Pating's POV
'NAKWENTO KO SA KANILANG LAHAT KASI HINDI KO NA TALAGA ALAM PAANO HUMARAP SA'YO! HINDI KO ALAM PAANO MAWALA 'YONG PAGKAHIYA NA NARARAMDAMAN KO! HINDI KO ALAM ANONG GAGAWIN KO...'
She doesn't know what to do, too? At tama nga ako... Nahihiya lang siya. And that's fucking normal cause that's her first kiss! Yeah. I am her first kiss.
Tinigil ko ang sasakyan at nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya nagising. We are just blocks away from the exact address. Pero ayoko pang makita si Mister Delvalde. And I continue critiquing her voice in my head.
'Kaya sinabi ko kanila Adrian kanina at kinikilig sila na namumula na hindi ko maintindihan! Huwag kang magalit Pating. Wala namang masama doon eh!'
Kinikilig sila?! Damn! Naiisip ko na ang mangyayari at paniguradong tatawanan ako ni Ian. Yes, walang masama para sa kanya! Pero para sa akin hindi 'yon mabuti.
'Nagtanong lang ako kung anong dapat kong gawin kasi parang mali na tumakbo ako kagabi. Oo, sinabihan kitang halikan mo 'ko para kay Pororo. Pero kagabi iba 'y-yong ha-halik na ginawa mo...'
Then what's with my kiss? Anong iba? Akala niya ba nakikipagbiruan ako kapag sinabi kong 'kiss me'? Eh kung hindi lang ako natameme nang ngumuso siya sa akin baka hinalikan ko na siya.
'Tapos pakiramdam ko mali na umalis ako! Eh sa hindi ko naman alam paano humalik? Kaya ayon sobra akong nahihiya sayo mula kagabi. Hanggang sa kanina... Tapos pinayuhan ako nila Jai na dapat... Act normal daw?'
Shit! Okay. Hands up. Talo na ako. She is an innocent damsel I can't resist.
Naiumpog ko ang ulo sa manibela. At nilingon ko ang natutulog na babae sa gilid ko.
Bakit ba kita sinigawan kanina? Dapat hindi ko ginawa 'yon. You have your valid reason at walang masama sa ginawa mo. Pero ako itong selfish na walang pinagkakatiwalaang tao sa mundo at sinigawan ka dahil sa rasong hindi mo agad maiintindihan. Ako lang. Ako lang ang makakaintindi sa sarili ko. But I want you to understand... That our world is not yet safe.
That if people will know what's inside me... I will be dead. Yes, Clumsy, I am scared... Scared that those bad people will use you against me. Clumsy... I hate it, but I admit it... You are my weakness.
Umayos ako ng upo at napahilamos sa mukha, 'Ayokong ipakita na mahina ako pagdating sa'yo. Dahil kapag nagkataon... Baka mapahamak ka. Ayokong mangyari 'yon. Kaya hangga't maaari kailangan kong itago 'to... Bat ba kasi madaldal ka? Baka kung ano-anong lumabas sa bibig mo at kung-kung ano rin ang isipin mo.'
Tinitigan ko siya habang tulog.
'Kapag handa na ako... At ayos na ang lahat... Ipagsisigawan kita sa mundo.'
"Asshwhwoamxpamspqmxla."
Pinalo ko ang balikat niya dahil sa kung ano-ano ang sinasabi niya, "Wake up!"
"Hah?" Gulat siyang napasinghap at napaayos ng upo. Pinunasan niya ang laway saka kinusot ang mga mata, "Andito na tayo?"
Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya. Pinipigil ko ang tawa habang nakatingin sa kanya na naalimpungatan dahil sa ginawa ko. Her eyes are cute when these are big.
Nilingon niya ako at napakunot-noo siya, "Bakit ka nakangiti?!" Mabilis niyang tinakpan ang dibdib gamit ang dalawang braso, "ANONG GINAWA MO?! PAGKATAPOS MO KONG AWAYIN AT SIGAW-SIGAWAN NGINGITIAN MO 'KO?! ANONG GINAWA MO SA AKIN!"
"Hm? Hmhahaha!" Mahina akong natawa sa reaksyon niya. Dapat ata hindi ko binigla ang gising niya. Nakangiti akong umiling, "I done nothing."
"Nothing-nothing ka d'yan. Eh bakit ka nga nakangiti?! Saka... Bakit mo ko kinakausap? Bati na ba tayo?!" Nakanguso siyang sumiksik sa upuan. "Paandarin mo na! Gusto ko ng umuwi doon sa kung saan tayo pupunta."
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...