Action 174: Own Gang

55 2 0
                                    

Lolo Le's POV

It's been weeks since the unwanted and unpredictable happenings. Sobrang bilis ng pangyayari at ni isa sa mga nakasaksi walang nakapagkwento ng maayos. Even the supposedly strongest among us--Em.

Nang araw na iyon, pagdating namin ni Frieg sa pinangyarihan ng krimen, nadatnan ko ang apo ko na katabi si Sandwich sa kama sa loob ng kwarto ni Earth. Tinatapik ang bata na para bang siya ang ama nito. Sandwich is sleeping, while my grandson is crying. Pero ng magtama ang paningin namin hindi siya nag-abalang punasan iyon. Imbes ay nagmamadali siyang nagtanong kung kamusta si Sandra.

I saw... hundreds of people died. Close in distance, meters away, or kilometers away... mga bangungot na hindi ko agad makakalimutan. Around my circumference, kilometers away I saw people died. Kahit pa hindi ko kilala... I feel sorry for those people. Hindi ko nilalagay sa isip at puso ang pagkamatay ng isang tao. Once I let someone enter my system... that will do no good.

Pero simula ng sumali ang anak ko sa Austeres sa pamumuno ko... Sinusubukan ko ng tanggapin ang pagkamatay niya. Years may passed, I tried... but no matter how I tried to be strong enough... I couldn't. Dahil ng mga panahong nagluluksa ako sa pagkamatay ng anak ko... It feels like I was living in the deepest part of the ocean. At sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya.

I know I can dl something pero hindi ko ginawa. Dahil kapag ginawa ko iyon may posibilidad na hindi lang ang anak ko ang mawawala. Pinili niyang magsakripisyo... At pinili kong isakripisyo siya. Siguro nga... Hindi kailanman mawawala sa kahit sinong mga magulang ang pagmamahal nila sa kanilang mga anak. Kahit pa buhay ang kapalit nito.

Nagkataong nasa ibang panahon at sitwasyon lang si Sandra at Vantrin pero... Pareho parin silang mga ina na nagmamahal sa kanilang mga anak. At hinding-hindi iyon mababago hanggang kamatayan.

Sinubukang iligtas ng mga doktor sila Sandra. Sa kasamaang palad... Si Judea lang ang naiwang may kaunting pag-asa para sa pangalawang buhay.

Patuloy sa imbestigasyon ang mga pulis. Pero mayroon din kaming sariling imbestigasyon. Kaunting oras na lang at malalaman na namin kung sino ang gumawa nito. Pero kahit pa malaman namin... Ang pinakamahalagang impormasyon na inaantay namin ay ang statement ni Judea. Patuloy siyang nagpapagaling sa hospital sa kabila ng kritikal niyang kondisyon at lahat kami umaasang siya ang magdadala sa amin sa hustisya. Siguro... Siguro nga natatakot ang hustisya sa amin. Hindi imposible sa apo ko ang lahat pagdating sa ganitong bagay.

Ipinarada ni Art ang sasakyan sa labas ng SG inn. Kasabay ko siya at si Daniel at Adrian na pumasok sa loob. Dumeretso kami sa underground basement at nandoon na rin ang ilan.

Em... Is present.

"Hindi na namin kailangang patagalin ang imbestigasyon, Padrone." Panimula ni Kurd habang umuupo kaming lahat. Si Frieg lang at Ares ang wala.

"Good. I want to hear it now."

"Ang nasa likod ng pagpatay kanila Sandra, Paejun, Hyunji, Haeja at Ulan..."

Hindi natapos ni Golib ang sasabihin at napalingon kaming lahat kay Adrian. Napakunot-noo ako. "Iho. Kanina pa sa biyahe yang cellphone mo. Si Jai ba yan?"

"L-lolo Le hindi ko po ito cellphone."

"Kanino ba yan? Bakit dala mo?" Tanong ni Golib. Dahan-dahang inangat ni Adrian ang cellphone na tumutunog. Marahan niya itong nilapag sa mesa. Wala kaming ideya kung kanino iyon pero...

"Who's calling?" Halatang kinakabahang tanong ng apo ko.

Sandaling katahimikan ang nanaig. Naghihintay ang lahat sa sasabihin ni Adrian. Bumuntong hininga siya. "M-mula nung araw na yon... N-nakalimutan kong pinasok ko sa bulsa ng pants ko ang cellphone ni Ate Sandra habang dinadala siya sa stretcher. Nawala rin sa isip ko dahil nahimatay si Earth. At nang magbihis ako iniwan ko rin sa kwarto ko to. N-ngayong araw ko lang ulit naalala. At nakita ko ang hundred missed calls mula ng araw na yon... Galing kay... S-sir Erin."

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now