Clumsy's POV
Mukha ni Pating ang nakita ko pagkadilat ko palang. Kaya masarap gumising eh! Eeeeyyyyiiiieee! Iba talaga kapag gwapo. Lakas ng epekto! Pero kapag gising nagiging empakto na.
Yakap niya ako habang nahilik siya. Kailangan ko munang magtimpla ng kape para kay Pating. Dahan-dahan kong inangat ang kamay niya at nauna na akong tumayo. Tahimik akong bumaba ng hagdan.
Nadatnan ko sa kusina si Ate Sandra. "Goodmorning Earth!"
"Oy! Goodmorning, Ate Sandra. Naunahan niyo po ako ah heheh! Tulog pa po si Sandwich?"
"Ah oo eh. Kaya ako tumayo kasi tulog pa siya. Nalalate lang ako kapag nagigising siya at umiiyak. Si Em pala? Nagpuyat kagabi nuh?"
"May binabasa po siya kagabi eh kaya late natulog. Gagawan ko nga po ng kape heheh!"
"Aah sige sige. Ikaw rin mag-umagahan ka na. Nakaluto na ako. Naggrocery sila Ares kagabi kaya may biscuits na jan at tinapay."
"Ohh! Yeey! Heheh sige sige po... Ahy Ate Sandra may naalala lang po ako." Paderetso na sana ako sa mga biscuits ng lingunin ko ulit siya na nasa harap ng niluluto niyang itlog.
"Ano 'yon?"
"Ang papa niyo po? Si Pape? Huling natatandaan ko po sabi ni Pating umalis sila kasama yung dalawang kasama nila Kuya Paejundog. Bakit po hindi pa sila bumabalik? Dahil po ba andito na ako sa sinasabi niyang bahay ko na binabantayan niya? Eh bakit po iniwan niya kayo? Hindi ko naman po kayo pinapaalis. Nagtataka lang. Saka medyo namimiss ko rin po si Pape heheh!"
Napanganga si Ate Sandra at nagtaka ako. May nakakagulat ba sa sinabi ko? Nagtanong lang ako kasi bigla kong naisip.
"A-ah... B-binilin ka niya sa akin actually. Gusto niya paring bantayan ko ang bahay kasama ka. Pero kung gusto mo na talagang kunin ang bahay ayos lang naman. U-umalis nga siya at hindi ko rin alam kung kailan babalik eh. At Earth, Paejun lang walang dog." Medyo nahihiya niyang sabi.
"Aah heheh okay po... "
'Si Pating sabi may dog daw.' Napanguso ako at napakamot sa ulo. Nilingon ko si Ate Sandra. "Ay ate hindi ko po kukunin! Ayos lang po na sama-sama tayo rito. Malaki naman po ang tiwala ko sainyo. Sana po umuwi na si Pape. Kapag po kinamusta kayo sa tawag pakausap niyo rin po sa akin ha."
"O-oo naman. Namimiss ka na rin ni Papa..."
"Sana nga po heheh! Nagkape na po kayo Ate Sandra? Gawan ko po kayo? Masarap daw ako magtimpla sabi ni Pating."
"Oo ba! Gusto kong tikman."
Naeexcite akong gumawa ng dalawang kape. At gatas ang akin. Nang matapos ako sabay kami ni Ate Sandra na umiinom at kumain ng tinapay. Kanin na lang ang inaantay namin.
Nangangalahati na ang gatas ko at nalamig na ang kape na tinimpla ko kay Pating pero hindi parin siya gising. Puyat na puyat ah!
"Mama!!!"
Napalingon kami sa pinto ng kusina. Imbes na si Sandwich ang makita namin si Pating ang natatarantang pumasok. Kasunod pala si Sandwich na umiiyak at tinutulak siya.
"Oh baby Sandy halika. Kakain na." Umiiyak si Sandwich na kinalong ni Ate Sandra.
"Goodmorning Sandwich!" Binati ko siya pero dinedma lang ako. Tiningala ko si Pating na nakatingin sa akin saka nilingon ang tinimpla kong kape at platito ng tinapay. "Para sayo." Nakangiti kong inurong ang pagkain.
Umupo siya sa upuan saka uminom ng kape. "Salamat."
Tahimik lang kaming nakain at naluto na rin ang kanin kaya nauna na kaming mag-umagahan. Pero saglit lang ay bumaba na rin si Iangot at sila Ateng ay sumali na rin.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...