Clumsy's POV
Sabi ni Paping pupunta siya sa North Wing Parking lot kasi may kaibigan siyang kikitain. Kaya iniwan niya ako saglit sa Tom's World. Tapos bigla akong nilapitan nila Ateng! Nagulat ako kasi iyong suot nila yung suot nung mga babaeng may kasamang nakakatawang lalaki sa Jollibee kanina hahahahah! Sila pala yon! At sabi ni Jai si Pating daw yung lalaki hahahaha! Hindi ko na natanong kung bakit ganun kumain si Pating dahil hindi nila nasagot ang una kong tanong kung bakit sila nasa mall at sinusundan kami. Sabi ni Ate Kird sinusundan nila kami eh. Pero bakit? Hindi ba talaga bukal sa loob ni Pating na pasamahin ako kay Paping? Talaga yon eh!
Sandali lang kaming nagkwentuhan nila Ateng, nakakatuwang makasama sila. Kaso naiisip ko kung nasaan na si Paping eh. Saka si Pating din. Bigla raw silang iniwan. Aba talaga naman! Baka may dinadate ng iba yung shark na yon!? Papakain ko talaga siya sa daddy shark!
Nagistambay kaming lima sa harap ng Tom's world habang inaantay si Paping. Tapos ako lang yung nagdadaldal kasi sila parang ayaw magsalita. Kaya tuwing tumatahimik sila naiisip ko si Paping at Pating kung nasaan na? Hindi na ako mapakali kanina pa eh. Kaya inaya ko na silang pumunta sa parking lot. Nagdalawang isip silang apat pero napilit ko rin agad.
Iyon nga lang... Pagdating namin sa Parking lot nakakarinig kami ng pag-aaway. Kaya hinila ako nila Ateng na magtago sa gilid ng kotse. Hindi namin sinasadyang marinig ang mga pinag-uusapan nila.
"Protecting an evil!?"
Pero ang mas pilit kong iniintindi ay ang mga sinasabi ni Paping. Nagtitinginan sila Jai at Ate Maecy. Napapahawak sa bibig si Jai sa gulat. Naguguluhan kami... Naguguluhan ako.
"Poor men. You're protecting Earth? That mastermind!? She is the leader of that highest organization! These Cosa Nostras you told me are aiming to get Earth and kill her! Because we are together with Austeres! And we want that highest organization to crash down! But you simpletons are getting in our way!"
'Mastermind? Ano yon? Leader ganoon? Ako? Nang ano? Papatayin ako? Kaya ba ako gustong patayin kasi leader ako? Kaya ba may humahabol sa amin ni Pating? Pero... Teka. Teka. Teka! Hindi ko maintindihan!'
"It's not who, Mister Em. It's what?"
"Why are you asking me? Diba wala kang pake? Wala kang pake sa mga tao sa paligid mo, Em! Sino bang niligtas mo ng mga oras na yon? Hindi ba't si Earth? Hanggang ngayon ba si Earth pa rin? Have you ever tried to look back during that time!? HA!? HAVE YOU EVER TRIED AND REGRET FOR DOING NOTHING FOR HER!? FOR RAINNE! FUCK YOU!"
'Revenge... Diba... Iyon din ang ginagawa ni Pating para sa mga magulang niya? Pumapatay si Pating para sa namatay niyang mga magulang. At si Paping... Papatayin niya ako para ipaghiganti si Ulan?'
Dahan-dahang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang gulo ng naririnig ko. Hinawakan ako ng mahigpit ni Ate Kurd. Nilapitan nila ako. Napakapit ako kay Ate Maecy na nasa gilid ko. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Hindi ko mapasok lahat sa isip ko.
"She... My Rainne turn her back at me! I am wounded! I need her! I need her to carry me out of that ship! But she didn't help me! She ignored me! And I understand her... I do... I understand her going back inside and pulled her cousin away. But... b-but... But..." He started to mess his hair and cry aloud. "BUT I DIDN'T UNDERSTAND WHY DO SHE NEEDS TO DO THAT!? WHY EM!? WHY!!?? Why... Why do you... all of you needs to save that criminal!"
'Ako... Ako yung niligtas ni Ulan eh! Kriminal ako!? Paping... Paping wala akong ginagawa ah... Anong sinasabi niya? Si Paping ko ba yon? Si Paping ko ba yon!?'
Pinilit kong kumawala kay Ate Kurd para patigilin na sila pero hinawakan nila akong apat. Kinakagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang luhang hindi ko na kayang kontrolin pa. Humahagulgol ako sa bawat pagdaing ng sapakan na naririnig namin kasabay nun ay ang mga akusasyon ni Paping na hindi ko gustong intindihin.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...