Pating's POV
"Pating, malayo pa ba tayo?" Nakangiting tanong ni Clumsy habang nakatingin sa akin.
Yes, she's back already.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Pag-uwi niya sa bahay kanina galing kanila Ian bigla na lang siyang namansin. Bigla na siyang bumalik sa siya mismo.
"Pating?"
"A-ah y-yeah. Ah m-malapit na," sagot ko at nagpokus sa pagdridrive.
Umayos siya ng upo saka tumango. Nagpatugtog siya ng paborito niyang kanta gamit ang cellphone niya. At sinabayan pa iyon. Mahina siyang kumakanta habang sinusulyapan ko.
'What happened to her? Anong ginawa niya sa bahay ni Ian? Bakit nawala ang hiya na nararamdaman niya? Bakit parang... Okay na siya. Ah, this is good. But... I can't stop wondering at what happened?
Wait.. No... Hindi niya naman siguro sinabi kay Ian ang nangyari kagabi? The hell I care! Halik lang 'yon! Bakit ba big deal sa akin kung ikwento niya? Ah Fuck! Hindi niya parin dapat ikwento. At ayokong malaman ni Ian at kung ano-ano pang iisipin niya. Dapat sa amin lang 'yon! Shit, please. Sana hindi niya kwenento.'
Tiningnan ko siya at sumasayaw na siya ngayon sa kanta.
"Clumsy," tawag ko. Agad naman siyang lumingon at tinigil ang kanta.
"Bakit, Pating?"
"What did you do with Ian? Anong ginawa mo no'ng nandoon ka sa bahay niya?" Kaswal kong tanong.
Ngumiti siya, "Hehehe! Pagpunta ko roon andoon sila ate Kurd, kuya Art, Jai at ate Maecy."
'Holy shit! No! No. No. Hindi niya kwenento. Please please please no. No.'
"A-and then?"
"Then? Nagkwentuhan lang kami. Nagmemeeting daw sila para ischedule 'yong training ni Kuya Art, ate Maecy at Jai. Tuturuan sila ni Adrian at Ate Kurd ng self defense. Ang astig nga eh! Niyaya ako ni ate Maecy tapos tinanong kung tinuturuan mo na ako. Pero sabi ko ayaw mo. 'Di ba ayaw mo?" Nakanguso niyang tanong.
Tumango ako, "Yeah. Always no... Wala na? 'Yon lang ang ginawa niyo? Nagkwentuhan?"
Tumango siya, "Ohm. Kinwentuhan nila ako at kinuwentuhan ko sila."
Humigpit ang hawak ko sa manibela.
"W-what did you tell them?" Puno ng pagtataka kong tanong.
"Sinabi kong kagabi pag-uwi nila naglinis ka ng bahay tapos tabi tayong natulog." Kaswal niyang sabi.
"S-sinabi mo sa kanila 'yon? Anong sabi nila?" Natataranta kong tanong.
"Mabuti. Para safe ako lagi." Ngumiti siya.
"Y-yon lang. 'Yon lang 'yong sinabi mo, tama?"
"Sinabi ko ring aalis tayo ngayon. Tapos tawag na lang daw ako sa kanila kapag may kailangan ako." Nag-iisip niyang sabi.
"'Yon na 'yon, 'di ba?"
"Ohm. May kailangan ba akong sabihin sa kanila?" Taka niyang tanong.
"W-what? Wala! You keep your mouth shut. Bawasan mo 'yang kadaldalan mo," utos ko.
Zinipper niya ang bibig, "Okay. Sabi mo eh."
Sinulyapan ko siya at tumingin siya sa labas ng bintana. Sabay bulong.
"Are you saying something?"
Mabilis siyang umiling. Hindi ko maiwasang magduda sa kanya. Magduda na may tinatago siya. Aargh! Bakit ba pakiramdam ko kinuwento niya talaga? And why the hell I am affected to it, if she really told it to them?
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...