Action 124: Headmasters?

43 2 0
                                    


Jai's POV

"Waaaaahahahaha! Woohooooo!"

Napapalo ako sa noo at napayuko dahil kay Adrian. Para siyang ewan. May saltik ang ulo. Kasalukuyan siyang nakatayo sa dulo ng jeep at nakakapit sa gilid nito ang isa niyang kamay at hinayaan niyang malaylay ang braso'ng may tama.

"Woooooohooooo! This is the best ride ever!" sigaw niya pa dahilan para mas pagtawanan siya ng mga sakay ng jeep.

"Jowa mo teh?" tanong ng katabi kong babae na makapal ang krayola sa mukha at amoy sigarilyo ang hininga. Ngumisi siya na halatang aliw na aliw kay Adrian, labas ang bungi-bungi niyang ngipin.

Naiilang akong umiling, "K-kaibigan ko po ata yan." Nagtawanan pa sila lalo dahil sa sagot ko.

"Naku! Jowain mo na! Ang gwapo pa naman kahit mukhang ignorante hahah!" sabi ng lalaking mukhang galing trabaho dahil nakasumbrero at backpack. Nakaputing tshirt at maong shorts din siya. At maitim siya.

Mapakla akong napangiti sa kanila dahil hindi ko alam kung matatawa rin ba ako o maiinis dahil sa sinabi nila. Napatingin ako kay Adrian na tuwang-tuwa habang nakasabit sa jeep.

Ako ang nahihiya para sa kanya. Pero oo nga, ang gwapo niya naman para ikahiya ko. Napailing ako habang nakangiti.

Nagpumulit kasi siyang samahan ko siya lumabas. Gusto niya raw gumala kaso si Em hindi pinapayagan si Earth na sumama sa kanya. Ayaw din naman ni Em na lumabas. Kaya siya na lang ang gumala at inaya ako. Nangako siya kay Earth na bibili na lang siya ng pasalubong para rito. Gusto niya lang daw lumabas kasi hindi siya mahilig pumirmi sa bahay kaya kahit pa may sugat siya ayan at parang walang pake.

"Jai! No'ng isang araw si Lolo Le kasama ko nung sumakay ng jeep! Hindi ako nakasabit! Kaya susulitin ko lang to ha! At kapag uuwi tayo rito ulit ako! Ha!" Pagpapaalam niya habang niyuyuko ako. Nasa gilid lang ako ng jeep kung saan siya nakatayo kaya naririnig ko siya kahit pa mainggay ang paligid.

Hindi ko siya sinagot. Nilingon ko ang mga tao sa jeep na nakangiti at nakatingin kay Adrian. Napansin ko ang babaeng katabi ko na hindi nawala ang pagngisi. Parang umaapaw na ata ang laway niya dahil hindi niya ginagalaw ang panga habang nakatingin kay Adrian.

Nang lingunin ko ang tinititigan niya tiim bagang kong binalikan agad ng tingin ang babae. Napansin niya ako kaya umiwas na siya ng tingin habang parang manyak na mahinang tumatawa.

Paano ba naman nililipad ng hangin ang suot na white t-shirt ni Adrian at umaangat ang laylay nito dahilan para kumaway ang... Punyeta naiinis ako sa isiping may abs siya. Oo at kitang-kita ko rin yon!

Itong ibang babae rin sa loob ng jeep kulang na lang yung mga mata nila ang kusang mag-angat ng damit ni Adrian para malaya silang makita ang gusto nilang makita.

At itong gagong macho na to walang pake, "WOOOHOOOOO!" sigaw niya habang lumiliko ang jeep.

Gusto kong abutin ang laylayan ng tshirt niya na umaangat dahil sa hangin at hawakan ito para matakpan ang... Ang dapat takpan! Wala akong pake kung galing siya sa liberal na bansa at wala lang sa kanya to.

Sumilip muna ako sa labas at tiningnan kung malapit na ba kami sa mall na pupuntahan namin. Pero mukhang malayo pa. Kaya naiinis kong inabot ang laylayan ng t-shirt niya at hinila ito pababa. Lahat ng babaeng nakatingin sa abs ni Adrian ay napatingin sa akin dahil sa ginawa ko. Matalim na ngiti ang binigay ko sa kanila.

Binalik ko ang tingin kay Adrian na nakatingin na pala sa akin. Nginitian niya ako, pilyong ngiti! May saltik. Itulak ko kaya siya ng mabawasan ang saltik sa ulo niya.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now