Action 166: His/Her Gift

56 4 0
                                    

Clumsy's POV

"Wow!"

"Pang-ilang wow mo na ba 'yan ha?! Hindi ka ba nagsasawa kaka-wow Earthling?" Halata sa boses ni Iangot ang pagkapikon. Hindi ko na rin mabilang pang-ilang wow ko na yon eh. Sa kada silid na dalhin kami ni Iangot ng mga paa namin napapa-wow ako!

"Hehehe! Hindi ko rin alam. Hindi pa ako nakapunta sa ganitong lugar, ngayon palang. Kasi noong magjujunior prom ako, yung sayaw-sayaw nung junior high school? Ayon basta yon! Hindi ako nakapag-asikaso ng maayos. Si Ulan kasi laging busy. Tapos ako naman hindi ko rin iniintindi. Hahahaha!"

"Haaaay naku! Kaya pala. Bakit hindi mo inintindi? Ayaw mo bang makapunta sa mga ganitong lugar?" Nilibot ni Iangot ang paningin niya sa magarang paligid. Ganoon din ako. Naglalakad kami sa medyo mahaba at napakalinis na hallway. May mga nakakasalubong kaming kakaunting tao na may kanya-kanyang ginagawa at base sa suot nila iba-iba rin ang pupuntahan nila.

"Eeh hindi naman sa ayaw ko. Wala lang siguro sa ganito ang isip ko noon. Saka isa pa busy ako sa pakikipagkwentuhan at tawanan sa mga kaklase ko noon. Iyon ding mga hindi sumama! Hehehe!"

"Ang pasaway mo talaga since birth. Puro ka pa kalokohan!" Natatawa niyang sabi.

"Medyo na lang kaya. Hahahah!"

"Anong medyo ka jan? Oo kaya!"

"Medyo!"

"Oo!"

"Medyo!"

"Oo! Oo! Oo!"

"Med--"

"Ooh!" Napasigaw sa gulat ang babaeng nakabunggo sa akin ng mapaupo ako sa lapag.

"Aasy." Pabulong kong daing.

"Je-jessica!" tawag sa akin ni Iangot sabay lapit. "Jessica kamusta ang pak-pakiramdam mo? Nasaktan ka ba?" Pinagpapawisang tanong ni Iangot sa akin. Inalalayan niya akong tumayo pati ng babaeng nakabunggo sa akin.

"My apology..."

Pareho kami ni Iangot na napatingin sa babae. "A-ah a-apo-apology accented!"

"Accepted 'yon." Bulong sa akin agad ni Iangot.

"Ahehe accepted pala. Apology accepted!" Nakangiti kong sabi. Mahinhin na ngumiti ang babae sa amin. Si Iangot naman hindi makatingin sa kanya. Tiningnan kong maigi ang babae.

Sexy. Nakashorts at bra lang pero nakasuot naman ng roba. Kaso parang sinampay niya lang ang roba sa balikat niya. Pinapakita niya ata kung gaano siya kasexy. At gaano kalaki ang... Okay. Siya na. Ako na wala.

Ang nakasira lang sa hubog ng katawan niya ay ang bandage sa kanang niyang balikat na nakaharap sa amin. Para bang malaki ang sugat na nandoon.

"I am sorry again. Ahm may I asked something?" Mabilis akong tumango. "Where exactly the spa?"

"A-ah spa?" Nilingon ko si Iangot na nakatingin sa malayo. Siniko ko agad siya.

"Aguy! A-ano ba 'yon?"

"Spa raw. Saan daw yung spa?"

"S-spa? Ah spa! Madam, the spa is over there. You go right and then left and you'll see a lady working in here. Ask her at where the spa is..."

Napakunot noo ako sa tono ni Iangot. Una nataranta siya. Tapos dahan-dahang humina ang boses niya. Yung pananalita niya una parang hindi siya. Tapos sa huling pangungusap bumalik ang tunay niyang pananalita.

"A-ah oh. Thank you, sir. I am sorry again Miss... Jessica, right?" Tumaas ang isang kilay ni Ate ng banggitin ang pangalang hindi ko pangalan.

Magsasabi palang ako ng totoo ng hawakan na ni Iangot ang kamay ko. "Tara na, Jessica-babe."

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now