Maecy's POV"Tubig na lang sa akin, Inigo."
"Okay, ma'am." Inigo smile and nod.
Umayos ako ng upo sa mataas na wooden chair sa gilid ng counter. Kumirot ng bahagya ang sugat ko pero agad din namang nawala. I know it's normal dahil naghihilom na.
It's been almost two weeks after that encounter happened. Nauna akong lumabas ng hospital dahil hindi naman gaanong malala ang pagbaril sa akin kumpara kanila Earth at Tito Frieg. Two weeks are peaceful but with our physical pain. But maybe that's way better kaysa sa makaramdam ng takot gaya roon sa labanan. Sometimes pain is just an aftershock. Kasi mas malala ang nauna rito, and that is fear. Sa loob ng two weeks sa hospital ang dami kong narealize. Idagdag pa ang mga taong bumisita sa akin. Their words enlightened me. And I am happy, I am totally fine.
We actually meet Tito Frieg's family last week. Her wife is so sweet and caring. Kinurot nga nito sa tagiliran si Tito Frieg ng sabihin niya sa asawa na huwag magkwento kahit kanino lalo na sa mga katrabaho nito na nabaril siya. Ayaw niya nga kasing malaman sa trabaho niya may iba pa siyang trinatrabaho. Her wife just smile and mock him. Ang sweet nito kay Tito Frieg, hindi ito nagover react ng makita si Tito Frieg sa hospital bed na para bang saya na siya. Dinaan niya na lang sa pagiging caring sa asawa. That man is nice and cool. Idol din nga siya ng dalawa niyang anak na lalaki, nasa edad 15 at 18 ang mga ito. Kamukha niya ang mga bata na iyon at parehong astigin ang hitsura. At mga gwapo.
Naaalala ko ang hitsura ni Tito Frieg kahapon, dahil kahapon lang din siya nakalabas sa hospital. His family fetched him. At lahat silang pamilya bago umuwi binisita si Earth, which happened na kami ni Daniel ang nagbabantay kay Earth.
He looks so happy and contented with his family. And he is so brave that he can do that dangerous work despite of having his family. They really has that strong foundation. Plus the fact that his wife, is so understanding and trustworthy. Pareho pala silang swerte sa isa't-isa. They are amazing. And I really admire his family.
Kung anong klaseng gang man siya noon o kahit gaano na karami ang napatay niya, at kahit ilang beses na siyang gumawa ng krimen, I know obviously na lahat yon pinagsisisihan na ni Tito Frieg. Some might say that he didn't deserve his nice family now but for me? Maybe his married life is the way of God to say that, 'Son, it's time to change.'
And I believe that every criminals and other bad people always has a second chance from God. After all that's your life given by Him not by some judgemental people.
When I fullfill my dreams at criminology, I'll bring this experience. These trusted people around me and their amazing life stories.
"Ma'am, ito po ang tubig niyo." Inigo handed me the bottle of water. Nginitian ko siya saka ako uminom. "Ma'am, sabi ko na eh. Yung kasama niyo po nila Padrone kamukhang-kamukha ni Boss Michel."
Lumapad ang ngiti ko matapos uminom, "Ahy oo, Inigo. Eh kasi nung una hindi naman namin nakita ang boss mo. Actually hindi sila masyadong magkamukha ngayon. Pero nung pinakita ni Michel sa amin yung naitabi niyang baby pic nila? Nagulat din ako. May hawig nga! Nakwento sa akin ni Daniel na may fraternal twin siya, alam mo ba malungkot niyang kinukwento sa akin yon noon. Kasi ayaw niyang isipin na isa ng gang ang kambal niya, na hinuha nilang mag-ina. Pero nakakatuwang nagkausap na sila sa hospital. Ay kung nando'n ka sa loob ng kwarto ko! Maiiyak ka!"
"Eh ma'am ayaw akong papasukin ni boss. Naiwan ako sa labas ng kwarto mo nun. Pero ayos lang po 'yon. Ilang beses ko na rin pong nahuli si boss na umiiyak dahil miss na niya ang pamilya niya. Pakanta-kanta lang yon pero deep inside, sawa na siya sa meron siya. Mukha siyang laging may kulang. At alam mo maam? Yung time na nagkatitigan si boss at si Daniel doon sa pantalan? Naku maam! Yon ang pinakabagong mukha ni boss na nakita ko. Maraming beses ko na siyang nakitang umiyak pero no'ng time na yon? Ibang-iba!"
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...