Clumsy's POV
Tinititigan kong maigi si Ate Sandra habang nakangiti siya sa harap ng flower vase na nasa gilid ng pinto ng kwarto nila ni Sandwich.
'Kalma ka, Earth. Smileeeee! Magtatanong ka lang naman. Wala kang gagawing masama. At kahit ano pang sagot ni Ate Sandra dapat nakangiti ka parin. Okay!? Okay...'
Nakangiti akong naglakad palapit sa kanya.
"Hmmmhmmm..." Nakangiti siyang nagdidilig at inaayos ang mga bulaklak. Napakamot ako sa ulo. Wala akong maisip na palusot kaya deretso na akong magtatanong. Ano naman kung magmukha akong nagseselos? Totoo naman.
"Ahm ate Sandra?"
"Oh hi Earth! Hindi ka ata nanonood sa kanila?" Nilingon ni Ate Sandra ang practice nila Iangot kung saan ako lagi nanonood.
"Ah hehe may itatanong lang po sana ako."
"Oh... Ahm ano 'yon?" Nagtataka niyang tanong. Nginuso ko ang nag-iisang pulang rosas sa puro pink na rosas na bulaklak sa vase.
"Binigyan po kayo niyan ni Pating?"
Nilingon niya iyon saka ako nakangiting tiningnan ulit. Tumango siya. "Hmhm."
"Aaahh..." Napatango ako. Ngumiti ako... Nang pilit. "Hehe okay po... 'Yon lang. Alis na po ako..." Napayuko ako habang tumatalikod.
Sandamakmak na na mga isipin ang pumasok bigla sa utak ko. Nasakit nanaman ang ulo ko. Sabayan pa ng pagkirot ng dibdib ko... Parang tinutusok ang puso ko sa nalaman. Kaya ayokong umintindi eh. Umintindi ng nakakalungkot na mga bagay.
Eh ano naman kung binigyan siya ni Pating? Dapat maging masaya ako... Magkakaroon na ng papa si Sandwich. Pft.
"Ah Earth?"
Ilang hakbang na ang nagagawa ko nang tawagin ako ni Ate Sandra. Nakangiti ko siyang nilingon. "P-po?"
Nakangiti niya akong nilapitan. "Gusto mo ba 'yong rosas? Binigay ni Em 'yan kagabi no'ng nakita mo kami, para sana ilagay sa vase. Pero hindi naman talaga 'yan para sa akin. Gusto mo ba?"
'Binabawi ko na lahat ng iniisip ko kanina!!!'
Nakanganga kong hinarap si Ate Sandra saka ko ulit tiningnan ang rosas. "A-ah akala ko po binigay niya talaga?"
"Nagpresinta lang akong ilagay sa vase. Kasama yan nung chocolates na binigay niya kay Sandwich para matulog na si Sandwich kagabi. Hinahanap ka kasi ni Sandwich eh."
"A-ah o-okay po. Ahy ibig ko pong sabihin hindi ko na po kukunin. Dyan na lang po heheh! Salamat Ate Sandra!" Nakangiti ko siyang niyakap. "Puntahan ko lang po si Sandwich."
"O-okay. Sige." Nagtataka niyang sabi.
Nakangiti akong naglakad palapit kay Sandwich na naglalaro sa sala.
'OA mo talaga, Earth! Hindi naman pala para kay Ate Sandra! Shunga shunga eh! Huwag mo ng uulitin ang magduda! Nakuuu mapapahiya ka!'
Hindi naalis ang ngiti ko habang lumilipad ang iniisip ko. Hindi ko napansin ang laruang sasakyan ni Sandwich na nasa daraanan ko. Natapakan ko ang dulong bahagi ng sasakyan. Sinubukan kong bumalanse pero huli na. "Woaaaahh!"
"Araaay!" Dumadaing akong napahiga sa sahig.
"Earth! Earth ayos ka lang?!" Kinakabahan akong nilapitan ni Ate Sandra. Napako ang tingin ko kay Pating na nasa second floor at masama ang tingin sa akin. Sabay iling.
Nagpatulong ako kay Ate Sandra na tumayo. "A-ayos lang po ako."
"Ate sinira mo car ko." Inangat ni Sandwich ang kotseng nasira.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...