Action 106: Sleeping Pating

97 2 0
                                    





Clumsy's POV

Hinahanap ko si Pating sa buong bahay kasi hindi siya nag-umagahan at no'ng nakausap ko siya ng tanghalian hindi rin siya dumeretso sa kusina para kumain. Ewan ko doon. Nagdadiet ata.

Gabi na at nasa kwarto na sila Ate Sandra at Sandwich. Iyong limang lalaking grabe makalamon tulog na rin doon sa bahay nila sa may gate malapit. Si Pape rin nasa kwarto na niya. Ako heheh nakadungaw sa second floor hinahanap ang baby shark ko. Baby shark?! Tutururut!

May limang kwarto ang second floor. At sa gitna ang akin na
may balkonahe. Malaki! Maganda! Nakakarich kid. Pero alam kong ngayon lang 'to, baka umuwi rin kami ni Pating. Siguro pagkatapos ng new year.

Hindi dama ang pasko rito. Walang design. Hmm... Sabihan ko kaya si Pating at hingian ko ng pera? Tama! Para may pangdecor kami. Saan na ba 'yon?

Bumaba ako ng hagdan. Malawak ang sala tapos may dalawang kwarto sa gitna ng kusina. Sa gilid ng kusina ang kainan. Ang daming kwarto! Nakakahilo. Baka may mumu ritoooo!

"Hrrrrkkk..."

Pamilyar 'yong mahinang hilik na 'yon ah? Hmm... Kay Pating 'yon galing!

Nakatingkayad akong naglalakad palapit doon sa pinangagagalingan ng hilik. Dinala ako ng hilik sa mahabang sofa na nakatalikod sa akin.

'Huli ka Pating.'

Mula sa likod ng sofa nagtago ako. Tapos dahan-dahan kong inangat ang ulo. Lumalakas ang hilik tanda na malapit na ako sa gwapong nagmamay-ari. Tiningnan ko ang paligid.

'Clear!' sinisigaw 'yan ng mga astig na pulis o agent. Saka ng mga astig na doctor. Ang galing 'di ba?! Syempre pati ako sinisigaw ko 'yan.

"Cle—!" Mabilis akong tumayo para gulatin si Pating na nasa sofa dahil wala ngang tao sa paligid. Pero natigil ako ng makita siya.

Kinagat ko ang itaas na labi at kumapit sa sandalan ng sofa saka pinadyak ang kanang paa. Kinikilig lang naman ako. Hindi ako nagbabike nuh, hindi ako marunong no'n.

"Hrrrkk..."

"Ang gwapo mo," bulong ko saka ko pinatong ang baba sa sandalan ng sofa at mas tiningnan si Pating na nakapikit at tulog. Nakalingon ang mukha niya sa akin, ang kanang kamay nasa tiyan at ang isa naman nasa gilid ng mukha.

"Parang pagod ka ah. Nakatulog ka ba kahapon? Ako kasi nakatulog ng mahimbing hanggang sa marinig ko kayong nagsasapakan ni Pape. Sana ayos ka lang."

Nginitian ko siya at tinitigan. Hindi natigil ang paghilik niya.

"Bukas na lang ako manghihingi ng pera sa'yo. Pahinga ka na lang. Sana kumain ka na. Ahy... Teka, sleep ka lang dyan. Kuhaan kita ng kumot. Babalik ako, sleeping Pating."

Tumakbo akong umakyat sa itaas saka pumasok sa kwarto ko. Hindi ko rin alam kung bakit kumpleto ang kwarto ko at maganda. May design pa at maraming laman. Eh hindi ko naman na kailangan halos lahat. Hindi ako mahilig sa gamit. Pero ayos lang atleast meron.

Kumuha ako ng pink na kumot sa aparador at binitbit iyon sa labas. Malakas kong nasara ang pinto pero mukha namang walang nagising kaya binalewala ko na lang.

Tumakbo ako pabalik kay Pating. Pagbaba ko ng hagdan natisod pa ako sa dulo ng kumot na nakalaylay pero hindi ko na pinansin at tumayo ako agad. Masamang kumot!

Ganoon parin ang hitsura ni Pating. Umikot ako sa harap ng sofa saka binuka ang kumot at kinumutan si Pating na hindi man lang gumalaw.

"Tulog na tulog," bulong ko habang bumabalik ako sa puwesto ko kanina at pinatong ko ulit ang baba. Mas okay dito kasi nakalingon si Pating sa akin. Kahit nakapikit hehehe!

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now