Action 108: Never let me go

77 3 0
                                    

Clumsy's POV

Papasok na kami sa National bookstore ng makakita ako ng magandang decor sa bukana ng store. Nainlove ang mga mata ko kaya tinuro ko 'yon kay Pape.

"Pape ang ganda oh. Bagay sa gate," sabi ko kahit alam kong waley ang taste ko pagdating sa designs. Ano ba ayos lang 'yon. Maganda kasi para sa akin eh.

"Gusto mo rin ba 'yan?" tanong ni Pape.

"Ay Earth, hindi 'yan binibili eh. Decor 'yan ng store hehehe!" Nahihiyang sabi ni ate Iv. Tumango naman ako.

"Ah Iv ba pangalan mo?" tanong ni Pape. Ulyanin na rin ata eh kakapakilala ko lang sa kanya kanina no'ng lumabas kami sa CR ni ate Iv. Tumango si ate Iv at malapad na ngumiti. Ang ganda niya! Ang amo ng mukha. Tapos ako... Raaaawrrr HAHAHAHA!

"Ahm.. Iv? Bibilhin ko na lang 'yang decor niyo. Sabihin mo magkano?" Napatingin ako kay Pape.

"Hala Pape huwag na po. Hindi nga daw binibili eh," sabi ko at umiling.

"Eh anak. Sabihin mo lang. Gusto mo ba o ayaw mo? Akong bahala. Mabibili ko 'yan." Seryoso si Pape.

"Ahm mag-ama po ba kayo?" tanong ni ate Iv.

"Oo," sagot ni Pape.

"Hindi po," sagot ko. Napakunot noo ako at humina ang boses ko.

Yumuko si Pape, "H-hindi... Kakilala ko lang ang mga magulang niya."

"Aahh. Hmm.. Pasensiya na po sir, hindi kasi talaga pwedeng bilhin."

"Ayos lang Pape. Marami naman na tayong decor," sabi ko at hinawakan si Pape sa braso. Seryoso talaga yung buy all I turo-turo. Kaloka to. Milyonaryo ata talaga si Pape eh.

Tumango si Pape, "Oh sige. Sabi mo eh."

Nakangiti kaming pumasok sa loob ng national bookstore. Ilang taon na rin akong hindi nakapasok dito. HAHAHAHA may Mr. Gaagle naman kasi para magsearch ng jokes. Doon din ako nagbabasa.

"Earth. Halika rito," tawag ni ate Iv sa akin. Hinayaan ako ni Pape na naiwan sa gilid ng pinto ng store.

Sinama ako ni ate Iv sa mga maliit na libro, "Romance novel sections to." Turo niya sa mga libro. Tumango lang ako.

"'Yong joke books po?" tanong ko agad. Eh kapag naririnig ko ang novel naiisip ko 'yong sikat sa school na si Willing Shakespeare. 'Yon lagi ang may sala kaya dumudugo hindi lang ilong ko pati utak. Jusko po! Ang haba ng mga pinapabasa sa amin ng teacher ko at ang malala English pa!  Ayawan na.

"Hahaha! Pili ka muna dyan. Libre kita. Kahit dalawa o tatlo," sabi niya saka tumingin sa mga libro. Napakamot ako sa ulo.

Wala naman akong mapili. Maninipis tapos yung mga hitsura eh parang mga totoong tao na hindi. May lalaki at babae. May lalaki lang at babae lang. Aargh! Wala bang colorful na may mga cartoons?

Dumampot ako ng tatlo na magkakatabi. Hindi ko naman na pinansin basta dumampot ako.

"Ate meron na po. Tara na po sa jokes books heheh!" Aya ko sa kanya. Pero imbes na pumuntang joke books lumapit siya sa akin.

"Tingin ng napili mo." Inabot ko sa kanya ang mga libro. Napangiti naman siya. "Magaganda to. Mag-eenjoy ka sa mga stories nito ni Martha Cecilia. Alam mo ba 'tong Author na to? Ito ang best-selling romance author sa Pilipinas. At ang Tagalog Romance novel Diva. Sa sobrang dami ko ng nabasang story niya, halos hindi ko na maalala ang iba, basta magaganda. Pero ngayon kakatapos ko lang iyong story na ang title ay 'For the love of Alyssa.' Magaganda rin ang mga series stories niya, tulad ng Sweatheart series at marami pang iba." Masayang kwento ni ate Iv. Tinitingnan ko lang yung hawak ko pero hindi talaga ako interesado.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now