Action 110: His unexpected decision

57 3 0
                                    


Mister Delvalde's POV

Paulit-ulit kong pinapanood ang slide show ng mga images sa gallery ko. At lahat ng ito, walang nagbago sa hitsura ni Em. Walang nagbago mula unang larawan hanggang dulo. Ganoon at ganoon padin ang kislap ng mga mata niya habang nakatingin sa anak ko.

"Tsk."

Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Ilang beses ko na siyang sinubukang paalisin. Pero ang paninindigan niya may kasamang concern sa anak ko. Hindi ko naman balak ipapatay talaga sila Paejun, alam ko namang kaya niya talagang patayin iyong lima. Ang tanong lang na hinanapan ko ng sagot ay kung gagawin niya ba sa harap ng anak ko.

Aaminin kong ikinagulat at ikinamangha ko ang sagot niya. Ayaw niyang makitang makiusap ang anak ko sa kanya, ayaw itong makitang umiyak. At sa dinamirami ng napatay niya na mga taong matataas, nagiging sunod-sunuran lang siya sa anak ko? Ang killer na yon? Nilulutuan ang anak ko at inaalagaan? Gagawin niya lahat at lulunukin ang kahihiyan para sa anak ko? What the heck is the meaning of that?

Hindi man ako gaanong kumbinsido dahil may pag-aalala parin sa puso ko, pero napakalaking porsyento na ang mga ginawa ni Em para magtiwala ako sa kanya. Sasabayan pa ng anak ko na... Hayst! Jusko hindi ko na alam. Parang hindi lang crush ng anak ko ang hinayupak na 'yon. Nakakaasar. Mukha na akong evil father sa love story nila. Tss... Love story?

Hindi ko pa naman napapatunayan. Oo nga at ang mga titig na ito ni Em ay halatang may kahulugan. Nainlove din naman ako kaya alam ko. Pero kasi... Bakit sa anak ko pa? Hindi ko mapigilan ang hindi magtiwala kay Em. Alam ko naman kasing hindi siya makakabuti sa anak ko.

Kahit anong anggolo tingnan hindi magandang kasama ang taong pumapatay. Lalo na ang tulad ni Em. Galit nga siya sa mundo niya, paano ako makakasigurong hindi madadamay ang anak ko sa galit niya? He is too dangerous for my daughter.

Napatingin ako sa lalaking nagsasampay ng mga nalabhang damit doon sa gitna ng tirik na tirik na sikat ng araw. Gumawa pa siya ng sampayan doon sa mga sanga ng halaman para mas mabilis mainitan ang mga damit. Pangatlong araw na siyang kumikilos sa buong mansyon. At nakakagulat nga na alam niya ang gawaing bahay. Siguro naturuan siya ng mama niya o ng kung sinong kamag-anak... Bago pa nasira ang buhay niya.

Ang pants na suot niya ay nakatiklop hanggang tuhod. Nakatsinelas siya. Nakakulay asul na plain tshirt at walang pandong sa ulo. Ang mukha niyang... Aminin na nating gwapo nga, wala namang ekspresyon. Parang wala lang sa kanya ang ginagawa. Hindi ko alam kung boring ba siya, o walang pake, o sadyang sisiw lang ang ginagawa. Ang pinagawa ko.

Pero ang lahat ng ginawa at ginagawa niya napapanganga ako. Malinis ang buong bahay. Kumikinang ang sahig at wala ang bakas ng alikabok. Pulido ang linis niya. Ang kotse rin ay kumikinang sa kalinisan. Ang buong bakuran ay nalinis din. Walang kalat o dahon. Ang mga halaman naiayos. Nakita ang malawak na kagandahan ng buong lupa sa paligid ng mansyon.

Ang hindi niya lang nagalaw ay ang kwarto ng anak ko at ang barong nila Sandra. Kahit ang gate pinabilhan ko ng bagong pintura at siya ang nagpintura. Hindi rin siya pumapalyang magluto. Imbes na hapunan lang, siya ang laging nagluluto ng pagkain sa umaga, tanghali at gabi. Minsan naisip kong babae ata tong hinayupak na to. Pero kapag maiisip ko ang pangalan niya... Napapangiwi ako sa inis at kaba.

At kinakabahan din akong isipin ang mga kalaban. Pero hindi ko maiiwasan. Hindi ligtas pareho ang anak ko at si Em. Iyon ang katotohanan. Ang binatilyong yan na walang takot na malaman ko kung sino man siya, at ang mahalaga sa kanya ay hindi siya mapalayo sa anak ko. Eh iyon nga ang dahilan kaya gusto ko siyang ilayo. Dahil sa kung sino siya. Pero pagbali-baliktarin man ang mundo. Iisa lang ang kakalabasan.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now