahimas ako sa ulo habang tumatayo ng maayos.

Lumawak pa ang pagkakabukas ng pinto,"Anak, ayos ka lang?"

"Ay hehe opo Pape," sagot ko.

Kinakabahan ako rito kay Pape. Ipapacheck up daw ako? Nyiii! Ayoko nga! Malalaman nilang may sakit ako. Sakit sa puso. Charot! Ayoko sa hospital! Jusko, gastos lang 'yon. Healthy-healthy ko eh. Psh!

Naglakad kami papasok ng mall. Nakita ko si Pating na lumabas ng kotse niya at sumunod sa amin. Iyong lima naman na lalaki na kaibigan daw ni Pape nasa tabi lang ng kotse nila.

"Anak?" tawag sa akin ni Pape at nilingon ko siya.

"Po? Hingi na po ba ako ng pera kay Pating? Hihingi rin po ako pambili ng pasalubong kay Sandwich."

Ngumiti si Pape, "Ganito anak. Lahaaaaaaat ng gusto mo sa loob? Lahaaaaaat ng ituro mo? Bibilhin natin! Pili ka lang ako na ang bahalang magbayad. Huwag ka ng manghingi kay P-Pating."

"Talaga po?!" Gulat kong tanong. Nakangising tumango si Pape.

'Hala na! Iba na to! Isang sekretong milyonaryo ata ito si Pape eh! Oh my ghash! Pero sige! Hindi na ko aangal! Minsan lang tong buy all I turo-turo promo!'

"Sige po! Sabi niyo 'yan ha!" Pagkokompirma ko.

"Oo nga. Tara pasok na tayo."

Sabay kaming pumasok sa mall at naglibot.

Una naming binili ang mga christmas decor syempre.

"Ito Pape!" sigaw ko habang hawak ang garlands na kulay red.

"Anak, maliit 'yan. Ang laki ng christmas tree na pinili mo. Ayon oh yung isa sa tabi mo." Tinuro ni Pape ang kulay green na malaking garlands at mahaba.

"Ang laki naman nito Pape..." Tiningnan ko si Pating na medyo malayo sa amin. Bitbit niya kasi lahat ng mga christmas decor na napili namin.

"Ayos na 'yan. Kuha ka ng sampu nito. Lagyan din natin ang pinto ng bahay."

"Sampu?! Ang dami!"

Tumawa lang si Pape saka tinawag ulit si Pating, "Dalhin mo."

"Ahy Pape ako na sa lima—"

"Kaya niya yan anak," sabi ni Pape at pinahawak lahat kay Pating ng hindi man lang tinitingnan si Pating, na nahihirapan na. "Tara kuha tayo Santa Claus figurine, nak."

Hinila ako ni Pape habang tinitingnan ko si Pating na hindi ko na makita ang hitsura dahil natatakpan ng mga pinamili namin. Ay kawawa.

Bumili pa kami ng mga Christmas decor hanggang sa nagkakanda laglag na ang dala ni Pating at tumulong na rin si Pape. Syempre ako rin! Hawak ko si Santa Claus, 'yong maliit lang. Tulak-tulak ko rin ang cart nuh!

"Magbabayad po." Nakangisi kong sabi sa cashier na mabilis napanganga.

"Ahy jusko po. Binili niyo ata ang buong Christmas decor kahit tapos na ang pasko." Natatawang sabi ni ate.

"Ano ka ba te! Araw-araw pasko dapat. Ang gaganda nga ng mga napili namin, damang-dama ang Christmas! Dali na ate bilangin mo na po. Nahihirapan na mga kasama ko hindi mo na makita mukha hahahahah!" Natatawa kong tinuro sila Pape.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now