Clumsy's POV
"K-kuyang nurse?" May kasama pang pag-ubo na sabi ko. Naku TV talaga abot ko nito nakaantenna pa. Buang na.
"Sobrang kati mo naman ma'am. Alam mo ba 'yon? Kanina aakyat ka na pinigilan ka pa ni Em. Sumama pa talaga siya sayo para maging ligtas ka. Hahaha! Swerte mo nuh? Lumaklak ka ata ng isang bote ng kaligtasan at lumunok ng anting-anting kaya hanggang ngayon buhay ka parin!"
"Ang ganda ng speech mo kuya. Pero hindi ko masyadong naintindihan. Bakit mo nasabing makati ako? Saka hindi ako nainom ng alak. At wala akong anting-anting. Paliwanag mo nga 'yong speech mo." Naguguluhan kong sabi.
"Hindi ka ba natatakot!" Tinutok niyang maigi ang baril na hawak niya sa akin at inakma pang ipuputok.
Napataas ako ng kamay at napayuko. Imbes na pagtili ang maisigaw ko eh pag-ubo ang nagawa ko. Sabi na TV na to eh."Eherm! Teka! Aharm! Andaya mo naman hindi ka umuubo!"
"Mahina kasi yang baga mo! Kaya hindi ko alam kung bakit hindi ka pa mamatay matay! Pero di bale na. Ngayon mamamatay ka na."
Teka hindi ko nanaman maintindihan! Ang bilis ng nangyayari. Akala ko ba pasyente to? At mali ba ako ng dinig? 'Tulong!' 'yong sinigaw niya kanina eh!
"Wait-teka! Sumigaw ka ng tulong diba!? At bakit mo ba ako gustong patayin? Nakataas na nga ang kamay ko oh susuko na ako sayo." Parang hugot 'yon ah? Ang sweet naman ng sinabi ko. Pero hindi kinilig si kuyang nurse eh.
"Uto-uto ka. Susuko kang hindi na humihinga, Earth," pagyayabang niya.
"Tekaaaaa! Sabihin mo ano bang gusto mo? Ibibigay ko huwag mo lang akong saktan!" Naks naman Earth! Iba na yan!"Are you crazy? Talaga bang wala kang alam sa nangyayari?" Maangas niyang tanong.
"Pinipilit kong intindihin pero hindi ko talaga maintindihan. Kung may pinakamadali kang paliwanag. Sige sabihin mo na!" Para akong nakikipag-usap ng masinsinan sa jowa ko. Wala feel ko lang bakit ba!
Bawat sagot ko may pag-ubo. Napapakunot noo si kuya sa akin at nagtataka pero kapag magsasalita na siya ang yabang na. Maangas na hindi ko maintindihan kung saan galing ang pangsisiga niya. Wala naman akong ginawa sa kanya. Inaano ko ba 'to. Siya na nga ililigtas eh!"Papagkwentuhin mo pa talaga ako ha!"
Napalingon ako sa hallway. Tunog ng sasakyan ng mga bombero! Andito na ang mga superheroes!
"Maliligtas na tayo kuya!" Naeexcite kong sigaw. Ang saya ko na eh pero napasimangot ako sa sagot niya.
"Ako lang. Dahil mamamatay ka na dito." Kalmado niyang sabi.
"Binalikan kita para iligtas tapos ako pa mamamatay? Aba andaya naman!"
"Hahahah! That's life, Earth. Minsan kailangan talagang may lalamang. Now, listen to me para maging madali na ang lahat. Humakbang ka." Nakangisi niyang utos.
"H-ha? Aharm!!"
"Anong ha?! Halaman?! Sabi ko hakbang!"
"Hindi kuya hatdog at cheesedog."
"HAKBANG!"
"Teka lang naman bakit ako hahakbang? Papasok na ako sa kwarto niyan eh! Kuya aalis na nga tayo rito nasusunog na ang buong lugar at ang init!" Nagrereklamo kong sigaw sabay ubo. Tumutulo na rin ang pawis ko pero hindi ko maalis kasi nakataas ang mga kamay ko. Wala bang pwedeng magpunas ng pawis ko dyan?
"Shut up! Humakbang ka na sabi o ipuputok ko to sa ulo mo!" Nangigigil niyang tanong. Nakanguso akong napahakbang.
Isang hakbang palang ang ginagawa ko napatigil na agad ako. Napakunot noo ako kasi dahan-dahang nag-iba ang hitsura ni kuyang nurse na kaharap ko.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...