Mister Delvalde's POV"Make sure she will not see you and she will not ask."
"Yes, boss."
Tumalima ang isa sa lalaking isasama ko pabalik sa Korea. Pinadala ko sa kanya ang bag ko palabas para ilagay sa kotse.
Kailangan ko ng umalis pagkatapos ng hatinggabi. Tapos na ang palugit ko sa sarili... Kailangan ko munang iligtas si Ji Kim. Hindi ako matatahimik hangga't hindi siya ligtas.
Isasama ko ang dalawa sa mga kalalakihang pinadala ko. Iiwan ko si Paejun, at sila Haeja at Hyunji. Kailangan maging handa. Nagkasundo na kami ni Em at pumayag siyang iiwan ko ang tatlo. Para narin mabantayan sila Sandra.
Hindi ko gustong may mapahamak sa kanila. Sana... Sana ay manatili silang ligtas. Sana ay ayos lang din si Ji Kim. Kaya ko mang lumaban, alam kong hindi iyon sapat para protektahan sila. Kaya nga ako lumayo sa anak ko. Duwag ako. Pero iyon ang tamang gawin na naiisip ko. Ang lumayo para walang gulo. Kung ako ang sinusundan ng gulo, lalayo ako. Lalayo ako sa mga taong gusto kong protektahan.
Bumuntong hininga ako saka lumabas ng kwarto. Wala na iyong inutusan ko at mukhang nakalabas na. Nagtutulungan sila Paejun para ilabas ang mga gamit at pagkain.
Sa malawak na harapan ng mansyon namin napiling kumain at salubungin ang bagong taon. Sa pagsapit ng bagong taon din... Lalayo nanaman ako sa anak ko.
"What the fuck are you doing?" Nakita ko si Em habang nakasandal sa pintuan ng kwarto ni Earth.
Hindi ko narinig ang sagot ng anak ko pero agad ding umiwas si Em at dahan-dahang pumihit patalikod sa kwarto ng anak ko. Sinara niya ang pinto at saglit lang akong tiningnan at nagmamadaling bumaba ng hagdan.
'Ang lalaking 'yon... Namumula ang mukha.'
Napailing ako saka sumunod sa kanya. Sumilip ako sa kusina at nandoon siya habang inaayos ang mga pagkain at para ilabas. Kumuha rin ako ng putahe at tumulong. Sinadya kong sumabay sa kanya sa paglalakad palabas.
Naiilang niya akong iniiwasan ng tingin, "Bakit ka nasa kwarto ng anak ko?" Kaswal na tanong ko.
Iniwasan niya ako ng tingin, "J-just c-checking her."
Tumango ako, "Baka mapraning ka."
"What are you saying!? I thought we are okay and—."
"Hahahaha! Chillax ka lang hahahah! Ang defensive masyado nito. Binibiro ka lang. Joke lang Em, okay? Joke!" Natatawa kong sabi.
Umiling siya at bumulong, "You are like your daughter."
Nauna siyang naglakad dahil humagalpak na ako kakatawa.
"Hahahahahahah! Syempre naman hahahahahahah!" Tumatawa akong sumunod sa kanya. At ang hitsura niya ni hindi man lang natatawa. Poker face.
Natigil ako kakatawa paglapag ko ng mga pagkain. Nginitian ako ni Sandra habang hawak si Sandwich na malikot. Bumabalik na ang lalaking inutusan ko sa paglagay ng bag ko sa kotse. Niyaya siya ng isa pang-aalis para kumain at sabay silang kumain kakwentuhan iyong tatlo pa.
Nakalatag ang apat na kumot sa sahig ng mga maliliit na damo. Sa isang kumot mayroong mga pagkain at nandito si Em at nilapag ko rin dito ang mga dala ko. Iyong lima nasa kumot na nasa tabi ng mga pagkain.
Tumayo ako at lumapit kay Sandra at Sandwich na nasa isa pang kumot. Si Em naman inasikaso ang iniihaw sa gilid. May mga jag din ng tubig sa gilid. At nasa di kalayuan ang mga paputok na binili namin.
"Mag-iingat ho kayo, Sir." Panimula ni Sandra pag-upo ko malapit sa kanya.
Tumango ako at nakangiting lumapit sa akin bigla si Sandwich. Napangisi ako sa pagyapak ng bata sa akin.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...