Action 114: Mister Loving and Mister Dangerous

50 2 0
                                    



Art's POV

Sumilip ako sa kwarto ni Lola Arlyn at nakita ko siyang nakaupo sa kama habang hawak ang isang picture frame. Napabuntong hininga ako ng mapansin ang paghikbi niya.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa saka tinawagan ang number ni Kuya. Pero dalawang ring lang ay pinatayan na ako. Sunod ay tinawagan ko ang pangalawa sa aming magkakapatid na ate ko. Pero busy ang linya. Tinawagan ko rin ang pangatlo kong kapatid na babae, pero hindi rin siya sumasagot. Bumagsak ang mga balikat ko. Kumuha ako ng lakas ng loob.

At hindi ako nag-alinlangang pumasok sa loob at dahan-dahang ko ring sinara ang pinto. Nararamdaman ko ang mga tingin ni Lola kaya nang lingunin ko siya nagtama ang mga mata namin.

Ngumiti siya sa akin saka pinunasan ang mga luha niya. Tipid akong ngumiti sa kanya. Kaya tinapik niya ang tabi niya, senyas na umupo ako roon. Agad akong sumunod at naglakad palapit kay Lola.

Pag-upo ko pinakita niya sa akin ang hawak niyang frame. Syempre, ito ang pinakapaborito niyang picture nila ni Mama. Si Mama lang ang nag-iisang anak ni Lola. At ngayon, apat kaming magkakapatid na naiwang pamilya ni Lola. Pero... Iyong mga ate at kuya ko may mga pamilya na at malayo rito sa Maynila. Hindi ko naman sila masisisi kung hindi nila laging mapuntahan si Lola. Tutal may kanya-kanya na silang buhay at pinagkakaabalahan.

Hindi ko gustong makita si Lola na nalulungkot. Hindi ko alam kung paano siya pasayahin. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang nararamdaman niya. Ayokong papasok ang bagong taon ng ganito siya. Kung pwede ko lang papuntahin ang mga kapatid ko, ginawa ko na.

"Miss ko na mama mo, apo." Malungkot na ani Lola habang nakatingin sa litrato.

"Ako rin po... Pero, La? Huwag na po kayong malungkot oh. Alam ko pong anjan lang si Mama at hindi tayo iniiwan." Sinubukan kong pagaanin ang nararamdaman niya.

Pero tiningnan ako ni Lola saka dahan-dahang tumulo ang luha niya.

"Salamat, apo. Huwag mong isipin na hindi ka sapat para sa akin ha, pero gustong-gusto kong makita rin ang mga kapatid mo. Kayo... Gusto kong makasama kayo, Art apo." Humihikbing sabi ni Lola.

Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak, "Pasensiya na po kayo Lola... Kung hindi ko magawa ang gusto niyo. Pero po lagi kong susubukang kontakin sila Ate at Kuya."

Lumapit sa akin si Lola at sumandal sa balikat ko. Inakbayan ko siya.

"Intindihin na lang natin na busy sila..." Malumanay na sabi ni Lola.

"Pero po mali naman na hindi nila kayo binibisita kahit minsan. Gusto ko rin pong magsama-sama tayo. Alam ko pong nalulungkot kayo La. At ayoko po nun. Kung kaya ko lang gawin lahat para mapasaya po kita, gagawin ko. Malakas po kaya kayo sa akin." Ngumiti ako at tiningnan si Lola.

Nakangiti niyang pinupunasan ang luha niya, "Maraming salamat sa Panginoon, kasi naging Apo ko, ang Arturo na ito." Niyakap ako ni Lola ng patagilid.

Pakiramdam ko may nagawa ako para sa kanya kahit alam kong wala naman. Pakiramdam ko ang mga yakap niya ay lubos na nagpapasalamat, at tinatanong ko kung saan. Niyakap ko rin si Lola ng patagilid.

"La, masaya ka po ba?" tanong ko habang sinisiksik siya sa leeg ko.

"Oo naman apo ko. Kasi andito ka. Kasi apo ko si Arturo." Malambing niyang sagot.

"Pero wala pa naman po akong nagagawa para sa inyo eh. Hindi ko nga po magawang papuntahin ang mga kapatid ko." Pinigilan ko ang luha habang yakap siya at nagsasalita.

"Apo... Hindi mo lang nakikita o hindi mo alam, pero lahat ng ginagawa mo para kay Lola? Lahat nandito," tinuro niya ang dibdib niya kung nasaan ang puso. "Bawat maliit na bagay sa nagdaang mga taon. Lahat ng ginagawa mo apo... Pinagpapasalamat ni Lola." Nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang hindi kay Lola nakatingin.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now