Jai's POVPagpasok sa bahay ni Lolo Le lahat sila napatingin sa amin. Pero kami ni Art ang nagulat sa nakita.
Nasa sala ang marami sa kanila puwera kay Tito Golib na kumakain ng spaghetti at nakaupo sa hagdan.
Nasa mahabang sofa sina Ate Kurd, Maecy, at Daniel. Sa dalawang pang-isahang sofa nandoon si Adrian at Tito Frieg. Sakto pagpasok namin lumabas si Lolo Le sa kusina na may dalang bag ng mga pagkain at tinabi sa mga bag na nasa gilid ng pinto. Nakanganga kami pareho ni Art matapos ilibot ang paningin.
'Bakit andito lahat? Si sir Gigs na lang ang kulang.'
"Pinapunta namin kayo para magpabuhat ng mga bag na 'yan." Natatawang bati ni Tito Golib sabay punas sa bibig ng naiwang sauce.
Nakita ko pa si Tito Frieg na sumenyas kay Tito Golib na may natira pang sauce. Narinig kong tumawa sila Ate Kurd at Ate Maecy.
"A-anong ginagawa ng lahat dito?" Unang tanong ni Art habang nauunang pumasok.
"Happy New Year!" bati ni Ate Kurd. Pero wala ng sumunod na bumati at lahat seryoso. One word, intimidating.
Naiilang akong lumapit kay Adrian na may tuwalya ang balikat, "Hoy."
Tiningnan niya ako ng naglalambing bago ako hilain paupo sa arm rest ng sofa at yakapin patagilid.
Naririnig ko na halos ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Inilapit ko pa ang sarili at marahang ginantihan ang yakap niya.
'Nasaktan ba siya? May nanakit din ba sa kanya?'
"A-ayos ka lang?" Nauutal kong tanong at tumango lang siya pero hindi bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Hindi ko alam kung natatakot ba siya o ano? Hindi ko alam kung bakit niya ako niyayakap. Pero kailangan bang may dahilan pa? Hinawakan ko ang balikat niya at marahan itong pinisil.
"Tiyansing lang 'yan si Adrian. Ayos naman 'yan eh." Sabay lamon ng spaghetti na sabi ni Tito Golib.
Nagtawanan sila. Habang pinipigilan ko ang tawa ko. Umayos ng upo si Adrian at tinanggal ang tulwaya sa balikat saka ginawang bola at hinagis kay Tito Golib na hindi pumalya sa pagsalo.
"Nice pass." Pang-aasar pa ni Tito Golib.
"Can I treat you not my 'Tito'?" Natatawang tanong ni Adrian. Napanganga ako sa biglaan niyang pag-english. Biglang nagbago ang accent niya. At kung hindi ako nagkakamali, may pagkabritish accent yon. Okay, just wow.
"Go on brother." Kinindatan siya ni Tito Golib. Mas nagtawanan sila. Umiiling pa si Tito Frieg habang tumatawa.
Natigil kami sa pagtawa ng bumalik na naman si Lolo Le galing kusina na may dalang bag.
"Alam niyo ang sasama niyo! Hindi niyo tinutulungan yung matanda!" Sigaw ni Tito Golib. Na dahilan nanaman ng pagtawa ng lahat. Masama ang tingin ni Lolo Le sa kanya ng mailapag ni Lolo Le ang mga dala.
Sa kalagitnaan ng pagtawa ng lahat nagsalita si Art na nakaupo rin sa arm rest sa gilid ni Ate Kurd, "'Di ba matanda ka na rin? Kaya ka nga namin Tito diba?"
"Hahahahahah!" Mas lumakas pa ang tawanan. Iyon bang nagsama-sama ang malalaking tawa galing sa mga kalalakihan at ang mga tawa ng kababaihan. Ang sarap lang pakinggan. Pati si Lolo Le tumawa na at nginitian si Tito Golib. Ngiting nang-aasar. Nakipag-apir si Ate Kurd kay Art.
"Let's proceed to the real topic. Tama na usapan tungkol sa edad." Seryosong sabi ni Tito Golib sabay tayo.
"We still have time actually. Pwede pa naman po nating pag-usapan, Tito." Nakangiti at nang-aasar ding sabi ni Ate Maecy.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...