Pating's POV
"What now?" I asked Ian as we both looking at these things we had brought with sweat and strategy to avoid Clumsy's interrogation. Now we are both blank while locked inside his room.
He shrugged. Iniinis talaga ako ng isang to. I grab his shirt in gritted teeth. "Are you kidding me!?"
"Hey! Hey... Calm down, dude. Nag-iisip din naman ako ah. Ikaw din kaya dyan nuh!" Mabilis niya akong tinulak. "Kaysa nagagalit ka agad.'Di ba?"
"Paanong hindi ako magagalit!? You started this! Tapos ngayong tatanungin kita sa gagawin you'd just shrugged at me!? I hate blurred ideas Adrian! Kanina rin sa mall, senenyasan na kita habang palapit kami pero napatanga ka pa. Until that little boy saw you!"
"Eh bakit kasi doon kayo dumaan?! Palibhasa kasi hindi alam ang blue magic kaya hindi mo alam na nandoon na pala kayo kung nasaan ako. Ikaw dapat ang pumigil sa kanila!"
"Stupid! Mahahalata tayo kung ginawa ko yon! That Sandwich is leading their way awhile ago! Gusto mong punain ko yung Sandwich na yon para mahalata ni Clumsy na umiiwas ako sa daan na yon? Are your mind still in full funtion?"
"Aaargh! Kahit na Em! Edi sana nagpalusot ka kay Earthling!"
"Hindi ako tanga na aarteng halata naman. Nasaan ang pagiging natural kung bigla na lang akong magpapalusot? Kasalanan mo yon. Nakaayon na sa plano lahat na magsasalit-salitan tayo to entertainment her at para hindi niya mapansin. But what did you done? Nagpakita ka. Edi mukha kang tanga na nagpapalusot kanina habang pauwi tayo? At muntik pang malagay sa alanganin ang mga to! Kung hindi nagsalita si Sandra pag-uwi natin hindi niya makukumbinsi si Clumsy at Sandwich na tigilan na ang pagsilip sa back compartment. Kung nagkataon iiwan ko sayo ang pagpapaliwanag sa kalokohan mong to!"
"Oh! Oh! Ito naman nang-iiwan agad. Okay sige na. Kasalanan ko na nga. Oh ayan!" Inabot niya sa akin ang susi ng kwarto niya. "Kinuha ko 'yan kay Earthling. Inuto ko lang siya kunyari hahalikan ko ulit si Jai at kailangan kong maglock ng kwarto. Ikaw ng magtago niyan para walang sisihan kapag may nakakita ng mga to. Tuwing lalabas ako ilolock ko to. Kung papasok ako hahanapin kita tapos ibabalik ko ulit sayo 'tong susi."
"Ayan ka nanaman sa ideya mong kasing labo ng putik."
"Magtiwala ka na lang. Dami pang reklamo. Basta kapag hawak mo 'yang susi kung may krimen na mangyari kasalanan mo!"
"Paano kung binigay mo sa aking hindi mo pa nalolock ang pinto?"
"Ilolock ko pramis. Hindi ko kakalimutan. Magtiwala ka lang."
Napabuntong hininga ako. "Fine."
Umupo siya sa kama paharap sa mga gamit na binili namin. Tinalikuran ko na siya at naglakad ako palabas. "Dyan ka na. Isipin mo ang gagawin natin."
"Oo na! Andaya mo ako lang ang taga research. Paano ka kaya matutong manligaw," bulong niya pa. Hinarap ko ulit siya.
"Ian..."
"Ano?" Naiinis niyang sagot sabay lingon sa akin. Nilapitan ko siya sabay batok. "Araaaay!"
"Para sa pang-uuto kay Clumsy."
Iniwan ko na siyang nakanguso at hindi agad nakapagsalita. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng kwarto niya, "Aaay teka! Teka, dude!"
Kunot noo ko siyang nilingon ng habulin niya ako at hawakan sa balikat. "Much better kung tatanungin mo na si Earth kung pwede kang manligaw."
"Wait what? Does that thing is necessary?" Hinarap ko siya ng nagtataka.
Napahimas siya sa batok at mukhang nag-aalinlangang sumagot. "Sabi ni Lolo Le."
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...